05/11/2013
I AM INVISIBLE
http://www.wattpad.com/user/DeathStar34
By: DS34
A story based on my dream.
12-27-2012
---
Mag iisang oras na akong gising, nakaligo na at kasalukuyang kumakain pero sariwa pa rin ang eksenang nangyari sa akin. Gayundin ang hindi ko maipaliwanag na damdamin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? NAPAKA WEIRD lang kasi talaga.
“Hindi ko ito dapat palampasin, kailangan ko itong maisulat” wika ko sa sarili ko. Ako kasi yung tipo ng tao na kung may nararamdamang kakaiba’y sa papel ko ipinapaliwanag o kinekwento. Sa katunayan nga’y may mini diary ako.
“Kaso matatapos ko naman kaya kaagad ang pagsusulat? Eh may pasok na ako mamaya?” patuloy pa rin ako sa pagkausap sa sarili ko.
“Hay! Bahala na nga” At napabuntung hininga ako habang tinatapos ang agahan ko.
~~
Napahugot ako ng malalim na hininga habang papasok ako sa gate ng paaralan ko. It’s been a month mula noong huling pasok ko. Kilala pa kaya ako ng mga tao? May nakamiss kaya sa akin rito?
‘Kilala ka, oo pero may nakamiss sayo? ASA ka naman Emily Anne! Nakalimutan mo na bang INVISIBLE ang tingin nila sa iyo?’ sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Napangiwi na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagtataka sig**o kayo kung bakit nasabi kong isang buwan akong hindi pumasok. Nakaratay kasi ako sa hospital sa mga panahong yaon. May sakit kasi ako pero hindi ko alam kung ano. Ayaw sabihin sa akin ng mga magulang ko. Ewan ko ba kung bakit, hindi ko alam kung malubha ito’t nakakamatay o kung ano pa. Ang alam ko lang, mahina ang resistensya ko’t kaya lagi ako nagkakalagnat, nanghihina tapos nagkakapasa ako ng malalaki at bigla bigla na lamang nahihimatay. Suki nga ako ng hospital sa amin eh, halos buwan buwan ako nahohospital pero ang pinakamatagal kong paglalagi ay kamakailan lamang.
Nasa pinakadulo ng building ang room ko. Humihingal na ako ng pumasok ako. Hindi nila napansin ang pagpasok ko. Magulo sa loob, ang iingay ng mga kaklase ko. Dirediretso akong umupo sa pinakaunang upuan sa second row, yun kasi ang permanenteng upuan ko sa klase. Pati ang seatmate kong si Kris, hindi ako pinansin. Well, ganun naman kasi pag ikaw yung INVISIBLE sa klase eh, hinding hindi ka pinapansin. Tama po kayo ng pagkakabasa, INVISIBLE po ako sa paaralan ko. Parang hindi ako nag eexist sa paningin ng mga kaklase ko. Lagi akong mag isa, walang kasama, walang kumakausap, walang kaibigan. Inaakala sig**o nilang nakakahawa ang sakit ko kaya ako nilalayuan at hindi pinapansin. Pero sanay naman na ako eh, buti nga pinapansin ako ng mga g**o ko kapag tinatawag nila ako sa recitation.
Napalingon ako kay Kris nang marinig ko ang malakas niyang pagbuntung hininga. Nagulat ako, nakatingin din kasi siya sa akin pero blanko ang expresyon ng kanyang mukha. Ngumiti ako sakanya pero hindi niya ito ginantihan ng ngiti bagkus ay nagtakip ito ng mukha at inilapag ang ulo sa kanyang desk.
Napalingon naman ako sa kanang gawi ko at nakita ako si Grace, ang pinakamatalino sa klase namin. Nakasalamin ito ng makapal at laging nakasuot ng mahahabang palda’t long sleeve, Nerd for short. Nakatingin din ito sa akin kaya nginitian ko siya pero tulad ni Kris, hindi niya ako nginitian. Nagtaka ako, bakit hindi niya ako nginitian ngayon? Dati-rati kasi’y kapag nginingitian ko siya ay ngumingiti din ito sa akin.
