17/07/2025
Alam nyo ba minsan nasa sitwasyon ako na nahihirapan ako mag handle ng nanay ko at asawa ko.
Magkaiba kasi ang kultura at kabihasnan ng mama at ng mister ko.
ANG HIRAP PUMAGITNA.
Ang mama ko kasi magastos yan at wala namang mali don kasi un ung nagpapasaya sa kanya.
Lalo pag hindi naman kaylangan pero dahil nagpapasaya un kay mama go lang yan. Sigeng bili lang.
Wala naman ako reklamo don kasi minsan ganon din ako.๐
At yan naman ang kabaliktaran ng mister ko ang pinaka ayaw nya ang nagsasayang sa lahat ng bagay sa buhay nya, lalo na sa pagkain.
Kaya naman yes may pagkakataon na nagtatampo ang mama ko sa mister ko.
Ganon din ang mister ko sa mama ko.
Anong ginagawa ko?? Wala pinaguusap ko sila.
Si Cyanne ang translator nila.
Sisingit lang ako pag nahirapan na si Cyanne.
Pero ang maganda dito ay hindi takot ang mister ko magpaliwanag sa mama ko kung bakit sya naiinis sa ganong tao na mahilig mag sayang.
Kunyari, kami kasi ng mama ko pag may pera kami pag nakain sa restaurant gusto talaga namin orderin ang lahat ng gusto namin kainin, ng hindi namin naiisip na KUNG mauubos ba namin un???
Pakiramdam kasi namin ni mama pag may 2tawsan kami pangkain sa labas akala mo talaga may milyones sa bangko.๐ At parang gusto namin enjoyin tong pagkain na ito at dyan papasok ung salitang MINSAN LANG NAMAN TO!๐๐
Kahit hindi kami sigurado kung mauubos ba namin?? Basta masaya kami okey lang kahit Hindi maubos!
Ayan na sisimangot na si nitin.
Ayaw na ayaw yan ni mister ko. Ang gusto nya mag order ka muna ng pagkain na pinaka gusto mo.
Ngayon pag naubos mo na un pakiramdaman mo muna kung gusto mo pa ba omorder at kung kaya paba kumain?
Kaya ung ganong teknik natutunan nanamin ni mother. Ako matagal na kasi bago palang kami ih ganon na talaga sya.
Tapos sa bahay naman magluluto ulam.
Gusto nyan ni mama ulam hindi puwede isa lang dapat dalawang putahe o higit pa at okey lang un wala problema don. Ito na papasok na ung problema!๐๐
Pag hindi naubos lagay sa ref don na un forever!๐ Kasi nakalimutan na nasa ref.
Tapos magluluto ulit panibagong ulam na hindi naalala may ulam pa sa ref.
Tapos ang makakakita nun si mister ko.๐ซฃ
Na dapat ubusin muna un bago magluto ng bago.
Ayaw na ayaw ni mister na magluluto ulam tapos may ulam pa. Gusto nya lahat un dapat ubos muna bago magluto ng panibago.
Minsan may tirang onti sabihin ko onti nalang to hindi na kasya para sa lahat Ayun puwede magluto bago.๐
Kaya ang mama ko natutunan na rin nya ang hindi magsayang, basta pag maalala nya. ๐
Ang mister ko hindi sya madamot, hindi rin sya kuripot.
Ayaw nya lang may nasasayang.
Parehas kami laki sa hirap magkaiba lang ng kabihasnan ng kinalakihan.
Kami kasi ni mama yung mahirap pero gusto palaging masaya lang dapat. Nagtitinda kami ni mama gulay dati pag naubos un lunch namin jolibee.๐ ( puwede naman sa karenderia )
Si mister ko nagtitinda sila isda pag may natirang isda ulam nila un fish curry. ๐
Hindi sila nabili iniipon nila pera tapos bibili gold.๐
Hindi nya alam ang mga pizza, kfc o McDonald walang ganon sa lugar nila.
Tapos disiplinado sila ng tatay nya sa pagkain at pera.
Kaya ganon nalang siguro sya katipid sa buhay.