Showbiz News

Showbiz News mix videos

02/10/2025

Si Maxine Garcia ay kasal sa isang lalaking nagngangalang Shawn Velasco at sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman niyang niloko siya nito sa isang babaeng estudyante sa kolehiyo.

Ngayong araw ay ang kaarawan ni Shawn kaya maaga pa lang ay naghanda na si Maxine ng pagkain sa isang buong mesa. Habang abala, biglang tumunog ang telepono ng asawa na naiwan nito sa kanilang bahay.

Dinampot ito ni Maxine at doon, nakita niya ang isang mensahe mula sa babae na kasalukuyang nag-aaral pa ng kolehiyo.

Nanginginig ang katawan niya ng basahin ang nakalagay doon.

“Nabunggo ko ang sarili kanina habang kinukuha ang cake. Ang sakit ng katawan ko, babe…”

Kalakip no'n ang isang selfie, ngunit sa larawan ay hindi ipinakita ang mukha ng babae at tanging ang mga binti lamang nito. Nakasuot ito ng isang mataas na medyas, itim na leather shoes na may bilog sa dulo, at isang kulay asul at puting palda ng isang uniporme ng paaralan habang nakataas na nagpapakita ng kanyang manipis at magandang mga binti.

Ang maputing tuhod ng babae ay namumula pa dahil sa pagkakabunggo nito. Ang kombinasyon ng kanyang batang pangangatawan at malanding mga salita ay naglalabas nang hindi maikakailang tentasyon.

Ayon sa mga sabi-sabi, ang mga matagumpay na CEO ay kadalasang ganito ang kanilang hinahanap sa isang babae upang gawing kabit.

Dahil diyan, napahawak nang mahigpit si Maxine sa telepono habang ang dulo ng kanyang mga daliri ay namumuti na.

Ilang sandali lang, may panibago na namang mensahe ang dumating kaya agad niya itong tinignan at binasa.

“Mr. Velasco, magkita na lang tayo sa Sierra Solace Hotel. Gusto ko sanang ipagdiwang ang kaarawan mo ngayong gabi,” sambit ni Maxine mula sa binasang mensahe.

Ito ang araw ng kaarawan ni Shawn at ang kabit niya ay nagplano ng isang selebrasyon kaya naman, agad kinuha ni Maxine ang kanyang bag at agad pumunta sa Sierra Solace Hotel na naroon sa mensahe.

Gusto niyang makita ang babaeng ito nang personal at para malaman kung sino nga ba itong babaeng estudyante ng kolehiyo!

****

Pagkarating ni Maxine sa Sierra Solace at akmang papasok na siya sa loob ng kwarto nang makita niya ang kanyang mga magulang na sina Wilbert at Nora. Nagulat siya pero agad niya silang nilapitan.

“Mom, Dad? A-Anong ginagawa niyo rito?” nauutal niyang tanong sa kanilang dalawa.

Agad naman na nagpalitan ng tingin sina Wilbert at Nora sa isa't-isa. Halata naman ang tila pag-iwas sa mga mata ng dalawa.

“Max, bumalik na ang kapatid mo mula sa ibang bansa. Inihatid lang namin siya rito,” paliwanag ng kanyang ina.

Nanigas naman sa kinatatayuan si Maxine.

‘Si Monica?’ aniya sa isip.

Mula sa siwang ng pinto ng kwarto, doon nakita niya sa loob si Monica at napatigil.

Si Monica ay suot ang parehong asul at puting palda na nakita niya sa larawan.

‘Ang babaeng estudyante ay ang sarili kong kapatid na si Monica Garcia?’

Si Monica ay palaging maganda sa mata ng lahat at itinuring na pinakamaganda sa kanilang lugar. Bukod sa magandang mukha, siya rin ang may pinakamagandang mga binti sa buong siyudad na hinahangaan nang hindi mabilang na mga kalalakihan.

At ngayon, ang kanyang minamahal na kapatid ay ginamit ang kagandahan upang akitin ang kanyang asawa.

Mapait na napangiti si Maxine at tumingin sa kanyang mga magulang.

“Ako na lang ba ang hindi nakakaalam, ha?” sambit niya sa kanila.

“Alam mo na hindi ikaw ang gusto ni Mr. Velasco, Maxine,” sambit ng kanyang ama na si Wilbert.

“Totoo 'yan, Max. Alam mo ba kung ilang babae sa buong Metro Manila ang nangarap makasama si Mr. Velasco? Kaya imbes na hayaan ang ibang tao na makuha siya, mas mabuti pang ibigay mo na lamang siya sa iyong kapatid,” singit na sabi ng kanyang ina.

Napakuyom ng kamao si Maxine sa kanyang narinig at galit siyang tumingin sa mga ito.

“Anak niyo rin ako!”

