01/05/2026
Happy Labor Day!
HK$5,100 o ₱35,000+ na Sahod sa Hong Kong,
Bakit ZERO ang natitira?
Marami ang nagtatanong,
"Magkano na ba talaga ang sweldo sa HK, bilang Domestic Helper?
at "Kasya ba ito sa mahal ng bilihin?"
Silipin natin ang REAL TALK base sa official rules ng HK Labour Department:
✅ ANG SWELDO:
Mula sa huling anunsyo ng gobyerno noong September 30, 2025, ang Minimum Allowable Wage (MAW) ay HK$5,100 o 35,000+ Pesos
✅ ANG FOOD ALLOWANCE:
Alam niyo ba na kung hindi libre ang pagkain mo kay amo, dapat kang bayaran ng hindi bababa sa HK$1,236 o 8,600 pesos. Siguraduhing ito ang nakasulat sa inyong kontrata!
❌ PERO ETO ANG REALIDAD NG BUDGET:
Kahit malaki ang sahod,
ganito kadalasan ang hatian para "makasurvive":
📍 ₱30,000 - Remittance sa Pinas (Pang-tuition, kuryente, at pagkain. Minsan kulang pa!)
📍 ₱3,000 - Pambayad ng utang (Sa agency o pambayad kay Lolo Primo o nagpapautang na kumpaya)
📍 ₱2,000 - Personal na gamit at pang-day off (Dito na kinukuha ang pang-load, sabon, etc. Sobrang bitin lalo na kung maraming holiday!)
TOTAL: ZERO.
(Minsan "daan-sweldo" lang talaga sa palad, wala nang naitatabi para sa sariling ipon).
P.S.
📢 MAY PAGTAAS BA NGAYONG MAY 1?
Ang review ng gobyerno para sa sweldo ng mga Domestic Helpers ay ginagawa tuwing SEPTEMBER, hindi tuwing May 1.