03/04/2025
Paano mag-apply ng trabaho sa Japan (SSW)?
>Ilang beses ko na tong sinagot. hay
1. Kumuha ng Nihongo Certificate
- at least JLPT N4 LEVEL O JFT A2.
🌟Ms. Maya, need ko ba talagang mag-aral sa isang skul? Wala po kasi akong budget. →HINDI. Kung walang pambayad, mag-self study. Andaming nagtuturo sa TIKTOK, YTUBE, at kung saan paman. Andaming resources sa net, pili ka lang.
🌟Ms. Maya, need ko po pa ng certificate of completion ng isang school na nakatapos akong ganitong hours sa pag-aaral ng Nihongo to apply? →Sad to say, HINDI. JLPT at JFT lang po titingnan namin. Isabit niyo nalang yan sa mga bahay niyo.
2. KUMUHA ng any prometric or skill test na bet ninyo. Madaming klase may food service, groundhandling, etc. Pili lang kayo dami niyong choice.
🌟Ms. Maya, need ko bang pumasok ng school? →Pag paulit ulit ang tanong pepektusan ko na ha😂Di need basta ipaasa mo😅
3. MAG-APPLY sa mga LEGIT na agencies.
→Wag magpaloko sa mga nag aalok ng sure employment sa Japan para sa kanila ka mag-aaral. Tandaan hindi ang school o ang g**o mo ang magpapasok sa iyo, kundi ikaw. Bawal na tie up ngayon. Kung napanood niyo mga balita, daming napapasarang schools dahil sa illegal recruitment.
→At hay naku, andaming agencies na naghihiring. Di ka lang nakakahanap kasi either ayaw mong maghanap o TAMAD kang maghanap. Ay sori naman.
4. May bayad po ba sa pag-apply?
→WALA.
Ikaw kung gusto mong magdonate. Char.
WALANG BABAYARAN.
Dami kong nababalitaang nagpapabayad para mareco😆Pang jollibee niyo nalang pera niyo.
5. Matagal po ba talaga ang processing ng papers?
→Isipin niyo nalang minimum of 6 mos.
ang aabutin ng lahat. Swerte na kayo kung mas mabilis.
Baka sabihin mam bat sa kanila 3, sa inyo 6. Sa kabila ka mag-apply. Mainipin ka.
O siya, tama na yoko na magtype.
May bayad na ang tanong next time.??