11/07/2025
An Open Letter for my Papa Pol
Hi Papa, i miss you.. out of nowhere, bigla ko na lang kinanta yung "if I ain't got you" yan ang isa sa mga favorite song na pinapakanta mo sakin sa twing meron mga videoke at reunion sa Gutierrez clan. Naalala ko nung nauna ako umalis papuntang Singapore at meron event noon si mama sa Pinas, umiiyak ka raw dahil may isang babae na kumakanta din nung kanta na yun, namiss mo raw ako.
Sa twing meron tayo lakad at sama sama tayo pamilya sa sasakyan, pinapatay mo Ang radyo dahil mas gusto mo pang marinig kami mag magkakapatid na nagkakantahan, Ang unang nag li-like sa mag YouTube video covers namin. Wala pa man e ikaw ang President NG aming FANS Club.
Naaalala ko na sa twing bago ako umakyat ng stage pag mag special number ako sa simbahan, hinahawakan mo muna ang malalamig kong kamay at sinasabing wag ako kabahan dahil kayang kaya ko naman .. hanapin lang kita sa audience andoon ka nanonood, nakangiti at pumapalakpak.
Ganun din sa mga anak ko.. Kahit na nung Mahina ka na, nakita ko sa mga Mata mo Ang saya nung napanood mong first time na kumanta si Patricia sa harap ng maraming tao. Super proud ka at napaluha para sayong panganay na apo lalo nat na-witness mo Ang araw na iyon.
Gaya nga ng lagi mong sinasabi.. FAMILY FIRST. Mabuti ang magkaroon ng maraming kaibigan pero sa huli pamilya pa rin ang tatakbuhan mo at ang laging andyan para sayo. No matter what. Kahit na may mga hindi pagkakaunawaan, may mga tampuhan. Ang unang dapat na umintindi at magmahal sakanila ay ikaw na mismong kapamilya at ganun din sila sayo. FAMILY over Everything.
Today, as we celebrate your 77th Birthday.. Salamat papa dahil hanggang ngayon ginagabayan mo pa rin ako sa lahat ng mga desisyon ko sa araw araw.. sabi mo nga, "in everything, give thanks!" naayon man ito sa plano ko o hindi. sa pagturo saakin na ipaubaya sakanya Ang lahat ng bagay, na meron sya mas magandang plano para sakin at maghintay lang dahil darating ito hindi man sa ngayon ngunit sa tamang panahon.
Papa, thank you..
Maraming Salamat for all the memories, all the advices.. for setting a good example. A Family Man. A Man of God.. I pray na sana I can continue and pass your legacy especially to my children lalo na ngayon madadagpan pa ang apo mo.
Salamat papa , you will never be forgotten.
Happy Birthday and enjoy your grand celebration there in Heaven. I love and miss you!
Your eldest Daughter,
Pau