North News Weekly

  • Home
  • North News Weekly

North News Weekly The North News Weekly is a media entity that caters significant and interesting news and other infor

๐‹๐š๐ง๐๐ฌ๐ฅ๐ข๐๐ž๐ฌ, ๐›๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š, ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐šLandslides, bumara sa kalsada sa bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet r...
11/07/2025

๐‹๐š๐ง๐๐ฌ๐ฅ๐ข๐๐ž๐ฌ, ๐›๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š, ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐š

Landslides, bumara sa kalsada sa bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet road sa Sitio Pucgong, Barangay Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya kaninang 2:25 ng hapon, July 6, kaya pansamantala na sarado sa motorista ngayong oras.

Kasalukuyan na ngayon ang clearing operations habang pinayuhan ang mga motorista na umikot muna sa mga alternatibong ruta habang kasalukuyan ang clearing operations.

Patuloy ang monitoring ng awtoridad sa lugar. #

๐Š๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐ฎ๐ง๐ ๐๐ฎ๐š๐ง, ๐ˆ๐Ÿ๐ฎ๐ ๐š๐จ, ๐ง๐š๐๐š๐๐š๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ง๐๐ฌ๐ฅ๐ข๐๐ž๐ฌKalsada sa bahagi ng national road sa Hapao, Hungduan, ...
11/07/2025

๐Š๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐ฎ๐ง๐ ๐๐ฎ๐š๐ง, ๐ˆ๐Ÿ๐ฎ๐ ๐š๐จ, ๐ง๐š๐๐š๐๐š๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ง๐๐ฌ๐ฅ๐ข๐๐ž๐ฌ

Kalsada sa bahagi ng national road sa Hapao, Hungduan, Ifugao, nadadaanan na ngayon matapos ang landslides sa nakaraang mga araw.

Nagsagawa ng clearing operations sa lugar lalo pa at pangunahin raw itong daanan ng mga residente, kabilang na ang mga estudyanteng nag-aaral sa Hapao Elementary School sa naturang lugar.

Dahil maayos na, ligtas na raw ang mga motorista lalo na ang mga bata na dumadaan sa lugar. #

๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ž๐ฌ ๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐‚, ๐ง๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ Mga kasapi ng Batanes Provincial Disaster Risk-Reduction Management Coun...
11/07/2025

๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ž๐ฌ ๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐‚, ๐ง๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ 

Mga kasapi ng Batanes Provincial Disaster Risk-Reduction Management Council, nagpulong para bilang paghahanda sa bagyong Bising.

Bagaman at di direktang tatama sa gitna ng Batanes, nakararanas naman ngayon ng pag-uulan, kulog at kidlat ang lalawigan pero naihanda na raw ang mga search and rescue equipment maliban sa mga nakaantabay na mga kawani.

Sa miting, sinabi ni Governor Jun Aguto na tiyaking "pro-active" ang preparasyon at aksyon daw kaya may 24/7 Operations Center na nakahimpil sa kapitolyo. #

๐Œ๐ ๐š ๐ค๐š๐š๐ง๐š๐ค ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐œ๐ฎ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฅ๐ž๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฆ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐š, ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ฒ๐ฎ๐๐šNUEVA VIZCAYA-Ibiniga...
11/07/2025

๐Œ๐ ๐š ๐ค๐š๐š๐ง๐š๐ค ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐œ๐ฎ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฅ๐ž๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฆ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐š, ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ฒ๐ฎ๐๐š

NUEVA VIZCAYA-Ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules ng tig-P50,000 cash at P20,000 cash assistance sa mga pamilya ng apat na small-scale miners na namatay sa hinukay na mining hole sa Sitio Capitol, Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Kapitan John Babli-ing ng Barangay Runruno na ang 68 miner-rescuers na tumulong sa rescue and retrieval operations ay nakatanggap din ng tig-P3,000 bilang tulong para sa pagtulong sa pagkuha ng bangkay ng tatlong minero at isang rescuer na namatay dahil sa kakulangan ng oxygen at pagkakaroon ng nakalalasong gas matapos maipit sa loob ng butas. Tinanggap ng mga kaanak ng napatay na mga minero na sina Daniel Segundo, 47; Florencio Indopia, 63; at Lipihon Ayudan, 56, at ang patay na rescuer na si John Philip Guinihid, ang tulong.

