
23/06/2025
🕯️ In Loving Memory of Steven Jones Sandoval.
Isang mandirigma ng pananampalataya.
Isang tinig ng katuwiran sa gitna ng sagutan.
Isang kaibigang hindi natakot tumindig para kay Cristo.
Sa Debaters Convention, hindi lang siya nakilala sa kanyang talino sa pakikipagtalakayan, kundi sa pagmamahal niya sa katotohanan at sa Diyos na kanyang pinaglilingkuran bilang isang Seventh Day Adventist.
Bagamat tahimik na ngayon ang kanyang mikropono, ang impluwensiya ni Steven ay patuloy naming naririnig sa bawat argumento ng katuwiran at paninindigan sa pananampalataya.
Hindi ka namin malilimutan, kapatid. 💔