25/03/2026
𝐃𝐨𝐮𝐛𝐥𝐞 𝐭𝐨𝐩𝐧𝐨𝐭𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐂𝐡𝐞𝐦𝐄𝐧𝐠𝐠, 𝐂𝐡𝐞𝐦𝐓𝐞𝐜𝐡 𝐛𝐨𝐚𝐫𝐝𝐬, 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐦𝐚-𝐝𝐢𝐚𝐠𝐧𝐨𝐬𝐞 𝐧𝐠 𝐜𝐚𝐧𝐜𝐞𝐫
Humihiling ng parehong tulong pinansyal at panalangin ang isang alumnus ng pamantasan na si Engr. Abell Alcantara matapos masuring may kanser, batay na rin sa kanyang social media post ngayong araw, ika-25 ng Marso.
Ayon kay Alcantara, nakumpirma ang kanyang kondisyon na non-Hodgkin’s lymphoma (B-cell) buhat na rin sa unang pagkadiskubre nito noong Pebrero habang siya ay sumasailalim sa pre-employment medical requirements.
Ibinahagi niyang nakitaan siya ng isang malaking bukol sa loob ng kanyang dibdib matapos na rin ang serye ng mga pagsusuri.
Unang nakilala si Engr. Abell, na nagtapos ng BS Chemical Engineering bilang Cum Laude at Rank 1 ng buong College of Engineering, nang pangunahan niya ang parehong Chemical Engineers Licensure Examination noong Nobyembre 2025 at ang Chemical Technicians Licensure Examinations noong Oktubre nang parehong taon.
Sa kasalukuyan, nakatakda siyang sumailalim sa agarang chemotherapy regimen bunsod ng mga bagong sintomas habang nagpapatuloy din ang isinasagawang pagsusuri ng mga doktor.
Dahil sa inaasahang malaking gastusin para sa kanyang gamutan, lumalapit si Engr. Abell sa publiko para sa tulong pinansyal, gayundin ang hindi pinansyal na suporta, katulad ng panalangin at pagbabahagi ng kanyang kalagayan.
“𝘏𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴 𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢, 𝘭𝘢𝘭𝘰'𝘵 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘰 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘢 𝘱𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢,” ani Alcantara bilang pasasalamat sa mga nais tumulong.
Para sa mga nais maghatid ng tulong, maaaring magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:
𝗚𝗖𝗮𝘀𝗵: 09266213250 (A**L* A.)
𝗟𝗮𝗻𝗱𝗕𝗮𝗻𝗸: 0306199218 (ABELL A ALCANTARA)
𝗠𝗜𝗦𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗧: https://www.facebook.com/share/p/1DnvmTQC5p/
—
ulat ni Ian Paul R. Gualberto
[𝘕𝘢𝘪𝘭𝘢𝘵𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘵𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘌𝘯𝘨𝘳. 𝘈𝘭𝘤𝘢𝘯𝘵𝘢𝘳𝘢]