
18/09/2025
Simula ngayong buwan sinara ang ilang bahagi ng daan ng King george at Strauss dahil sa malakihang construction ng bagong Light Rail Blue Line Project isang world-class transport system na may 2-kilometer tunnel sa ilalim ng city center para sa mas mabilis at modernong transportasyon dito sa Jerusalem.
Mula sa Jaffa, King George at Strauss, tuloy-tuloy ang construction ng Blue Line Light Rail. Sa Emek Refaim ina-upgrade ang sidewalks at utilities. Sa Green Line, binubuo ang mga bagong istasyon na mag-uugnay sa Hebrew University hanggang Gilo. Sa Hadar Mall, may expansion at urban renewal para maging modernong hub ng komunidad. kitang kita ang Isang Malawakang Transformation ng Buong Jerusalem.
Para naman hindi mahirapan ang commuters, naglagay sila ng bagong bus lane sa southbound ng King George Street. Kaya kung sanay kang sumakay ng bus papuntang city center may mga rerouting at tuloy-tuloy pa rin ang biyahe kahit may mga pagbabago sa mga bus routes at stations.
Nakakabilib dito sa Israel kasi makikita mo talaga yung mga proyekto araw-araw may aktwal na pagbabago. Mula sa pagsasara ng kalsada, paglilipat ng mga linya ng tubig at kuryente, hanggang sa paghahanda ng underground tunnel ng tren. mabilis at tuloy-tuloy ang trabaho. Kahapon iba ang itsura, bukas may bago na namang progreso. makikita mo mismo may mga heavy equipment, may mga manggagawa, may progress araw-araw.
At kung ikukumpara sa Pilipinas nakakalungkot isipin. Doon ang daming balita tungkol sa mga “ghost projects” bilyon-bilyong budget para sa flood control, kalsada, o public works na hindi mo makita o ramdam o sobrang substandard. Yung mga nakupo na tumakbo sasabihin dahil may malasakit sa bayan pero sarili lang nila ang iniisip, dahil sarili lang nila ang pinapayaman at hindi talaga para sa tao at ikauunlad ng bayan.
Dito ang ganda na ng transport system pero mas pinapaganda pa nila isang matibay at world-class na infrastructure para sa mas maginhawang kinabukasan. Hindi para sa bulsa ng iilan, kundi para sa pag unlad ng buong lungsod at ikakaayos ng lahat ng tao dito.