26/08/2026
𝗚𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱 𝗕𝗿𝗲𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻 𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗲
August 25, 2026- Pamalian, Tugunan, SGA- BARMM | Sa isang makabuluhang pagkakataon ay naging bahagi ng isinagawang Ground Breaking Ceremony para sa Construction of Pamalian Bridge si Mayor Abdullah P. Abas, at Municipal Engineer Datu Harris P. Dalandag Jr., sa pangunguna ng Ministry of Public Works (MPW-BARMM) at 4AM Construction Company, kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Suharto Hashim, Hon. Punong Barangay Amer Kongkong, at ng buong BLGU Pamalian.
Ang makasaysayang seremonyang ay isang mahalagang yugto ng kaunlaran para sa mga mamamayan ng barangay sapagkat hatid nito ang kaginhawaan sa mga dumadaan sa naturang lugar lalo pa't ang pansamantalang tulay ngayon ay gawa lamang sa kahoy na bunga ng pagbabayanihan ng komunidad. Maliban dito, ang naturang 12 metrong ay isa ring mahalagang imprastraktura na inaasahang magbibigay ng mas ligtas, mas maayos, at mas mabilis na paglalakbay para sa mga residente ng Barangay Pamalian at mga karatig na lugar gaya ng Barangay Tapodoc, at Barangay Bualan.
Mula sa hanay ng MPW- BARMM ay dumalo sa naturang seremonya si Deputy Minister Engr. Mahid B. Palawan, MPA, kung saan kanyang binigyang diin sa Keynote Address ang panawanagan sa mga lider, at sa komunidad ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikakatagumpay ng naturang konstruksyon ng tulay.
Isang message of acceptance naman ang ibinahagi ni Mayor Abdullah P. Abas kaugnay ng naturang proyektong imprasyraktura. Ayon sa butihing Alkalde, prayoridad anya ng kanyang administrasyong ang kaunlaran sa bayan kaya't sinisikap umano ng Pamahalaang Bayan ang patuloy na pakikipag- ugnayan sa mga ahensya ng bangsamoro, at pamahalaan para sa mga makabuluhang proyektong lubos na makakatulong sa mga mamamayan ng bayan. Sa huli ay isang buong lugod na pagtanggap ang inihayag ng Alkalde para sa naturang konstruksyon ng tulay, na sinuportahan ni Sangguniang Bayan Member Roger L. Kansi, Hon. Punong Barangay Amer Kongkong, at Ustadz Basit Samsudin bilang kinatawan ng komunidad.
Bilang paraan ng pagpapakita ng suporta, dumalo rin sa sermonya sina Sangguniang Bayan Members Saudi Mangansakan, at Tanny Mands, PLT Cixon J Kasan (Tugunan MPS Chief), CAPT Khem David F. Dosol (Commanding Officer, 40IB, Alpha Company), Acting MPDC Engr. Umayrah Taluno, HR Officer Amira Pedtucasan, iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan, at Lahmodin Balabagan (SB Secretary) na ipinaabot ang mensahe ng suporta ni Vice Mayor Hashim.
Bago tuluyang nagtapos ang programa ay isang Ceremonial Shoveling din ng isinagawa kasama ang butihing lider ng bayan, bilang tanda ng nalalapit na pagsisimula ng konstruksyon ng tulay.
Ang Pamalian Bridge ay hindi lamang isang tulay na magdurugtong sa magkabilang panig ng komunidad, kundi isang tulay tungo sa mas maraming oportunidad, mas episyenteng transportasyon, at higit na pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Tugunan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Abdullah P. Abas, patuloy na isinusulong ng LGU Tugunan ang mga proyektong naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad at makapaglatag ng matibay na pundasyon para sa tuloy-tuloy at inklusibong pag-unlad ng bayan.
Taos-pusong pasasalamat sa Ministry of Public Works (MPW-BARMM), 4AM Construction Company, Sangguniang Bayan, BLGU Pamalian, at sa lahat ng magiging bahagi sa pagsasakatuparan ng mahalagang proyektong ito, Insha Allah.
𝑇𝑖𝑛𝑑𝑒𝑔 𝑇𝑢𝑔𝑢𝑛𝑎𝑛, 𝑇𝑜𝑔𝑒𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑊𝑒 𝑆𝑡𝑎𝑛𝑑!
----------------------------------------------------
𝐋𝐎𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐆𝐔𝐍𝐀𝐍
Barangay Manaulanan, Tugunan, SGA- BARMM
📩𝒕𝒖𝒈𝒖𝒏𝒂𝒏𝒎𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚@𝒈𝒎𝒂𝒊𝒍.𝒄𝒐𝒎
𝐹𝑎𝑐𝑒𝑏𝑜𝑜𝑘: 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐓𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧, 𝐒𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌
----------------------------------------------------