Naibigay naman ang P15,000 tulong para sa naospital na si rescuer Johnny Ayudan, kapatid ng isa sa mga nasawi na si Lipihon Ayudan.Gayunman, namatay ngayon Hulyo 4 si Johnny. Pinuri rin ng pamahalaang bayan ng Quezon ang mga minero-rescuer sa kanilang โ€œkatapangan at kabayanihan, at itinaya ang kanilang buhay upang kunin ang mga biktimang una nang nahihirapang huminga dahil sa kakulangan ng hangin at nakakalasong gas.

Bukod sa mga minero, tumulong din ang mga manggagawa ng mining companies na FCF Minerals, OceanaGold, at Lepanto Mines hanggang sa makuha ang lahat ng bangkay mula sa lalim na 400-700-meter sa ilalim ng lupa noong Hunyo 26 ng hatinggabi. Bukod sa mga lokal na minero, tumulong din ang mga minero mula sa FCF minerals, Oceana gold at Lepanto Mines hanggang sa ma-pull out ang lahat ng biktima noong Hunyo 26. Narekober ang mga ito sa lalim na 300-700 metro. Noong Sabado, Hunyo 28, inilibing ang dalawa sa mga namatay at kahapon, Hulyo 2, inilibing din ang ikatlong nasawi. Isa sa nasawi ang naibalik sa kanilang probinsya sa Barangay Cudog, Lagawe, Ifugao. #

๐‘๐ž๐ฌ๐œ๐ฎ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐š, ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒNUEVA VIZCAYA-Umakyat na sa lima ang bilang ng mga namatay sa insidente ng mga natrap n...
11/07/2025

๐‘๐ž๐ฌ๐œ๐ฎ๐ž๐ซ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐•๐ข๐ณ๐œ๐š๐ฒ๐š, ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒ

NUEVA VIZCAYA-Umakyat na sa lima ang bilang ng mga namatay sa insidente ng mga natrap na minero sa ilegal na 700-meter lalim na mining tunnel sa Sitio Capitol, Barangay Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya matapos yumao ang ikalawang rescuer kaninang madaling araw, July 4.

Ang namatay ay ang 38-anyos na rescuer na si Johnny Ayudan. Siya ang bunsong kapatid ng isa sa mga minerong unang namatay na si na Lipihon Ayudan. Unang natrap sa 700 metrong lalim na butas na pinagmiminahan ng mga biktima si Lipihon at tumulong si Johnny upang ilabas ang kanyang kapatid kasama ang dalawang iba pa subalit nawalan siya ng malay habang nasa ilalim ng butas.

Idineklarang patay ang isa niyang kasamang rescuer nang marekober sila noong Hunyo 26. Buhay pa naman nang mailabas si Johnny subalit mahina ang katawan matapos himatayin dahil sa kawalan ng hangin. Agad na isinugod noon si Johnny Ayudan ang rescuer at nanatili roon hanggang sa yumao kaninang madaling araw habang nakaconfine sa hospital. Iuuwi umano si Johnny Ayudan na rescuer sa kanilang lugar sa Communal, Solano, Nueva Vizcaya.

Nailibing na rin ang lahat ng mga namatay na minerong yumao. Una nang nagbigay ng tulong pinansiyal ang lokal na pamahalaan ng Barangay Runruno at munisipyo ng Quezon sa mga rescuer at kapamilya ng mga namatay na minero. Kinilala rin ng lokal na pamahalaan sa katapangan at kabayanihan ng mga local miner na tumulong sa pagliligtas sa mga minero. #

๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐š๐ญ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐‹๐จ๐ฐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž ๐€๐ซ๐ž๐š ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง, ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ซ๐ž-๐๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐ž๐ž...
11/07/2025

๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐š๐ญ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐‹๐จ๐ฐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž ๐€๐ซ๐ž๐š ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง, ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ซ๐ž-๐๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง

Paghahanda sa pagdatal ng Low Pressure Area na nagdudulot ng malalakas na ulan, tinalakay sa pre-disaster assessment meeting sa Cagayan ngayong araw. Pangunahing tinatalakay pagpupulong ang mga hakbang upang makontrol ang epekto ng LPA.

