18/02/2026
Husbands, in the same way be considerate as you live with your wives, and treat them with respect…
1 Peter 3:7
Nakakalungkot kapag ang buhay ng asawa parang umiikot na lang sa lalaki. Sa gusto niya. Sa ego niya. Sa insecurities niya. Parang ang role na lang ng babae ay sumunod, mag adjust, manahimik.
At mas grabe kapag ginagamit pa ang religion para i-justify ang pagiging obsessive, manipulative, at over controlling.
Hindi mo pwedeng gawing mask ang pagiging “man of God” para pagtakpan ang toxic masculinity mo.
Yung mindset na “lalaki ako, ako ang masusunod” hindi yan leadership. Lumang gender norm yan na pinalaki sa takot at pride. Hindi yan biblical masculinity. Hindi yan strength. Control issues yan.
Toxic masculinity teaches men na kailangan dominante, dapat sila ang final say, bawal ma-question, bawal masapawan. Na kapag independent ang asawa, threat yun. Kapag may sariling opinyon, disrespect na agad.
Pero ang tunay na strength hindi natatakot sa strong na partner.
Ang tunay na lalaki hindi insecure sa empowered na babae.
At ang tunay na faith hindi ginagamit para manupil.
Modern partnership is not about hierarchy. Hindi ito boss at empleyado. Hindi ito hari at tagasunod. Partnership ito. Equal in value. Equal in dignity. Magkaiba ng roles minsan, pero hindi magkaiba ng worth.
Ang toxic gender norms nagtuturo na ang babae dapat tahimik, submissive, sunod lang nang sunod kahit nasasakal na. At ang lalaki dapat laging dominante, laging tama, laging kontrolado ang lahat.
Pero ang pagmamahal na galing sa Diyos may respeto.
May consent.
May mutual submission.
May listening.
May accountability.
Kung kailangan mong takutin, i guilt trip, o gamitan ng Bible verse ang asawa mo para sumunod siya, hindi yan godly leadership. Emotional manipulation yan na may religious packaging.
Stop romanticizing control.
Stop spiritualizing abuse.
Stop calling domination.
Hindi ka ginawang ulo ng pamilya para maging dictator. Ginawa kang leader para mag serve, mag protect, at mag love sacrificially.
Hindi alipin ang asawa.
Hindi siya extension ng ego mo.
Partner siya. Equal siya. Tao siya na may sariling calling, identity, at relasyon sa Diyos na hindi dumadaan sayo.
At kung nasasaktan ka sa thought na hindi mo siya kayang kontrolin, baka hindi siya ang problema. Baka yung ego mo.
Ooopss.
Kay sir hajie. Po ito