04/09/2025
May isang Lolo kumain sa pinagtatrabahuhan ko sa Ramen. Pag serve ko ng ramen inasikaso niya agad yung wallet niya naghahanap ng coin, sabi q excuse mie po, kainin niyo po muna yung ramen niyo mamaya nalang po magbayad after kumain (Mas masarap kasi yung ramen habang mainit pa at para hindi din mag sag yung noodles) pero patuloy pa din c Lolo naghahalungkat ng wallet at isang bag niya hinahanap niya yung pera niya pangbayad so hinayaan ko nalang siya, bumalik aq sa loob ng counter , mamaya maya tinawag niya ako (si Lolo pala parang Kuba na siya ) paglapit ko sabi niya walang laman na pera ang wallet ko pasenxa , sagot ko kaagad is ok lng kainin niyo na po yung ramen niyo at mas nilapit ko pa sa kanya yung bowl ng ramen, sabi niya maraming salamat , agad agad kumain siya. Sa loob ng counter pasimpli ako na tinitingnan siya and I think sobrang gutom si Lolo at mejo prang ilang araw na siyang hindi nakakaligo kasi may naamoy aq sa kanya pag sa malapitan. Hindi niya agad naubos ang ramen napansin ko humihinto siya sa pagkain at nakaka idlip siya, tas biglang nagigising at kakain ulit hanggang sa naubos niya. Tinawag niya ulit ako at sobrang nagpapasalamat sabay alis habang tulak tulak niya yung support niya naglalakad paugod ugod.nakaramdam ako ng awa at naalala ko ang tatay ko.
After ng work ko, kinaltas sa sahod q yung kinain ni Lolo, pero ok lang masaya ako na may nabusog akong Lolo😊
Always grateful and thankful sa lahat lahat ng blessings.
Salamat sa pagbasa maski mahaba