11/07/2026
Unang tapak ko dito sa Hongkong year 2015. Ang amo ko nun isang professional na lawyer at single pa . Sobrang bait nya and first time mag hire ng helper nya . Akala ko nun matandang dalaga sya kasi maraming umayaw sa kanya sa kadahilanang pag matandang dalaga daw eh terror na mga amo. At dahil desperada akong magka amo that time tinanggap ko ang Job offer na ito sakin. Direct hire ako , ni wala ngang nangyaring video interview kaya di ko sya nakita nun.
Pagdating ko dto sa HK nag stay pa ako sa bahay ng agent ko ng 3 days kasi nasa overseas ang amo ko that time. Pero habang naka stay ako dun sinasama ako ng helper ng agent ko araw - araw sa labas para ma familiarise ko ang pasikot sikot dto.
Nung nakabalik na amo ko from overseas, hinatid na ako ng agent ko sa bahay ng magiging amo ko.
Bata at maganda pa ang amo ko , nasa late 20βs sya that time. Bahay namin maliit lang pero may dalawang kwarto. Ang swerte ko kasi lahat ng needs ko binigay nya tulad ng toiletries, sariling kwarto na may aircon, at mga damit.
First day of work ko naglinis ng buong apartment nya. Wala pang luto noon kasi aralin ko daw muna ang mga recipes sa librong binigay nya para ma familiarise ko ang mga Chinese ingredients .Sa loob ng isang buwan ganyan lang routine ko. Di din ako nag day off kasi natatakot ako lumabas baka mawala ako ππtsaka wla pa pera pang gala ππ. Ang amo ko naman minsan lang umuwi ng bahay, kaya minsan lng din kami magkita . Sa WhatsApp lang din kami nag uusap.
Sa pangalawang buwan ko sa amo ko nag start na sya mag bigay ng mga address ng market at supermarket, puntahan ko daw at dun mamili. Nag rely lng ako sa google kung pano puntahan, awa ng Diyos naging madali naman. Nag start na din ako magluto ng mga soup at simple dishes . Thankful ako kasi pasado naman sa panlasa nya.
Nag iba na rin routine nya, umuuwi lng sya sa gabi para mag dinner taz aalis na namn.
Hanggang sa β¦..to be continued na lng bukas ..
Palike and comment naman kung gusto nyo nang part 2 π