24/09/2023
Simoy ng hangin ay lumalamig na,
Panahon sa atin ay muling nagpapaalala.
Araw ng pasko ay nalalapit na,
Pangungulila sa pamilya ay muling mangunguna.
Simoy ng hangin ay lumalamig na,
Panahon sa atin ay muling nagpapaalala.
Masasayang ala-alala satin ay nagpapakita,
Nuong nsa pinas pa kasama ang pamilya.
Simoy ng hangin ay lumalamig na,
Panahon sa atin ay muling nagpapaalala.
Dahilan ng paglayo, ay para sa pamilya.
Upang sa regalo man lang pagmamahal ay maipakita.