13/05/2025
**“Alam mo ‘yung mga taong tahimik lang, ‘di nagsasalita, pero sa loob nila’y rumaragasang emosyon at problema? ‘Yun ako. Marami sa paligid ko ang nag-aakala na okay lang — kaya ‘pag napagpiyestahan nila ‘yung katahimikan ko, parang wala na akong laban. Pero ‘di nila alam na buong lakas ko’y nauubos sa pagharap sa sarili kong giyera.
Tahimik ako hindi dahil mahina, kundi dahil pinipili kong lumaban nang hindi nakikita. Kaya bilang paalala sa lahat: huwag natin husgahan ang hindi natin naiintindihan. Konting unawa, konting kabaitan, malaking bagay na.
”