12/10/2025
“Hindi ka plastik—kung nakakaya mo pa rin na pakisamahan sila kahit alam mong may nasasabi sila sa'yo. Manners ang tawag dun.”
Nabasa ko iyan sa isang post .... Sa totoo lang, madalas ko itong makita sa trabaho, sa school, o kahit sa pamilya. Yung tipong may mga taong hindi mo talaga kasundo, o may naririnig kang kwento na minsan hindi maganda tungkol sa’yo. Pero kapag nagkaharap kayo, kaya mo pa ring ngumiti at makipag-usap ng maayos. Hindi dahil sa plastik ka, kundi dahil may respeto ka.
Naalala ko yung isang officemate ko dati—narinig ko na may nasabi siyang hindi maganda tungkol sa akin. Pero kinabukasan, dumating ako at nag-“good morning” pa rin ako sa kanya. Hindi dahil nakalimutan ko na, kundi dahil alam ko, hindi naman matatapos yung trabaho kung puro pride ang uunahin.
---
Napaisip ako: madalas nating gawing insulto ang salitang “plastikan.” Pero ang totoo, iba yung manners at iba yung pagiging plastik.
Plastik ka kung nagpapakita ka ng kabaitan pero sa likod nun, puro paninira.
Pero manners kung pinipili mong maging maayos, kahit may alam kang hindi kanais-nais.
At yun ang mas mahirap gawin. Kasi nangangailangan yun ng maturity—yung pipiliin mong huwag bumaba sa level ng paninira, at manatiling maayos dahil alam mong yun ang tama.
Kaya minsan, hindi siya pagpapanggap—isa siyang disiplina at paggalang. Dahil hindi lahat ng laban, kailangan mong sabayan. Minsan, ang pinakamalakas na panalo ay yung kaya mong makitungo nang may dignidad, kahit hindi nila deserve. 🙃