Misis Kharvi Vlogs

Misis Kharvi Vlogs Hello po, Ang aking vlog po ay nagpapakita ng aming simpleng buhay sa bansang INDIA.๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ณ

YOUTUBE CHANNEL โ†™๏ธ
1. Sushmitang and CySters
2.
(14)

Misis Kharvi

Ako po ay nakapangasawa ng Indiano at dito na naninirahan.๐Ÿ˜Š

Maraming salamat po sa suporta.๐Ÿ˜Š๐Ÿ™

Hindi ko magawang gumala lalo pag may pasok sa skwelahan mga anak ko. Alanganin masyado lumabas dahil bitin ang gala, ka...
19/07/2025

Hindi ko magawang gumala lalo pag may pasok sa skwelahan mga anak ko.

Alanganin masyado lumabas dahil bitin ang gala, kasi kaylangan ko umuwi na kahit hindi ko pa gusto.

Dahil ako lang ang magsusundo sa kanila.

Lalo na pag wala madalas ang mister ko.
Halos minsan nalang kami magkita nun.

Para syang nagtatrabaho abroad na taonan bago umuwi.

Minsan sinasabi ko hindi maiwasan ang mga tukso sa buhay kaya sana sabihan mo lang ako baka may iba kana, para naman makahanap din ako ng iba.๐Ÿ˜‚

Pero Naalala ko din kuripot pala sya!

Kaya ng araw na ito gusto namin ni mama gumala, pero ang ginawa namin pagkauwi nila galing school, bihis at duretso sa labas at sa labas na kami nag merienda at nagpalipas ng oras hangang 9pm.

10pm na kami nakauwi. ๐Ÿ˜

18/07/2025

Ang tagal na neto noong buwan pa ng may at ngayon ko lang to naedit. May ginawa akung vlog na para lang kay Sushmitang, sanvi ate Cyanne. Dami ko ng beses pinalitan ng pangalan at ito na talaga yung magiging pangalan ng memories ng vlog nila.

Alam nyo ba minsan nasa sitwasyon ako na nahihirapan ako mag handle ng nanay ko at asawa ko. Magkaiba kasi ang kultura a...
17/07/2025

Alam nyo ba minsan nasa sitwasyon ako na nahihirapan ako mag handle ng nanay ko at asawa ko.

Magkaiba kasi ang kultura at kabihasnan ng mama at ng mister ko.

ANG HIRAP PUMAGITNA.

Ang mama ko kasi magastos yan at wala namang mali don kasi un ung nagpapasaya sa kanya.

Lalo pag hindi naman kaylangan pero dahil nagpapasaya un kay mama go lang yan. Sigeng bili lang.

Wala naman ako reklamo don kasi minsan ganon din ako.๐Ÿ˜‚

At yan naman ang kabaliktaran ng mister ko ang pinaka ayaw nya ang nagsasayang sa lahat ng bagay sa buhay nya, lalo na sa pagkain.

Kaya naman yes may pagkakataon na nagtatampo ang mama ko sa mister ko.
Ganon din ang mister ko sa mama ko.

Anong ginagawa ko?? Wala pinaguusap ko sila.

Si Cyanne ang translator nila.

Sisingit lang ako pag nahirapan na si Cyanne.

Pero ang maganda dito ay hindi takot ang mister ko magpaliwanag sa mama ko kung bakit sya naiinis sa ganong tao na mahilig mag sayang.

Kunyari, kami kasi ng mama ko pag may pera kami pag nakain sa restaurant gusto talaga namin orderin ang lahat ng gusto namin kainin, ng hindi namin naiisip na KUNG mauubos ba namin un???

Pakiramdam kasi namin ni mama pag may 2tawsan kami pangkain sa labas akala mo talaga may milyones sa bangko.๐Ÿ˜‚ At parang gusto namin enjoyin tong pagkain na ito at dyan papasok ung salitang MINSAN LANG NAMAN TO!๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Kahit hindi kami sigurado kung mauubos ba namin?? Basta masaya kami okey lang kahit Hindi maubos!

Ayan na sisimangot na si nitin.

Ayaw na ayaw yan ni mister ko. Ang gusto nya mag order ka muna ng pagkain na pinaka gusto mo.

Ngayon pag naubos mo na un pakiramdaman mo muna kung gusto mo pa ba omorder at kung kaya paba kumain?

Kaya ung ganong teknik natutunan nanamin ni mother. Ako matagal na kasi bago palang kami ih ganon na talaga sya.

Tapos sa bahay naman magluluto ulam.

Gusto nyan ni mama ulam hindi puwede isa lang dapat dalawang putahe o higit pa at okey lang un wala problema don. Ito na papasok na ung problema!๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Pag hindi naubos lagay sa ref don na un forever!๐Ÿ˜‚ Kasi nakalimutan na nasa ref.

Tapos magluluto ulit panibagong ulam na hindi naalala may ulam pa sa ref.

Tapos ang makakakita nun si mister ko.๐Ÿซฃ

Na dapat ubusin muna un bago magluto ng bago.

Ayaw na ayaw ni mister na magluluto ulam tapos may ulam pa. Gusto nya lahat un dapat ubos muna bago magluto ng panibago.

