16/08/2025
Tinatayang nasa 200,000 hanggang 214,000 daw silang OFW dito sa Hong Kong. Malaking bilang ‘yan, dapat puro sipag at tiyaga ang pinapakita natin. Pero aba, may espesyal na breed pala sa grupo—sila ang tinatawag na vlogger na bugok. Oo, sila na ang eksperto sa dalawang bagay: una, ang makipagpatayan sa views gamit ang bawat drama at paawa effect, at pangalawa, ang sirain ang kapwa OFW para may bago silang ‘content’.
Nakakabilib, kasi imbes na dagdagan ang respeto ng mga tao sa ating mga Pilipino, mas ginagalingan nila sa pagpapakalat ng intriga at kahihiyan. Para bang proud na proud silang maging online tsismosa na may ring light, tripod, at murang mic. Kung talent sa paninira ang basehan, baka matagal na silang nanalo ng award sa Hong Kong.
Kaya kung may nagtataka kung bakit imbes na mataas ang tingin sa atin, may ilan pa ring natatawa o minamaliit ang mga OFW, tingnan niyo na lang kung sino ang masipag mag-live habang naninira ng iba. Sila, oo sila mismo, ang tunay na inspirasyon… inspirasyon ng kahihiyan.