Pagkatapos sabihin 'yon, agad siyang tumalikod para umalis na nang bigla siyang tinawag ni Nora mula sa likod.

“Maxine sabihin mo nga sa 'kin. Hinawakan ka ba talaga ni Shawn?”

Nanigas si Maxine sa kanyang kinatatayuan nang marinig iyon.

“Huwag mong isipin na may utang kami sa 'yo, Maxine. Dati, si Mr. Velasco at si Monica ang kilalang magkasintahan na hinangaan ng lahat pero pagkatapos ng aksidente, saka lang namin pinilit kang gawing kapalit ni Monica at pakasalan siya,” sabat naman ni Wilbert sa matalim niyang boses.

Samantala, tinitigan naman siya ni Nora na may kasamang pagkasuklam at saka nagsalita.

“At isa pa, tingnan mo nga ang sarili mo. Wala kang ginawa kung hindi ang maging isang simpleng asawa sa loob ng tatlong taon at umiikot lamang ang buhay sa asawa mo. Samantalang si Monica ay dahan-dahang nagtatagumpay. Malayong-malayo na kayong dalawa sa isa't-isa. Paano mo maikukumpara ang sarili mo sa kanya? Maging matalino ka sana at ibalik si Shawn Velasco kay Monica.”

Ang mga salitang narinig niya mula sa kanyang mga magulang ay tila ba isang patalim na tinutusok ang puso ni Maxine. Namula ang sulok ng kanyang mata saka siya naglakad palayo.

Agad na bumalik si Maxine sa villa. Madilim na ng mga oras na iyon. Binigyan niya ng isang gabing pahinga ang katulong kaya naman nagmukhang malamig at walang tao sa loob ng kanilang bahay.

Naupo siya mag-isa sa dilim sa dining table habang ang mga pagkaing inihanda niya kanina ay malamig na. Ang cake na siya mismo ang gumawa ay nakatabi at may nakasulat na isang maligayang kaarawan para sa kanyang asawa.

Pakiramdam ni Maxine ay isa iyong malupit na biro—siya at lahat ng bagay na narito.

Si Shawn at Monica ay ang tinaguriang pinakamalakas na magkasintahan sa mata ng lahat. Alam ng lahat na ang beauty queen na si Monica ay ang minamahal ni Shawn Velasco. Ngunit tatlong taon ang nakalipas, isang biglaang aksidente sa sasakyan ang nagdulot sa kanya ng pagkakaroon ng isang vegetative state, at naglaho bigla si Monica.

Noong panahong iyon, kinaladkad ng pamilya Garcia si Maxine mula sa probinsya at pinilit siyang ipalit sa kanyang kapatid at pakasalan ang lalaki.

Nang malaman ni Maxine na si Shawn Velasco ang lalaki na lihim niyang minamahal ay agad siyang pumayag.

Sa loob ng tatlong taon, habang siya’y nakahiga at walang malay, inalagaan siya ni Maxine mula araw at sa gabi. Iniwan niya ang kanyang malayang buhay, nanatili sa loob ng bahay, at ibinuhos ang sarili sa paggaling ni Shawn. Namuhay si Maxine bilang isang maybahay nito na nakatuon lamang sa kanya. At sa wakas, nagtagumpay siya. Tuluyang nagising si Shawn.

Nag-apoy si Maxine ng isang posporo at sinindihan ang mga kandila sa cake. Ang kaunting sinag nito ay nagbigay-liwanag sa kanyang repleksyon sa salamin—isang simpleng asawa na nakasuot ng itim at puting mga damit, malungkot at walang kaligayahan.

Samantala, ang kanyang kapatid na ngayon ay kilalang tao, bata, masigla, at higit sa lahat ay pinakamaganda. Kung maituturing, siya ay isang bruha habang ang kanyang kapatid ay isang dyosa.

Pagkatapos nitong magising mula sa coma, bumalik na si Shawn sa kanyang mala-dyosang babae, at iniwan ang kanyang bruhang asawa. Ang tatlong taong iyon ay isa lamang kaawa-awang imahinasyon ni Maxine.

Hindi siya mahal ni Shawn Velasco, ngunit mahal niya ito. At sabi nga nila, sa pag-ibig, ang unang nahulog ay palaging natatalo. At ngayong araw, ganap nga siyang natalo.

Samantala, bigla na lamang nabasa ng luha ang mga mata ni Maxine nang hindi niya inaasahan. Agad niyang pinatay ang mga kandila kaya naman ay bumalik sa dilim ang buong bahay.

Ilang sandali lang, biglang lumitaw ang maliliwanag na headlights sa labas at ang Porche 911 ni Shawn ay mabilis na dumating at huminto sa garahe.

Biglang kumabog ng malakas ang puso ni Maxine dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi niya akalain na babalik ito dahil akala niya ay hindi na ito uuwi ngayong gabi.

Maya-maya lang, biglang bumukas ang pinto ng mansyon. Isang matangkad, may magandang mukha na nakasuot ng itim na suit ang biglang pumasok sa loob na nababalutan ng malamig na presensya—walang iba kung hindi si Shawn Velasco.

Ang pamilya Velasco ay kilala sa buong Metro Manila. Bilang tagapagmana, ipinamalas ni Shawn Velasco ang kanyang galing sa negosyo mula noong siya ay bata pa. Sa edad na labing anim na taong gulang, nakamit niya ang dalawang master's degree mula sa Harvard University. Nang magbalik sa Pilipinas, kinuha niya ang Velasco Enterprise at naging pinakamayamang tao sa buong Pilipinas.

Samantala, agad na pumasok si Shawn na may matulin na mga hakbang.

“Bakit nakapatay ang mga ilaw?” tanong niya sa malalim at malamig na tono.

Agad niyang hinanap ang switch saka ito binuksan. Ang nakakasilaw na liwanag ay biglang napapikit kay Maxine ng ilang sandali. Nang buksan niya ang mata, agad siyang tumititig kay Shawn.

Naka-suit siya ng itim, matangkad at napakagwapo. Ang kanyang perpektong presensya at likas na kabighanian ay siyang pangarap ng hindi mabilang na mga babae.

“Kaarawan mo ngayon,” sagot ni Maxine sa kanya.

“Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga ganitong bagay,” ani Shawn na walang emosyong pinapakita sa mukha nito.

Isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Maxine at nagtanong, “Hindi mo ba gusto ang ganito, o ayaw mo lang magdiwang kasama ako?"

Napatingin si Shawn sa kanya, ngunit ang tingin nito ay walang pakialam. Malinaw na ayaw niyang magsayang ng mga salita sa kanya.

“Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin.”

Agad na itong tumalikod at umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Napabuntong-hininga si Maxine dahil alam niyang ganito ito palagi.

Kahit ano ang gawin niya, hindi niya kayang palambutin ang puso nito.

Tumayo si Maxine mula sa pagkakaupo at tinignan ang likod nito saka sinabi, “Kaarawan mo ngayon at gusto ko sanang bigyan ka ng regalo.”

Ngunit, hindi huminto si Shawn sa paglakad o tumingin man lang sa kanya pabalik at malamig na sinabi, “Hindi ako interesado.”

Ngumiti si Maxine habang unti-unting nanginig ang kanyang mga labi. Taas-noo siyang tumingin sa lalaki at nagsalita.

“Shawn Velasco, maghiwalay na tayo.”

Napahinto sa pag-akyat ng hagdan si Shawn at bigla itong natigilan. Humarap siya at ang matalin nitong mga mata ay nakatutok sa kanya.

Kabanata 2

“Maghiwalay na tayo, Shawn Velasco. Gusto mo ba itong regalo sa kaarawan mo?”

Nakatitig nang diretso si Maxine kay Shawn habang matapang niyang binitawan ang mga salitang 'yon.

Ni hindi man lang kumurap ang magagandang kilay at mata ni Shawn sa sinabi niya.

“Dahil lang ba hindi ko ipinagdiwang ang birthday ko kasama ka ay mag-iingay ka na agad tungkol sa divorce?” sambit ni Shawn.

“Bumalik na sa bansa si Monica, hindi ba?” sagot naman ni Maxine.

Pagkarinig sa pangalan ni Monica, gumuhit ang isang malamig na ngiti sa mapipinong labi ni Shawn.

Malalaking hakbang ang ginawa niya, unti-unting lumalapit sa direksyon ni Maxine saka tahasang sinabi, “Nagseselos ka ba kay Monica?”

Bilang pinakabatang business tycoon ng kanyang henerasyon, taglay ni Shawn ang makapangyarihang presensya na gawa ng kanyang estado, yaman, at impluwensya.

Nang lumapit siya, kusa namang umatras si Maxine palayo. Tumama ang kanyang likod sa malamig na pader dahil sa patuloy niyang pag-atras. At bago pa siya makagalaw, tila dumilim ang kanyang paningin. Nakalapit na si Shawn sa kanya habang inilagay ang kamay sa pader sa tabi niya, saka kinulong siya sa pagitan ng matigas niyang dibdib at ng malamig na pader.

Ibababa ni Shawn ang kanyang mga mata saka siya tinitigan nang may mapanuksong ngiti sa kanyang labi.

“Alam ng buong lugar na ang dapat kong pakasalan ay si Monica. Hindi mo ba alam 'yan nang sinadya mong palitan siya at maging Mrs. Velasco? Hindi ka naman nagreklamo noon, kaya bakit ngayon ang dami mong sinasabi?”

