31/10/2025
PINAKAMATAAS AT PULANG PAGPUPUGAY SA MARTIR NG SAMBAYANAN KUMANDER NG HUKBO NG MAMAMAYAN NA SI JORGE “KA ORIS” MADLOS
Pinagpupugayan ng mga Kabataan at Artista ng Bayan ang kadakilaang ipinamalas ni Jeorge “Ka Oris” Madlos, isang hindi pangkaraniwan, NDFP consultant, pulang mandirigma at tagapagsalita Bagong Hukbong Bayan.
Matatandaan na pinaslang ng berdugong AFP sa kumpas ng pasistang estado ni Rodrigo Duterte noong Oktubre 29, 2021 sa isang ambush habang bumabyahe upang magpatingin para sa kanyang kalusugan, kasama ang kanyang Medik na si Ka Pika.
Malaki ang naging ambag ni Ka Oris sa pag-abante ng armadong rebolusyon at bilang naging tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan ipinamalas ang husay sa pagmumulat ng masang-api sa kanilang demokratikong karapatan.
Si Ka Oris at marami pang martir ng sambayanan ang patunay na hinding-hindi mapuputol ang salinlahi ng mga bagong rebolusyonaryo sa lipunang pinananatili ang malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan ng gobyernong tanggulan ng korapsyon.
Asahan ng rehimeng Marcos Jr. ang rebolusyonaryong tugon ng mga kabataan sa mga kasinungalingan at pakana para pagtakpan ang lumalalang krisis. Dadaluyong ang mga tagapapatuloy ng labang tinanganan ni Ka Oris para maipagtagumpay ang Pambansa-Demokratikong Pakikibaka ng sambayanang Pilipino.
Kabataan, isulong ang militanteng diwa ni Ka Oris, sumanib sa pakikibaka ng masang anakpawis. Tumungo sa kanayunan, pag-aralan ang lipunan, pagsilbihan ang sambayanan!
IPAGTAGUMPAY ANG PAMBANSA-DEMOKRATIKONG PAKIKIBAKA NG MAMAMAYAN!