25/05/2025
Sa dame ng history ng cheating or betrayal expośe etu na ata yun masasabe kong pinakamalupet. Yun tipong matagal tagal ata makakalimutan ng tao paano nagloko toh. Lahat nilatag niya.
Gets un iba dapat ganito ganyan ganon lalu na private na yan at dapat daanin sa tamang proseso, pero take note hindi lahat tayo parepareho ng coping mechanism at kung paano ihandle ang sitwasyon na sumira ng mental health naten.
Gets ko din un pananaw na sinasabe ng nasa kabilang side na okay lang yan dahil sa views or clout and money eh kung yan ang paraan niya para mabawi niya lahat ng pera na ginastos niya sa lalaking hindi na kagwapuhan, sa ugali na lang sana babawi di pa nagawa. Bat ganooowwwn? Hahahaha
At higit sa lahat, naiintindihan ko both sides. Yun lalaking toh malaki ang problema sa mental health, di niya lang napansin kinain ng matinding insecurity sa sarili niya mismo so he end up self-sabotaging then ang pinaka may impact sadly un pinakamalapit sa paligid niya which is un asawa at mga anak. I can only see a boy who wasn't loved correctly growing up, yun childhood trauma na imbis na makaramdam ng love at ibawi sa mga taong nagbibigay sakanya eh nagself sabotage na lang at nagpalamon sa ego and pride. Madalas hindi agad natatangap or ang pinakamahirap sa lalaki is un maging accountable sila at hirap na tanggapin kailangan nila ng medical help sa mental health. Kawawa din. Kung sa isang banda, sa way ng text messages niya parang nastucked yun isip niya na imanipulate un taong akala niya habanbuhay niya maloloko. Neutral thoughts? Sobrang lala ng personality issues ng ganyan lalaki.
Wait, hindi lang yan applicable sa lalaki, saten mga babae din pero ang malaking pinagkaiba mas kaya agad naten bumangon lalu na kung may mga anak na pagkukunan mo ng lakas. At sa mga single pa, may pamilya, magulang or kapatid oh kaibigan na pwedeng gawin inspirasyon yan. At sa mga pakiramdam ay walang kahit na sino kahit isang kaibigan man lang, may Diyos kang nagbigay ng pagkakataon mabuhay ka sa mundo. Siya mismo magpapadala ng kailangan mo para makausad ng tama at maayos.
Kaya to all the boys outthere, uso din self love sainyo! Wag na lang kayo mandamay ng babae kung hindi niyo kaya maging matino or kahit maging mabuting tao man lang!
And to all the women going through the same, God is with you! Remember He favors us women for carrying the best gift in life - to bear a child which means his favor will always be with the heart of pure intentions and following his will. Yakap na mahigpit. 🥰 To Master, alam ko kaya mo yan nakaya mo na dati. Kakayain mo lahat yan with your success. Praying for your peace and healing. 🙏🏼
Sabe nga ni Master Meiko, "enjoy the show" Pero dahil relatable nanaman toh hindi lang basta nageenjoy ang iba. My self-realization at reflection ang karamihan saten. Madaling humusga, yan ang pinakamabilis gawin sa mundo naten na makasalanan lahat - magkakaiba lang tayo ng paraan paano lumalaban sa buhay pero kung may isa kang kailangan patatagin is your relationship with God. Dun magsisimula lahat ng mabuti at matutunan na hindi ka nabuhay sa mundo para sumaya lang, lahat ng hirap andyan pero piliin mo lang un worth it at may wisdom kang matutunan. 😇