12/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Basahin: HOUSEHOLD WORKERS (Domestic Helper Wage Increase)
News Release
Department of Migrant Workers
October 3, 2025
Mula sa Department of Migrant Workers
๐๐ ๐ช ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ฟ ๐ ๐ถ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
Pasay City โ Sa diwa ng pagtutulungan at bukas na dayalogo, pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang Overseas Land-based Tripartite Consultative Council ngayong Oktubre 3, 2025 sa Belmont Hotel Manila โ The Forum, Newport City, Pasay.
Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Private Recruitment Agencies (PRAs), ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan, civil society organizations, at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) upang sama-samang talakayin ang mga reporma para sa ligtas, makatarungan, at progresibong migrasyon.
Naging sentro ng talakayan ang Labor Advisory No. 25, Series of 2025 hinggil sa wage increase ng mga domestic helpers, gayundin ang mga hamon at solusyon sa operasyon ng mga licensed recruitment agencies, at ang mga update sa pagpapatupad ng Quality Management System (QMS) ng kagawaran.
Sa pamamagitan ng positibong dayalogo at progresibong pananaw, napagkasunduan ng mga kalahok na paigtingin ang partnerships sa host countries, itaguyod ang incentivization approach para sa makatarungang sahod, at palakasin ang mga mekanismong nakatuon sa kapakanan ng mga OFWs.
โPatuloy nating bubuksan ang lahat ng linya ng komunikasyonโmula sa mga ahensya, pribadong sektor, civil society, hanggang sa ating mga host countriesโupang masiguro na ang bawat reporma ay para sa kapakinabangan ng ating mga manggagawang OFWs. Ang lahat ng ito ay para sa mas ligtas, mas makatao, at mas makatarungang migrasyon para sa bawat Pilipino,โ pahayag ni Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Sa pagtatapos ng konsultasyon, nagkaisa ang lahat ng sektor sa pagpapatuloy ng progresibo at positibong ugnayan upang higit pang mapabuti ang mga polisiya at serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers.