24/01/2025
'HANGGANG NGAYON NAMAN NAPAGSASABAY KO SIYA. SO YEAH, I'M PROUD OF MYSELF'
Ito ang ibinahagi ng 'Pinoy Big Brother' big winner na si Fyang Smith sa 'BRGY' matapos mapag-usapan ang patungkol sa kanyang pag-aaral.
"Nag-pandemic nga po, nawalan po 'ko ng gana kasi nga online class. 'Di makalabas so parang hindi ko po naa-appreciate that time 'yung pag-aaral and although mataas pa din naman po 'yung grades ko, kayang-kaya pa din naman, pero hindi ko na goal 'yung makasama sa honor and 'yung mommy ko din naman po hindi ako pine-pressure. [...] Ang importante lang po sa kanya is wala 'kong bagsak. 'Pag ka po may line of seven, dun ka na kabahan. Yes, ayaw po ng mommy ko na may line of seven," kwento ni Fyang.
"Siguro po naka-line of seven ako nung time na, first time ko po, parang grade 10 or something ako, yes, 79? Tapos pinakamababa ko (ay) 75. [...] Yes, online (class) po. Eh nung time po na 'yun social media ano na po 'ko so parang hindi ko po nafo-focus 'yung pag-aaral ko and parang mas nag-focus ako sa kung saan ako makaka-earn," dagdag pa niya.
"Kasi 'yung sinasabi ko din naman sa sarili ko [na] as long as wala 'kong bagsak, okay lang 'yan kasi 'di naman importante sa 'kin 'yung parang grades as long as nag-aaral ako, 'yun na 'yung importante sa 'kin. Hanggang ngayon naman napagsasabay ko siya. So yeah, I'm proud of myself," dagdag pa niyang muli.
(YouTube/TFC The Filipino Channel)
ctto