Beyond Filipina

Beyond Filipina Kontaktinformationen, Karte und Wegbeschreibungen, Kontaktformulare, Öffnungszeiten, Dienstleistungen, Bewertungen, Fotos, Videos und Ankündigungen von Beyond Filipina, Digital Creator, Aachen.

📍France
👩‍❤️‍👨 Married to a nerdy German
🤱🏻Montessori-certified educator (0-3yrs)
🧠 Passionate about neuroscience and psychology
🏋🏻‍♀️Health and fitness enthusiast
🗣️ Multilingual household: Tagalog, Pangasinan, English, French, German

Solved! 😆Ganito talaga gusto ko sa manggang hilaw, yung walang bahid ng dilaw o pagkahinog. 🤤
22/08/2026

Solved! 😆
Ganito talaga gusto ko sa manggang hilaw, yung walang bahid ng dilaw o pagkahinog. 🤤

22/08/2026

Nagmamadali na mag-gayat yung mister ko dahil naglalaway sabay naduduwal nako habang nagvivideo. 🤣

21/08/2026

Them: "Bakit wala kanang upload?"

Me: 😵‍💫

🧿

Cheers to more years of marriage contract extension renewal. 😁 Happy anniversary husband!
20/08/2026

Cheers to more years of marriage contract extension renewal. 😁 Happy anniversary husband!

11/08/2026

Napakamahal lahat sa Pinas. Kung sa public hospital naman, hindi natin makukuha yung ganitong kalidad ng serbisyo.
Sa France ako nanganak, simula checkups, maraming ultrasound, NIPT, blood tests, birth exercises, accupuncture pag masakit ang kasu-kasuhan habang buntis, then kasama ang asawa mula labor to delivery, mapa-water birth or medicalized delivery, 1 week ang stay sa ospital dahil sinuportahan pa ako sa breastfeeding journey ko, maraming freebies pang-baby, sa lahat ay wala kaming binayaran ni isang kusing. Kung sakaling ma-NICU ang baby, o kelangan ng photo-therapy dahil sa jaundice, wala parin bayad yun. Pati postpartum care, walang bayad sa pelvic floor therapy, pati sa psychological sessions para maprevent ang PP depression.
Hindi naman masasabi na libre kami dahil nagbabayad kami ng tax, pero sulit na sulit. Dyan din sa atin sa Pinas, nagbabayad din ng tax ang mga tao, sana man lang maramdaman din ng ating mga kababayan kung saan napupunta ang tax. Kahit may pera ka panggastos sa panganganak, malaking halaga parin ang 600k. 😱

Nakakaiyak talaga ang ganitong sitwasyon. Sa Pilipinas lang yata uso yung laging naka-post sa FB ang reklamo ng mga tao ...
12/07/2026

Nakakaiyak talaga ang ganitong sitwasyon. Sa Pilipinas lang yata uso yung laging naka-post sa FB ang reklamo ng mga tao sa mga public at private services, hoping na sana mag-viral para mapansin ng nararapat na makapansin at magawan ng solusyon. Ito ay dahil madalas, hindi mo makukuha ang hustisya kung idadaan mo lang sa pagtawag o pag-email ng paulit-ulit. At ang pinaka-totoo, wala kang mahihita kapag wala kang kakilala o kapit sa loob. Kawawa ang mga ordinaryong Pilipino na hindi influencer o celebrity.

Nangyari na rin sakin ito, si sa Maynilad, kundi sa mga telephone/internet companies. Nakakasuka ang customer service. Minsan maga-gaslight ka, na para bang kasalanan mo pa. Minsan puro sorry ang maririnig mo pero kelangan mo parin bayaran ang bill na hindi mo naman kinunsumo. Pero wala tayong magawa dahil wala tayong kapit. At lalong wala tayong magawa dahil wala tayong mapagpipilian, dahil halos lahat ganyan ang serbisyo sa Pinas. Sana magviral yung post ni ate dahil siguradong maraming nakaka-relate. At sana mapansin sa taas ng Maynilad at gawan ng solusyon, dahil kung hindi, baka ang ending ay kailangan nya parin bayaran yan o ipaputol nalang nya.

Oo, ito ang dahilan kung bakit napaka-resilient nating Pilipino, ang dami dami nating tinitiis sa Pilipinas. Pero hindi dapat ganito na lang lagi. Deserved din natin na makatanggap ng tamang serbisyo sa halagang binabayad natin. Deserved natin na hindi mastress ng ganito. Deserved natin na mapansin ang mga reklamo natin kahit hindi tayo sikat na tao.

Original post ni ate:
https://www.facebook.com/share/p/19J4QRhLrT/?mibextid=wwXIfr

Hindi na kinakaya ng sunflower ang sun. 🥵☀️🌻
07/07/2026

Hindi na kinakaya ng sunflower ang sun. 🥵☀️🌻

05/07/2026

Ito na yung karugtong ng isa kong mini-vlog. Ok na, malinis na, inabot lang naman kami ng 5 hours! 😮‍💨

Naalala ko yung balita sa Pinas recently na may guest na nagbook ng bahay sa Airbnb, tapos pina-house blessing nya yun, with pictures pa! 🤣 Ayun nahuli, galit na galit yung may-ari 🤣 Sana may magpa-house blessing din dito para tanggal ang mga masasamang ispiritung Pranses, di kami magagalit. 🤣

05/07/2026

Hindi ako masyado makapag-research at hindi ko pa ma-edit yung mga nakaraan kong na-film na videos nitong mga araw dahil pagod. 😮‍💨 Kaya ito, mini personal vlog muna. 😅
Meron kami ditong bahay paupahan para sa mga estudyante. Tuwing summer vacation, umuuwi sila sa kani-kanilang mga pamilya at nababakante ang mga kwarto. Kaya ngayong summer, pina-Airbnb namin. Sayang din ang kikitain dahil maraming turista ang nagpupunta dito tuwing summer dahil napapaligiran kami ng mga dagat. Kaya imbis manood ng Worldcup, busy kaming maghost at maglinis. 😅 Sa September, pasukan na uli at babalik na ang mga estudyanteng uupa kaya makakapagpahinga na uli kami. Sa ngayon, kayod muna. 😅💪

Adresse

Aachen

Webseite

Benachrichtigungen

Lassen Sie sich von uns eine E-Mail senden und seien Sie der erste der Neuigkeiten und Aktionen von Beyond Filipina erfährt. Ihre E-Mail-Adresse wird nicht für andere Zwecke verwendet und Sie können sich jederzeit abmelden.

Verknüpfungen

Teilen

Kategorie