Ilang sandali pa ay biglang nagsitahimik na ang buong klase. Dumating na kasi ang g**o naming si Mrs. Crisostomo. Dirediretso ito sa harap at inilapag ang gamit sa kanyang mesa. Napatingin ito sa kinauupuan ko, ngumiti ako sa kanya. Napailing lang ito pagka’y nag umpisa na siya ng kanyang leksyon.
Halos isang buwan akong nawala pero anong natanggap ko mula sa g**o ko? Isang iling lamang? Iling na waring sinasabing ‘ang dami mo nang namiss sa klase ko’. Ni hindi man lang niya kinukumusta ang kalagayan ko. Kung okay na ba ang pakiramdam ko o kung malapit na ba akong mamatay.
‘EH INVISIBLE ka nga diba?’ ayan na naman eh. Sinigawan na naman ako ng utak ko.
~~
Break.
Ako ang nahuling lumabas sa klase namin. Ayokong makipag unahang lumabas, sa pagiging invisible ko kasi’y babanggain lamang ako ng mga kaklase kong nag uunahang lumabas ng aming silid aralan. Nasa dahon na ako ng pintuan nang bigla na lamang may sumulpot sa aking harapan at hinarang ang aking daraanan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito. Si Raymond, ang anak nang may ari na paaralang pinapasukan ko at isa sa mga tinaguriang campus heart throb. Tulad ko’y isa din siyang senior student. Katabi lang namin ang room nila, section Gold kasi ako, siya naman ay Silver.
Nakamulagat akong nakatingin lamang sa kanyang mukha. Gwapo talaga si Raymond, kaya nga crush ko siya eh. Oo crush ko siya pero sikreto lang yun, isa pa’y kanino ko naman sasabihin na crush ko siya eh wala naman akong kaibigan rito para mapagkwentuhan.
Kimi akong ngumiti sa kanya at namangha ako ng ngumiti din ito sa akin. Kanina pa ako hindi nginingitian ng mga nginitian kong kaklase ko pero ngayon, isang Raymond Alcantara ang ngingiti sa akin? Diba isang himala yun?
Bigla akong natigilan nang may marinig akong tikhim mula sa aking likuran. Tumagilid ako sa pintuan at nagbigay daan sa papalabas na studyante.
“Nandyan pa ba si Mrs. Crisostomo?” narinig kong tanong ni Raymond sa lalaking lumabas.
“Oo, pasok ka” wika ng lalaking pinagtanungan niya, si Kirby, isa sa mga kaklase ko. Tinignan muna ako ulit ni Raymond at ngumiti muli bago tuluyang pumasok sa aming silid aralan habang ako’y naka tunganga lang sa aking kinatatayuan. For the first time in my high school life ay ngitian ako ng crush ko.
Lumipas ang buong araw na naging invisible ako sa mata ng lahat. Pero ayos lang yun sa akin dahil hindi naman ako naging invisible sa mata ng crush ko.
~~
Pangalawang araw ng pagpasok ko. Medyo maaga ako ngayon,konti palang ang mga studyante sa loob ng aming silid aralan. As usual, wala na namang pumansin sa akin. Nilapag ko ang aking mga gamit sa upuan pagka’y lumabas ako muli. Nagtungo ako sa labas at umupo sa may bench sa harap ng aming room.
Napapikit ako ng mata habang nilalanghap ang sariwang hangin sa aking paligid nang may maulinigan akong nagsalita.
“Hi” anang baritonong boses. Nagmulat ako ng mata at napalingon sa nagsalita. It was Raymond, nakaupo ito sa dulong bahagi ng bench na aking kinauupuan. Hindi ako kaagad nakapagsalita ng makita siya. Ngumiti siya sa akin, “ mukhang maaga ka ngayon ha?”
“A---a..ko?” nauutal kong wika habang turo pa sa sarili ko.
Bahagya siyang napatawa sa inasta ko, “ sino ba bang kasama ko dito”.
Napalingon ako sa paligid. Wala nga akong ibang nakikitang tao maliban na lang sa guard sa may gate na malayo naman sa kinaroroonan namin.
