08/02/2026
SHOUTOUT sa nakasama ni kabayan na 10 years na sa amo sa mid level (40) years old. Wag po masyadong mataas ang tingin sa sarili mas masarp may kasama at makakatulong sa trabaho wag ituring kaaway ang mga nakakasama matakot ka sa karma‼️
📍Nag Break Contract po ako (2weeks lang sa amo) hindi dahil sa ugali ng mga amo, kundi sa kapwa pinay ko po. Kung alam ko lang po sana na pang apat na pala ako, at puro hindi nag tagal dahil din po sa ugali niya, hindi po sana ako napasubo..Nasa pinas palang po ako nagpapasalamt po ako nung nabalitaan ko na my kasama ako sa bahay. Same language po kami same province..Hindi ko po akalain na yung inaakala ko na kasama ay makatutulong sakin para guminhawa din rin po ang aking buhay, yun pala yung magtatanggal nang Opportunidad sayu..😭😭 Nasa kanya napo lahat, sipsip, selosa, ayaw masapawan,. Naranasan ko po talaga nanginginig sa takot araw2😭😭 pressure, anxiety, nervous,..trinay ko po pakisamahan siya pero sumuko po talaga ako kasi hindi ko na po kaya ugali niya..😭😭 wala din po akung laban kasi naka dependi napo sa kanya yung amo sa dahil sa tagal niya na sa amo niya..Kawawa lang po talaga kaming mga baguhan, iba siya mag trato nang kasama..😭😭😭