15/12/2025
ICC Judges At Prosecutor Ipakukulong
ng RUSSIA.
RUSSlA SINENTENSIYAHAN ANG ICC PROSECUTOR AT JUDGES
Ganti matapos ang arrest warrant laban kay Putin
Sinentensiyahan ng isang korte sa Moscow ang chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na si Karim Khan at walong iba pang ICC officials ng pagkakakulong in absentia, bilang tugon sa inilabas na arrest warrant laban kay RUSSlAN President Vladimir Putin kaugnay ng digmaan sa Ukraine.
Noong 2023, kinasuhan ni Khan si Putin sa ICC dahil sa illegal deportation ng mga bata mula sa mga sinasakop ng RUSSlA na teritoryo ng UKRAlNE. Bilang sagot, nagbukas ng kaso ang RUSSlA laban kay Khan at sa mga hukom ng ICC.
Ayon sa Moscow city court, “unlawfully prosecuted” umano ni Khan ang mga RUSSlAN citizen at “patently unlawful arrest warrants” ang ipinag-utos ng ICC. Hindi miyembro ng ICC ang RUSSlA at wala ni isa sa mga akusado ang humarap sa korte.
Sinentensiyahan si Khan, ng 15 taong pagkakakulong, habang ang walong ICC staff—kabilang ang dating ICC president na si Piotr Hofmanski—ay hinatulan ng 3.5 hanggang 15 taon.
Kasalukuyang suspendido si Khan dahil sa isang internal probe kaugnay ng SEXU*L misconduct allegations, na mariin niyang itinanggi.
Nauna na ring patawan ng sanctions ng United States si Khan dahil sa mga imbestigasyon ng ICC laban sa US at Israeli officials. Tulad ng RUSSlA, hindi rin miyembro ng ICC ang US at Israel, na may kabuuang 125 member-states.