
14/08/2025
AGOSTO 15
Pang Araw-Araw na Debosyonal
Kasaysayang Adventista
"ANG PAMBANSANG PANUKALANG BATAS TUNGKOL SA LINGGO"
(Apocalipsis 13:12)
Ang halimaw na tulad ng kordero ay ginagamit ang buong kapangyarihan ng unang halimaw na nasa kanyang paningin, at pinasasamba niya ang lupa at ang mga naninirahan dito sa unang halimaw na ang sugat na ikamamatay ay gumaling na.
Dumating ang sukdulan sa usapin ng Linggo noong Mayo 21, 1888, kung kailan ang senador ng New Hampshire na si H. L. Blair ay nagpakilala ng isang panukalang batas sa Senado ng Estados Unidos para mapalaganap ang pag-iingat sa "Lord's day" "bilang araw ng pagsambang relihiyoso."
Ang pambansang panukalang batas ni Blair tungkol sa Linggo ay unang pagkakataon na ang ganitong pagsasabatas ay maharap sa Kongreso mula ng pagtatatag ng kilusang Adventista noong 1840s. Pagkatapos ng apat na araw nagpasa siya ng iminumungkahing pagbabago sa Saligang Batas ng Estados Unidos na gagawing Kristiyano ang sistema ng pampublikong edukasyon ng bansa.
Hindi nakaligtaan ng mga Seventh-day Adventist ang kahalagahan sa propesiya ng mga panukalang batas ni Blair. Naging isang salik ang kasabikang eskatolohikal sa kilusang Sunday law na nakadagdag sa maigting na mga tensyon sa panahong patungo sa 1888 General Conference session.
Nagdulot ng emosyonal na kaligiran ang krisis sa eskatolohiya na nakaugnay sa dalawa pang usapin na magbabangon sa mga pagpupulong sa Minneapolis. Ang una ay tungkol sa interpretasyon ng propesiya-lalo na sa aklat ng Daniel. Ang ikalawa'y kinasasangkutan ng uri ng katuwiran na kailangan para sa kaligtasan. Dadalhin sa pokus ng ikalawa ang papel na ginagampanan ng kautusan ng Diyos sa panukala ng kaligtasan habang nakikipagpunyagi ang mga Adventista sa papel na ito sa aklat ng Galacia.
Imposibleng maunawaan ang napakaigting na emosyon ng mga kasali sa mga pagpupulong noong 1888 nang hindi nahahagip ang katunayan na nararamdaman ng mga Adventista, dahil sa krisis tungkol sa Linggo, na nahaharap na sila sa wakas ng kapanahunan.
Sumulat si S. N. Haskell bago magsimula ang mga pagpupulong na ang kanilang kalayaan bilang tagapag-ingat ng Sabbath ay mabilis na kukunin, at marahil ay malapit na silang magbigay ng patotoo sa mga korte at bilangguan.
Sa gayong kaisipan, hindi mahirap na makita kung bakit ang ilang pinunong Adventista ay tumugon sa paraang napakarahas at emosyonal noong magsimula si Jones at Waggoner na pag-alinlanganan ang katotohanan ng ilang aspeto ng interpretasyon ng denominasyon sa propesiya at sa teolohiya nito sa kautusan. Ikinatuwiran nila na ang ganitong mga tanong ay nagbabanta sa pinakasentro ng pagkakakilanlang Adventista sa panahon ng pinakamatinding krisis.
Ang pagtugon at ang labis na pagtugon sa mga usapin ay malapit na magkapit-bahay. Nawa'y tulungan tayo ng Panginoon na hindi lamang malaman ang kaibahan kundi ang magsagawa ng mas mabuting hakbang kapwa sa ating buhay sa iglesya at sa ating pribadong buhay.
BAKA ATING MALIMUTAN
GRK PAGE 242
PAG-ASA AT INSPIRASYON SA
BUKANG LIWAYWAY
AWR LLANERA 89.1FM