14/04/2026
STRANDED WORKER ASSISTED BY LEGAZPI POLICE, PROVIDE FREE RIDE HOME
Noong Abril 14, 2026, bandang alas-6:41 ng umaga, nagbahagi ang Legazpi City Police Station ng isang post sa Facebook tungkol sa pagbibigay ng tulong sa isang na-stranded na indibidwal. Ayon sa nasabing post, ang naturang indibidwal ay humingi ng tulong noong Abril 13, 2026 matapos siyang ma-stranded mula sa kanyang trabaho sa Bacacay, Albay at nangangailangang makabalik sa Maynila.
Ang mga rumespondeng kapulisan ay nagbigay ng pagkain at kaunting tulong pinansyal sa tulong ng mga intern mula sa Bicol College, at tumulong din sa pag-aayos ng kanyang ligtas na pagbiyahe. Sa pamamagitan ng kabutihang-loob nina G. Reynato Tantiado at John Almonte ng RLLT Transport, nabigyan din ang indibidwal ng libreng sakay ng bus pauwi sa Maynila.
COURTESY TO ORIGINAL POST