Minsan may tirang onti sabihin ko onti nalang to hindi na kasya para sa lahat Ayun puwede magluto bago.๐Ÿ˜

Kaya ang mama ko natutunan na rin nya ang hindi magsayang, basta pag maalala nya. ๐Ÿ˜‚

Ang mister ko hindi sya madamot, hindi rin sya kuripot.

Ayaw nya lang may nasasayang.

Parehas kami laki sa hirap magkaiba lang ng kabihasnan ng kinalakihan.

Kami kasi ni mama yung mahirap pero gusto palaging masaya lang dapat. Nagtitinda kami ni mama gulay dati pag naubos un lunch namin jolibee.๐Ÿ˜‚ ( puwede naman sa karenderia )

Si mister ko nagtitinda sila isda pag may natirang isda ulam nila un fish curry. ๐Ÿ›

Hindi sila nabili iniipon nila pera tapos bibili gold.๐Ÿ˜

Hindi nya alam ang mga pizza, kfc o McDonald walang ganon sa lugar nila.

Tapos disiplinado sila ng tatay nya sa pagkain at pera.

Kaya ganon nalang siguro sya katipid sa buhay.

16/07/2025

Napaka tamis ng papaya daming papayang tinda ngayon. Nagluto ako pinakbet para sa pananghalian namin, tapos hapunan namin lumabas kami at nag pizza.๐Ÿ•

14/07/2025

Nagpasama si mister bili sya bago uniporme at nag grocery na rin ako baon ng mga anak ko, kinuha din namin padala ng aking byenan.

Kasunod ng pagbabawas ko ng pagkain, ay sinundan ko naman ito ng pag gamit ng skin care. Taaaaraaaayyyy!!! Hahaha ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚Tala...
11/07/2025

Kasunod ng pagbabawas ko ng pagkain, ay sinundan ko naman ito ng pag gamit ng skin care. Taaaaraaaayyyy!!! Hahaha ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Talaga ba Misis Kharvi???

Oo totoo yan, nasa punto nga ako ng buhay ko ngayon na minamahal ko ng lubusan ang aking sarili.๐Ÿฅฐ

Ramdam ko naman na sobra akung mahal ng pamilya ko, ganon din naman ako sa kanila, sobrang mahal ko sila at ganon naman dapat.

Di lang natin namamalayan bilang isang nanay ay nakakalimutan mo ang sarili mo.

Akala mo okey kalang basta okey ang mga anak ay okey na para sa atin un bilang isang ina.

Pakiramdam ko kasi dati hindi ko na kaylangan ang mga ganyang bagay, parang okey na ko sa kung anong meron lang ako para sa sarili ko.

Shampoo at sabon okey na yan sa akin dati.

Kasi parang aksaya sa oras ang asikasohin ko pa ang sarili ko sa pag aayos at pagpapaganda.

Yung ganong pakiramdam.

Tapos ang hilig ko pa kumain ng tirang pagkain ng mga anak ko ( DAHIL SAYANG )kahit naman kumain na ako.๐Ÿ˜‚

Yun talaga ang isa sa nagpadagdag ng malaking timbang ko.

Ngayon ang saya saya ko dahil kaya ko ng pagsabayin ang pagmamahal ko sa pamilya ko at pagmamahal at pag aalaga sa sarili ko.

Wala namang may sabi na gawin ko to bigla ko lang syang narealize.๐Ÿ˜Š

10/07/2025

Ayaw na ni mama maglakad lakad sa loob ng apartment, pasalubong ni mister galing Kerala at Coimbatore.

Pano kayo nagkakilala at ano ang nagustohan nyo sa isat isa? Yan ang isa sa maraming tanong sa amin. Bukod dyan marami p...
09/07/2025

Pano kayo nagkakilala at ano ang nagustohan nyo sa isat isa? Yan ang isa sa maraming tanong sa amin.

Bukod dyan marami pa kami sinagot na mga katanungan po ninyo.

Nasa aming YT ang buong kasagutan.๐Ÿ˜Š

08/07/2025

Ito na ata ang magiging paborito kung gamitin pang video, si mister ko Tuwang tuwa ng masubukan yung camera na binigay nya.

Simple lang naman si mister , kaso hindi talaga un bumibili ng gamit nya hanggat hindi sira. Tapos minsan hindi nya tala...
06/07/2025

Simple lang naman si mister , kaso hindi talaga un bumibili ng gamit nya hanggat hindi sira. Tapos minsan hindi nya talaga papalitan.

Bilang na bilang mo lang ang gamit ng mister ko napaka onti talaga.

Pero okey nga din ih kasi lahat un nasusuot nya tapos onti lang din labahan.๐Ÿ˜

Ginagawa ko ireregalo ko kung Ano yung sira na nyang gamit. Kasi hindi talaga sya bibili!

May bagong video ako sa YT bumili ako regalo para kay mister , nagbonding ng fren ko, birthday wish namin para kay hipag at grocery kasama si mama.

05/07/2025

Pinapangarap ko talaga sya mabili pero pinagiisipan ko pa. Parang hangang plano lang sya sa isip ko. Napaka saya ng puso ko dahil tinupad ni mister. Tuwang tuwa si mama.

03/07/2025

Trabaho namin magasawa.

Address

Banglore

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Misis Kharvi Vlogs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Misis Kharvi Vlogs:

Share

Category