28/09/2024
Huwag ka pumunta ng Sulu kung…
1. May dala kang takot at panghuhusga: Kung ang tingin mo sa Sulu ay isang delikadong lugar dahil sa mga naririnig mong balita, baka hindi ka makapag-relax at ma-enjoy ang kagandahan ng lugar. When in doubt, don’t.
2. Hindi ka marunong rumespeto sa kultura at tradisyon: Ang Sulu ay tahanan ng iba’t ibang tribo na may sariling mga kaugalian at pamumuhay. Kung wala kang respeto sa kanilang kultura, mas mabuti pang huwag ka na lang pumunta. Mabibigla ka pwedeng may lumapit sayo at sabihin “Mam pakisuot po ang Jacket” kasi hindi parin handa ang lugar at pinapahalagahan parin nila ang modesty. O kaya naman Kung sanay ka sa Bikini dito kailangan naka leggings at rash guard ka lang kung ikaw ay babae.
3. Inaasahan mo ang sobrang modernong kaginhawahan: Kung nasanay ka sa mga five-star hotels at modernong amenities, baka magulat ka sa mas simpleng pamumuhay at mga pasilidad sa Sulu. Walang grab o taxi at lalong hindi ganon kalakas ang signal doon ü
4. Wala kang malasakit sa kalikasan: Ang Sulu ay puno ng likas na yaman at magagandang tanawin. Kung hindi mo kayang panatilihin ang kalinisan at pag-aalaga sa kalikasan, baka mas makabubuting huwag ka na lang pumunta. May problema din sila sa waste management at kung pupunta ka lamang doon para dumagdag sa polusyon i beg not to.
5. Wala kang pasensya sa biyahe at oras: Ang pagpunta sa Sulu ay nangangailangan ng oras, pasensya, at dedikasyon. Kung ayaw mo ng matagal na biyahe o hindi ka handang mag-adjust sa schedule, baka hindi mo ma-appreciate ang pagpunta doon. Mind you 10-12 hours ang byahe ng RORO at kung suswertehin ka mapapapwesto ka pa sa non-air condition na accommodation. Si zer kasi inunahan kami sa reservation para sa constituents nya charrrr!
Sulu is not for the faint of heart.
6. Hindi ka handang mag-adjust sa payak na pamumuhay: Kung masyado kang nasanay sa pagiging abala ng buhay sa lungsod o sa mga modernong kaginhawahan, baka hindi mo ma-enjoy ang mas tahimik at payak na buhay sa Sulu. Hindi ito papasok sa trip mo pero malay po diba ?