Nanguna si Gob. Edgar Aglipay bilang chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang Pre-disaster Assessment meeting kaugnay sa kasalukuyang nararanasang sama ng panahon. #

๐ƒ๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง, ๐ง๐š๐›๐š๐ก๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐†๐š๐ญ๐ญ๐š๐ซ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐œ ๐„๐ฅ๐ž...
11/07/2025

๐ƒ๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง, ๐ง๐š๐›๐š๐ก๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐†๐š๐ญ๐ญ๐š๐ซ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐œ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐€๐ฉ๐š๐ซ๐ซ๐ข, ๐‚๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง

Dahil sa pag-uulan, nabaha ang bahagi ng school grounds ng San Vicente Elementary School sa Gattaran,Cagayan at ang Mabanguc Elementary School sa Aparri, Cagayan.

Walang puknat at sobrang lakas ng ulan kaya pinatila muna ang ulan bago pinauwi sa kani-kanilang mga bahay ang mga mag-aaral. Agad namang iniakyat ng mga g**o ang mga kagamitan sa mas mataas na bahagi ng silid-aralan upang maiwasan na mabasa kapag pasukin ng tubig-baha ang loob ng mga kuwarto. #

๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ซ๐š๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐Œ๐š๐ข๐ฅ๐š ๐“๐ข๐ง๐ -๐๐ฎ๐ž, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐š ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ฎ๐๐š๐TUGUEGARAO CITY-Opisyal na na...
11/07/2025

๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ซ๐š๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐Œ๐š๐ข๐ฅ๐š ๐“๐ข๐ง๐ -๐๐ฎ๐ž, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐š ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ฎ๐๐š๐

TUGUEGARAO CITY-Opisyal na nanumpa sa tungkulin si City Mayor Maila Rosario Ting-Que kasama ang mga bagong halal na miyembro ng 10th City Council, sa pangunguna ni Vice Mayor Rosauro Rodrigo โ€œRossโ€ Resuello, sa isang oath-taking ceremony na ginanap nng hapon hanggang gabi ng Hunyo 30, 2025, sa Tuguegarao City Peopleโ€™s Gymnasium.

Pinangunahan ni Regional Trial Court Executive Judge Jezarene Aquino ang panunumpa ni Mayor Ting-Que at sinaksihan ng mga pamilya, kaibigan, supporters, at constituent ng mga halal na opisyal.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Ting-Que ang mga pangunahing tagumpay ng kanyang unang termino at muling pinagtibay ang kanyang pangako sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo publiko na may matinding pagtuon sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, agrikultura, at mga programang pangkabuhayan.

"Iaangat pa natin ang kalidad ng serbisyo publiko. Ihahatid natin sa bawat Tuguegaraoeรฑo ang serbisyo ng mas nakikita, nadarama ng masa, at mas maaasahan."

Sa kabilang banda, nangako si Vice Mayor Resuello na pamunuan ang Konseho ng Lungsod nang may transparency, integridad, at pagkakaisa. Nanawagan siya sa mga miyembro ng 10th City Council na unahin ang kapakanan ng mga tao higit sa lahat.

"Itaas natin ang pulitika at personal na interes, at tumuon sa kung ano ang tunay na mahalaga: ang kapakanan ng ating mga tao. Magsabatas tayo hindi para alalahanin, kundi para gumawa ng pagbabago," dagdag niya. #

Idinaos ang Misa bago ang seremonya na pinangunahan ni Rev. Fr. Franklin Manibog, Parish Priest ng St. Paul Metropolitan Cathedral sa Tuguegarao. #

๐ƒ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐๐ ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐„๐๐ ๐š๐ซ ๐€๐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐ฒ, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ง๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ก๐š๐ก๐š๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข ๐ง๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐งDating PNP Chief ...
11/07/2025

๐ƒ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐๐ ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐„๐๐ ๐š๐ซ ๐€๐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐ฒ, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ง๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ก๐š๐ก๐š๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข ๐ง๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง

Dating PNP Chief Edgar Aglipay, nanumpa na bilang hahalili na bagong gobernador sa lalawigan ng Cagayan kaninang alas-dose ng tanghali, Hunyo 30.

Sa harap ni Justice Ramon Paul Hernando ng Korte Suprema bilang administering officer sa oath-taking sa Kapitolyo ng lalawigan, nangako si Aglipay na gagawin nya ang mga legal, makaDiyos at makatao na paraan para sa pag-unlad at kapayapaan sa Cagayan.

Isa raw sa tututukan nya ang pagpapatayo ng mga solar power projects lalo na sa northern Cagayan upang punan ang kakulangan ng tustos na kuryente para sa mga investments at industriya.

