T5E Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from T5E, Media/News Company, Seoul.

T5E, pronounced as 'T-Five,' derived its name from the 'The 5th Estate.' It is a digital news/media group operating mainly online through platforms like Facebook, Instagram, TikTok, YouTube, and its own site.

15/09/2026
14/09/2026

BOTANTE SA LANAO DEL SUR, UMANO’Y PINIGILANG BUMOTO DAHIL VLOGGER

Nangingilid ang luha ng botanteng si Norsai Saripada matapos umano siyang pigilang bumoto dahil isa siyang vlogger.

Ayon sa kanya, inakusahan siyang nagvi-video sa loob ng presinto, pero itinanggi niya ito at sinabing alam niya ang mga patakaran.

Nakapag-shade na umano siya ng balota bago ito kinuha ng mga opisyal.

Wala pa namang pahayag ang Comelec tungkol sa reklamo.

14/09/2026

MARCOS: MASAKIT MAN ANG KASONG KINAKAHARAP NI ROMUALDEZ, KAILANGAN ITONG GAWIN

Sa kanyang SONA, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masakit para sa kanya ang nangyari sa kanyang pinsan na si Martin Romualdez, ngunit kailangan pa rin umanong gawin ang nararapat kaugnay sa isyu ng flood control.

Aniya, hindi dapat maging dahilan ang pagiging magkamag-anak para hindi managot sa batas.

β€œHindi ako Pangulo ng aking pamilya. Ako ay Pangulo ng Pilipinas.”

Sa madaling salita: masakit man dahil pamilya niya si Romualdez, kailangan pa rin niyang gawin ang kanyang tungkulin bilang Pangulo.

14/09/2026

π—©π—œπ——π—˜π—’ π—‘π—œ 𝗠𝗔π—₯π—–π—’π—Ÿπ—˜π—§π—”, π—£π—œπ—‘π—”π—¬π—”π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—¦π—”π—‘π——π—œπ—šπ—”π—‘π—•π—”π—¬π—”π—‘ 𝗑𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—•π—”π—¦

Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division na ilabas ang video ni Senador Rodante Marcoleta na ginamit bilang ebidensya sa pagdinig tungkol sa kanyang piyansa sa isang kasong plunder na hawak ng Ombudsman.

Ang video ay may kaugnayan sa umano’y donasyong pangkampanya na natanggap ng senador.

14/09/2026

T5E Good Vibes | Racing Ginagmayay 🀣🀣

14/09/2026

TINGNANG | THE MAN WHO CAN'T BE MOVED?

Tinawag na β€œThe Man Who Can’t Be Moved” ang isang lalaki matapos itong tumangging umalis sa kanyang kinauupuan habang dumaraan ang isang tangke ng militar, sa gitna ng tensiyon malapit sa Cotabato Pilot School, kaugnay ng 1st BARMM Parliamentary Election.

(Video credits to rightful owner) πŸ“Έ

14/09/2026

Tingnan | Sitwasyon ngayon sa On Going Barmm Parliamentary Elections

LALAKING SUMILONG SA ILALIM NG PUNO NG GEMELINA, NASAGASAAN NG PICK-UP; PATAY SA TUBAY, AGUSAN DEL NORTETubay, Agusan de...
14/09/2026

LALAKING SUMILONG SA ILALIM NG PUNO NG GEMELINA, NASAGASAAN NG PICK-UP; PATAY SA TUBAY, AGUSAN DEL NORTE

Tubay, Agusan del Norte β€” Patay ang isang 40-anyos na driver ng single motorcycle matapos aksidenteng mabangga ng isang mabilis na takbo umano ng pick-up vehicle bandang alas-11:30 ng umaga noong Setyembre 13, 2026, sa Purok 4-Sitio Calooy, Barangay DoΓ±a Rosario, Tubay, Agusan del Norte.

Kinilala ang biktima na si Rene B. Delegencia, 40-anyos, may kinakasama at residente ng Purok 5, Barangay Bayabas, Cabadbaran City.

Samantala, ang driver ng puting pick-up ay kinilalang si Romil V. Laborte, nasa hustong gulang at residente ng Davao City. Kasama rin sa sasakyan ang pasaherong si Jade S. Gueta, nasa hustong gulang at residente ng Amboyu-an, San Joaquin, Iloilo.

Batay sa imbestigasyon ng Tubay Municipal Police Station (MPS) Traffic Section, huminto umano ang biktima sakay ng kanyang single motorcycle sa ilalim ng puno ng gemelina upang sumilong dahil sa pag-ulan.

Habang naroon ang biktima, bigla umanong bumangga sa puno ng gemelina ang paparating na pick-up na mabilis umano ang takbo. Sa lakas ng impact, tinamaan ang biktima at nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan.

Agad na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan, ngunit idineklara ng attending physician na wala na itong buhay.

Sa ngayon, naiuwi na sa kanyang mga kaanak ang labi ng biktima, habang nananatili naman sa ospital ang driver ng pick-up.

Muling nagpaalala ang kapulisan sa mga motorista na mag-ingat at maghinay-hinay sa pagmamaneho, lalo na kapag umuulan o madulas ang kalsada, upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring kumitil ng buhay.

13/09/2026

Lantawa | Mga Sabungero Nag sabong sa Sabongan

Nahitabo kini sa Manokan, Zamboanga del Norte, diin tawo ang nagsabong imbis ang mga pangtari nga manok.

Source: MV Cole Lapiz

πŸŽ‰πŸ‡΅πŸ‡­ MALIGAYANG KAARAWAN, PANGULONG FERDINAND β€œBONGBONG” MARCOS JR.! πŸŽ‚Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalus...
13/09/2026

πŸŽ‰πŸ‡΅πŸ‡­ MALIGAYANG KAARAWAN, PANGULONG FERDINAND β€œBONGBONG” MARCOS JR.! πŸŽ‚

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas at karunungan sa paglilingkod sa ating bansa. πŸ™

πŸ‡΅πŸ‡­ Para sa mas matatag, mas maunlad at mas nagkakaisang Pilipinas.

Maligayang kaarawan, BBM! πŸŽ‰πŸŽ‚πŸ‡΅πŸ‡­

Address

Seoul

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when T5E posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share