15/08/2026
May mga pangarap talaga na kahit narating mo na o natupad na, iiwanan at iiwanan mo at isasakripisyo hindi dahil ayaw mo na, nagsawa kana o dahil hindi ka naging matagumpay. Madalas kasi nagbabago na yung priorities mo at mga bagay o tao na mas mahalaga para sayo. Marerealize mo kasi na hindi lang materyal na bagay at pera ang magbibigay ng kaligayahan sayo kundi panahon, peace of mind at pamilya na mas pipiliin mong makasama. At yun ang hindi mo naisipang pangarapin noon pero pinangarap at tinutupad mo na ngayon.