Pagkaraan nito, isinagawa agad ang pagsasalin ng katungkulan ni Outgoing Governor at bagong Bise Gobernador Manuel Mamba.

Nanindigan rin si Mamba na makikipatulungan ang lokal na lehislatura sa ehekutibo ng lalawigan na naaayon sa batas.

Dumalo naman sa oath-taking ang dalawa sa tatlong kongresista, sina 1st District Rep. Ramon Nolasco Sr. at 2nd District Rep. Aline Vargas-Alfonso na parehong kalaban ng kanyang mga kaalyado noong nakaraang halalan. #

๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐ƒ๐ข๐š๐ณ ๐š๐ญ ๐š๐ง๐š๐ค ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐‰๐š๐ฒ๐ฏ๐ž, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ค๐š๐ฅ๐๐ž, ๐›๐ข๐ฌ๐ž ๐š๐ฅ๐ค๐š๐ฅ๐๐ž ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒLUNGSOD NG ILAGAN, Isabela-...
11/07/2025

๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐ƒ๐ข๐š๐ณ ๐š๐ญ ๐š๐ง๐š๐ค ๐ง๐š ๐ฌ๐ข ๐‰๐š๐ฒ๐ฏ๐ž, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ค๐š๐ฅ๐๐ž, ๐›๐ข๐ฌ๐ž ๐š๐ฅ๐ค๐š๐ฅ๐๐ž ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela-Pormal na iniluklok si Mayor Josemarie โ€œJayโ€ Diaz sa pwesto ni Isabela Governor Rodolfo Albano III sa isinagawang oathtaking rites sa Capital Arena noong Hunyo 28 dito.

Inihayag ni Mayor Diaz na inaabot niya ang kanyang mga bisig โ€œsa pagkakaibigan at hayaan ang lahat ng nakaraan ay ilibing na ngayon sa limot.โ€

โ€œIpinaabot ko ang aking mga kamay para sa tunay na pagkakasundo at pagkakaibiganโ€ฆhayaan ang pagkakaisa sa puso ng bawat Ilagueno na lumago nang sama-sama,โ€ dagdag niya.
Ang kanyang anak na si Jay Eveson โ€œJayveโ€ Diaz naman ay nanumpa bilang bise alkalde sa harap ni LPGMA partylist Rep. Allan Ty.

โ€œSisiguraduhin ko sa iyo na magkakaroon ng konseho ng lungsod na may patas at pagkakapantay-pantay,โ€ sabi ni Jayve.
Kalaunan ay nanumpa ang mga miyembro ng konseho ng lungsod sa harap ni Mayor Diaz. #

๐€๐ฅ๐›๐š๐ง๐จ, ๐ƒ๐ฒ ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ, ๐›๐ข๐ฌ๐ž ๐ ๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐šSa harap ng napakaraming tao, nanumpa sina Isabela Gover...
11/07/2025

๐€๐ฅ๐›๐š๐ง๐จ, ๐ƒ๐ฒ ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ, ๐›๐ข๐ฌ๐ž ๐ ๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐š

Sa harap ng napakaraming tao, nanumpa sina Isabela Governor Rodolfo โ€œRoditoโ€ Albano III at Vice Governor Francis Faustino โ€œKikoโ€ A. Dy noong Hunyo 30, sa The Capital Arena sa Alibagu village dito.

Nanumpa si Gobernador Albano sa harap ni Executive Judge Grace Manaloto ng Regional Trial Court-Branch 18. Si Bise Gobernador Dy ay nanumpa kay Gobernador Albano.

Walang katunggali, nagsimulang magsilbi si Albano sa kanyang ikatlo at huling termino bilang gobernador. Si Dy, na nahalal din nang walang kalaban, ay nagsimula sa kanyang unang termino bilang bise gobernador pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Echague.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Gobernador Albano ang papel ng mga lingkod-bayan at mamamayan sa paghubog ng kinabukasan ng lalawigan.

โ€œSa lahat ng Isabeleรฑo, ang inyong katatagan, pag-asa, at aktibong pakikilahok ang siyang nagpapatibay sa ating lalawigan,โ€ ayon sa kanya.

Pinuri ni Bise Gobernador Dy ang โ€œtransformative leadershipโ€ ng administrasyong Albano at ipinaabot ang kanyang optimismo para sa patuloy na pag-unlad ng Isabela sa ilalim ng kanilang administrasyon. #

30/06/2025

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when North News Weekly posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to North News Weekly:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share