
19/09/2025
Sa bisperas ng 2025 Global Leaders' Meeting on Gender Equality and Women's Empowerment, inilabas Biyernes, Setyembre 19, 2025 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na tinaguriang “Mga Tagumpay ng Tsina sa Well-Rounded Development ng Kababaihan sa Makabagong Panahon.”
Nakalahad dito ang pilosopiya, mga prinsipyo, at inobatibong praktika ng bansa sa pagpapasulong sa pagkakapantay ng kasarian at well-rounded development ng kababaihan sa makabagong panahon.
Binigyang-diin din nito ang namumukod na tagumpay at ambag ng kababaihang Tsino, at kinumpirma ang pangako ng Tsina sa pagsali sa pandaigdigang usapin para sa progreso ng kababaihan.
Tinukoy ng dokumento na sa kasalukuyang daigdig, nahaharap sa kapuwa pagkakataon at hamon ang pagpapasulong sa pagkakapantay ng kasarian at well-rounded development ng kababaihan.
Kasama ng iba’t-ibang bansa, lilikhain ng Tsina ang magandang kinabukasan para sa pag-unlad ng kababaihan at makabagong kabanata ng pandaigdigang progreso ng kababaihan.
https://filipino.cgtn.com/2025/09/19/ARTI1758275337948818