
27/09/2025
- PRESS RELEASE -
Sept. 23, 2025
Mula sa aming samahan na PWD Issues and Concerns for the Rights of Persons with Disability sampo ng aming mga membro na mga taong may kapansanan na nakikipaglaban sa sakit na cancer ang aming concern ay nais namin ipaalam sa pangulong Marcos at sa gobyerno nawa'y makita ninyo ang kahirapan ng mga taong may kapansanan na may cancer sa paghahanap nila ng tao o ahensya na malalapitan upang makabili ng lahat na gamot na kinakailangan sa halagang 38K to 48K sa kada session ng kanilang Chemotherapy dahil ang sinasagot ng Philippine Health Insurance Corporation o ay yun billing ng hospital para sa paggamit ng pasilidad at medical staff para sa nasabing session hindi po kasama ang mga gamot na kakailanganin para sa session ng Chemotherapy na kailangan pang bibilihin sa kumpanya na nagbebenta ng gamot sa labas ng hospital n may available na gamot pra s Chemotherapy. Ito ay base sa mga taong may kapansanan na humihingi ng tulong sa aming samahan at base narin sa aming personal na impormasyon sila po ay umiiyak na kung paano makukumpleto ang halaga na pera upang maibili ang gamot sa labas para magawa ang Chemotherapy Session sa loob ng 18 cycle sa kanilang mga hospital na pinag-tetherapyhan. Sinasabi namin ito sa publiko dahil ito ay totoong nararanasan ng mga taong may kapansanan na may sakit na cancer at kanilang mga kaanak na naglalakad ng mga papel para mapunoan ang halagang kailangan.. Ang nais ng aming buong samahan PWD Issues and Concerns for the Rights of Persons with Disability ay yung ibabalik na pondo na 2025 mula sa na billiong piso n hindi nagawng proyekto na ipapasok sa pondo ng Philhealth ay maisama sana yung lhat ng mga gamot para sa session ng Chemotherapy para sa kapakanan na madugtungan ang buhay ng mga pilipinong may kapansanan na may cancer na hindi na nahihirapan ang pasyente o mismong kaanak na naglalakad ng papel upang makahanap ng pera sa gamot na halagang 38K to 48K sa bawat session.