01/11/2025
"PhilHealth is not enough."
😭 Matapos ang dekada ng kontribusyon, ₱5,460 lang ang sinagot sa ₱122,000 na bill! 💔
We pay PhilHealth for years, believing it’s our safety net
— yet when the hospital bill comes, it only covers a small fraction. So what are we really paying for?
Because right now, it doesn’t feel like protection — it feels like disappointment wearing the name “universal healthcare.”
Billions are collected, but when ordinary Filipinos need help, we get crumbs. Kaya dapat tanungin natin:
kung hindi tayo kayang protektahan ng sistemang ito, sino pa ang tutulong sa atin?
Ang sakit isipin — taon-taon tayong nagbabayad, umaasang sa oras ng pangangailangan, may aagapay sa atin.
Pero sa dulo, ikaw pa rin ang kailangang lumaban mag-isa.
Hindi ito reklamo lang — ito ay panawagan.
Gusto lang nating hustisya, malinaw na tulong, at accountability. Kasi ‘yung perang binabayad natin,
dugo’t pawis ng bawat manggagawa. Dapat mapunta ito sa mga pasyente, hindi sa bulsa ng kung sino-sino.
At bilang isang financial educator, gusto kong ipaalala:
👉 Hindi tayo pwedeng umasa sa isa lang — lalo na hindi lang sa gobyerno.
Ang tunay na proteksyon ay galing sa sariling paghahanda — insurance, emergency fund, at tamang kaalaman sa pera.
Oo, dapat ayusin ng sistema ang mga pagkukulang nito.
Pero habang hinihintay natin iyon, tayo muna ang kumilos para sa sarili nating seguridad.
Hindi tayo dapat manahimik, at hindi rin tayo dapat maging kampante.
Dahil ang kalusugan at kinabukasan natin, hindi pwedeng isugal.