14/01/2025
Bakit nga ba ako natigil sa pag-VLOG?
2024 has been a really tough year for me, and only my family and a few close friends know what I’ve been through. Siguro, iniisip niyo, "Swerte siya, walang stress, puro travel, maganda ang buhay." Pero sa likod ng mga tawa at jokes ko sa harap ng camera, marami kayong hindi alam.
One of the hardest things I faced this year, something I still can’t fully accept was the loss of my sister, isa sa mga Ate ko na araw-araw akong kausap. Siya yung Ate na hindi nagsasawa magtawag sa Messenger, na palaging naniniwala sa akin, at laging nandiyan para mag-cheer up sa mga panahong medyo bumabagsak na ako. Kahit pinapagalitan ko siya (kasi ganun yung love language ko), never siyang tumigil sa pagmamahal at pag-suporta sa akin.
Bakit nga ba ako nag-VLOG?
Gusto lang talaga namin kumita at makapag ipon para ma pa Rhinoplasty ko siya. Kasi yun talaga pangarap niya simula nung mga bata pa kami. We had so many plans, so many dreams, so many places we wanted to go. Araw-araw, nung tumigil akong mag-upload ng videos noong June or July, lagi niyang kinukulit na magpatuloy lang ako, kasi naniniwala siyang makikilala at tatankilikin din ang mga videos ko at kaya ko lahat ng pagsubok—dahil malakas daw ako (kasi nga may pinagdaanan pa ako prior to her death). But little did I know, habang siya ang nagbibigay ng lakas sa akin, siya pala ang iiwanan ako.
Pag na mimiss ko siya palagi ako nag baback read and when I read through her messages, I can still hear her saying, “Upload na! Miss na kita!” and "Miss na kita, pati yung chismosang kapitbahay." I thought about stopping for good, but deep inside, I feel like she still wants me to continue. Parang, it’s still part of what we started together.
While I’m typing this, it still hurts so much. But I know I need to keep going because I know kahit wala na siya physically, she’s still with me in spirit, and I know she's happy na with Papa God & she’ll be happy to see me continue.
I miss you, Ate Lin. Hindi ko parin alam kung paano mabuhay ng wala ka, pero ipinangako ko sa’yo na magpapatuloy ako. Laban lang, para sa’yo. I love you, Ate. 💖