17/04/2026
OFW po ako at nasa Saudi. Bale nakikilala ko ang naging asawa ko thru online. Naging kami after ko sya niligawan ng dalawang buwan. After ng kontrata ko umuwi ako para magbakasyon at namanhikan na rin. Sa pamamanhikan sinabi ko ang gusto ko na kahit sana simpleng kasal lang ang magaganap pero hindi pumayag ang kanyang mga magulang dahil nag iisang babae lang daw ang anak nila. Wala akong nagawa kung pumayag na lang. So bumalik nga ako ng abroad na ganun ang usapan medyo bongga ang gusto nilang kasal. Todo tipid ako pagbalik ko sa abroad para lang mapagbigyan ang gusto ng mga magulang niya.
Mabilis naman lumipas ang araw. Natapos muli ang kontrata ko. Dumating ang araw ng pag uwi ko at araw ng kasal. Masasabi kong bongga ang kasal namin dahil lumaki ako sa hirap. Ang mga kapatid ko kasi halos simple lang din ang mga kasal nila. Natapos nga ang kasal namin ng asawa ko. Dahil babalik pa namn ako sa abroad kaya tumira muna ang asawa ko sa mga magulang niya.
Mag asawa na kayo bakit hindi pa kayo bumukod. Nagulat ako sa sinabi ng mga biyenan ko. Hindi ko naman masabi na naubos ang ipon ko sa kasal.