09/11/2025
Gusto ninyo ba na mag kwento ako ng tungkol sa panaginip ko noong mga nakaraang gabi, napaka swerti ko naman at napaka happy kasi, diko akalain na ako ay bibigyan pansin pagkat ang tulad ko di dapat mahalin, Isa rin akong makasalanan bakit ako ay binigyan pansin, pero pangarap ko talaga ito kahit sa panaginip sabi ko makita ko siya. Because of my desire and faith sa kanya nangyari ang dream ko, ang ibang pinapakitaan sa panaginip maraming sinasabi na ganito, na ganyan, malapit na dumating si Jesus etc. Bakit ako simple words lang, sinabi niya dalawa sila sa ulap nakatayo , Ang Isa medyo matanda na at matatangkad sila at nakaputi na damit. Paka kita niya saakin humiwalay siya doon sa matanda, at naglakad palayo habang nakatingin yun matanda sa amin. Tumigil siya habang nakatingin saakin, lumulubog ako sa ulap at pilit na umaalpas maka ilang beses. Tumingin ako sa kanya, ang sabi niya "kaya mo Yan" then sagot ko sa kaniya "oo kaya ko ito " at bigla akong nakatayo at naglakad patungo sa kanya, na tuwang-tuwa. At that time nagising ako at may ngiti , sa isip ko pwede pala yun kahit dipa ako patay makita siya, Yes I'm bless. Ano kaya ibig sabihin ni Jesus saakin Kong anuman yun , I ask you to guide me by the power of your holy spirit. Thy will be done po Lord. Cige nga sa mga magagaling mag interpret ng panaginip , comment po kayo ng inyong reaction sa panaginip ko