22/11/2025
LIHIM NA PAGSINTA
Diko inakala na makadarama ng ganitong saya
Lahat ng araw ay naalala ka
At ikaw ay dahilan ng pagngiti ng mga labi at kislap ng mga mata
Ngunit, may konsiderasyon akong inaalala
Hindi ako pwedeng magpahiwatig at magparamdam
Dahil ikaw lang naman bilang lalaki ang may karapatang gawin iyan, hindi ba?
Ako'y isang babaeng Pilipina 😊 parang si Maria Clara at ikaw ay lalaki - parang si Crisostomo Ibarra 😃
Nakagawian nating kultura, ang lalaki lamang ang pwedeng maghudyat ng pagsintang nadarama.
Kayhirap naman ng katayuan ng isang babaeng katulad ko, diba? 😔
Dahil ikaw ay lihim na ginigiliw,
Tingin mo ano kaya ang pwede kong gawin?
Hahayaan ko lang bang ikaw ay antayin
O simpleng magpa-cute ay ipakita din? 😄
Tingin mo di ka matatawa o isnabin ang damdamin kong dakila?
Hay naku, kahirap naman ng lagay na ito, medyo nalulungkot na din ako Ngunit hindi pwedeng sabihin ang nadaramang ito.
Sana may tamang paraan upang ako'y di na matuliro. 🤔
Bago ako magwakas, nais ko lang sabihin...
Na gustong-gusto talaga kita
Lahat ng katangiang merun ka, ay pasok na pasok, shoot sa banga! ika nga😄
Ngunit, ang tanong ako ba ay gusto mo rin? Ang hirap mo kayang basahin at abutin...haaay
Di katulad ni google at meta na halos lahat nilalahad na.
Tingin ko naman wala akong pag asa
Kaya batid ko na lamang na ilihim ang pagsinta, kesa naman ikaw ay umiwas at tuluyang mawala pa
Mas mabuti nang hindi mo malalaman basta't ika'y nasisilayan
Tanging hangad ko lamang ay ang iyong lubos na kasiyahan
At magtiwala sa Diyos na ibibigay din sa akin ang tanging nakalaan ...
Sa tamang panahon, kung saan ako'y malayong malayo na ay malalaman mo din...
Ang aking lihim na pagsinta.
-rosenda 🌹
at -isip