“Ang tagal kitang hindi nakita ah..” wika nitong muli.
Kimi akong ngumiti sa kanya bago ako nagsalita, “ ah..eh..na-ospiii-taall kasi ako eh” hindi ko alam kung bakit nauutal pa rin akong parang isang bata.
“Oo nga daw eh, yan din narinig ko. Buti naman maayos kana ngayon” hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi nito habang kinakausap ako.
“He-he. Sa awa ng Diyos, okay naman na” maikli kong tugon.
Magsasalita pa sana ito ng bigla nalang may tumawag sa mga pangalan niya. Automatikong napalingon kaming dalawa sa nagsalita, si Albert at si DJ, mga kaklase ko. Lumapit ang dalawa sa amin at umupo sa may bakante sa pagitan namin ni Raymond, parang hindi nila ako nakita na nakaupo sa kabilang dulo ng bench. Tumayo nalang ako ng wala sa oras at akma ng papasok sa room nang marinig ko ang sinabi ni DJ.
“Mond, lilipat ka daw sa section namin?”
“Oo, kasasabi lang sa akin ng Sir Cruz noong isang araw” Si Raymond. Si Mr. Cruz ang principal namin sa school.
Bakit lilipat si Raymond sa section namin? Nasa kalagitnaan na ng taon ang klase tapos ililipat siya?Bakit kaya?
~~
Lumipat nga sa klase namin si Raymond nang araw ding yaon. Ayon kay Mrs. Crisostomo, si Raymond daw ang papalit sa isang kaklase naming wala na. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang estudyante sa kanyang klase kasi matagal naman akong nawala para malaman pa kung sino ang umalis sa klase namin. Isa pa’y hindi ko kilala ang ilan sa mga kaklase ko.
Apat na uri lang kasi ng studyante ang kilala ko sa paaralan. Una na riyan ang mga matatalino sa klase tulad ni Grace. Pangalawa, ang seatmate ko na si Kris. Pangatlo, ang mga bully tulad nila Albert at Dj at ang panghuli ay ang crush ko, si Raymond. The rest? Kilala ko nalang sa mukha, hindi kasi nila ako pinapansin at wala silang interes na makilala ako at makipag kaibigan sa akin.
Lumipas ang buong klase na walang pumansin sa akin. Ano pa nga bang nabago doon? Pati sa paningin ng mga g**o ko’y hindi na ako nag eexist. Naisip ko tuloy, bakit pa ako pumapasok kapag ganun lang naman diba? Kung hindi lang importante ang pag aaral, hindi na talaga ako mag aaral pa kung ganito lang naman ang trato sa akin ng mga tao sa paligid ko. Yung mga titser ko, dati rati naman eh tinatawag nila ako kapag recitation, doon na nga lang ako napapansin eh. Pero ngayon, ni ultimo sa recitation, deadma ako sa kanila.
~~
Uwian.
Tulad nang kinagawian ko, ako lagi ang nahuhuli sa paglabas ng klasrum. Ako rin ang laging mag -isang naglalakad sa nabakante nang hallway.
Tahimik akong naglalakad ang may narinig akong mga yabag, lumingon ako at nakita ko si Raymond. Sumabay siya sa paglalakad ko.
“Hi” nakangiting bati niya.
“hi” maikli kong tugon.
“wala kang kasama?” tanong niya kahit obvious naman ang sagot.
“Kailan ba ako nagkaroon ng kasama?” sinagot ko ang tanong niya ng tanong rin. Nakita ko ang mabilisang pag ngiti niya sa tinuran ko.
Katahimikan
“ah..ako nga pala si Raymond” pakilala niya at inilahad ang kamay niya.
“Kilala na kita” saad kong nakatingin sa kamay niyang nakalahad sa harap ko.
“Hindi mo ba tatanggapin ang makikipakamay ko?” wika niyang nakatingin sa akin. Namula ako sa paraan ng pagtitig niya, hindi ko alam kung bakit. Yumuko ako’t tinanggap ang kanyang k