Namutla si Maxine sa kanyang narinig. Alam niyang si Monica talaga ang babaeng nakatakda niyang pakasalan. Kung hindi lang siya na-aksidente at na-coma, hindi kailanman papalit si Maxine.

Hindi niya malilimutan ang araw na nagising ito—ang hindi maikakailang pagkadismaya at walang pakialam na tingin ng lalaki sa kanya nang unang beses nagtagpo ang kanilang mga mata. Simula noon, palagi na sila sa magkaibang kwarto na natutulog. Ni minsan, hindi siya pinansin ni Shawn.

Mahal niya si Monica at alam iyon ni Maxine pero...

Tinitigan ni Maxine nang malalim ang gwapong mukha ni Shawn, at unti-unti itong lumabo saka pumalit ang imahe ng binatilyong dati niyang kilala.

‘Hindi mo ba talaga ako naaalala, Shawn Velasco?’ aniya sa isipan.

Mukha yatang sa nakaraan na lamang siya nanatili para sa lalaki.

‘Kalimutan na 'yon, Maxine!’

Ang tatlong taong ito ay ang magiging huling alay ni Maxine sa nararamdaman niya para sa lalaki.

Pinigilan niya ang pait at kirot sa kanyang dibdib nang sinabi, “Tapusin na natin itong walang sekswal na kasal.”

Biglang tumaas ang kilay ni Shawn sa sinabi niya.

“Walang sekswal na kasal?” tanong niya sa malamig na tono.

Iniangat pa nito ang kamay at hinawakan ang makinis na baba ng babae, pinisil ng hinlalaki ang kanyang p**ang labi, habang marahas itong hinaplos.

“Kaya pala gusto mong makipaghiwalay? Ang ibig sabihin ay nangangailangan ka na ngayon?” dagdag na sabi ni Shawn.

Biglang namula ang mukha ni Maxine sa kahihiyan na parang hinog na kamatis.

‘Hindi 'yan ang ibig kong sabihin!’ sigaw niya sa isip.

Ngayon, ang daliri nito ay malisyosong kinakalabit at hinihimas ang kanyang labi. Hindi naisip ni Maxine na ang isang kagalang-galang at makisig na lalaki ay may ganitong mapang-akit at pilyo na ugali. Ginagamit nitong laruan ang mga labi niya!

Sa unang pagkakataon, pinagmasdan ni Shawn nang malapitan si Maxine. Napansin niyang palagi itong nakasuot ng itim at puting damit, may malalaking itim na salamin, at parang binabalot ang sarili tulad ng isang matanda.

Pero ngayon, nalaman niyang maliit lang pala ang mukha nito, at sa likod ng salamin, nakakagulat ang taglay nitong ganda habang ang pares ng kanyang mata ay lubhang nakakaakit. Dahil diyan, napagtanto ni Shawn na maganda pala ang babae.

Ang mga labi nito’y malambot. At kung saan niya pinindot, nawawala ang p**a pero bumabalik agad, kaya parang nakakaadik itong laruin.

“Hindi ko akalaing si Mrs. Velasco pala ay ganito kapusok. Sabik na sabik sa lalaki, ha?” saad ni Shawn sa madilim niyang tingin.

Pak!

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Maxine sa kanyang gwapong mukha. Napalingon ang mukha ni Shawn sa ibang direksyon, habang nanginginig ang mga daliri ni Maxine sa galit.

At tama nga siya. Kapag masyadong nagpapakababa sa pag-ibig, mauuwi lang sa pagtapak sa iyong pagkatao.

May lakas pa ng loob ang lalaki na alipustain siya nang ganito.

“Alam kong si Monica lang ang laman ng utak mo. Sige, pagbibigyan kita. Ibabalik ko sa kanya ang titulo ng pagiging Mrs. Velasco!” singhal ni Maxine habang namumula pa rin sa galit at hiya.

Dahil diyan, mas lalong lumamig ang ekspresyon ni Shawn na para bang nagyeyelo na.

Ni minsan sa buhay niya, walang nangahas na sumampal sa kanya. Ni isa.

“Ginusto mong magpakasal sa 'kin, tapos ngayon, gusto mong makipaghiwalay kung kailan mo gusto? Ano'ng tingin mo sa akin, Maxine?” galit na sabi ng lalaki.

“Laruan…”

Mapait na natawa si Maxine.

“Ano?” gulat na tanong ni Shawn.

Nilunok ni Maxine ang sakit na naramdaman niya at pilit na nagsalita, “Isa ka lang laruan na inagaw ko kay Monica. Ngayon, sawa na ako kaya itatapon na kita.”

Lalong dumilim ang mukha ni Shawn sa sinabi niya.

“Magaling. Maxine Garcia, tunay na napakagaling mo. Maghiwalay? Sige, pero huwag kang magkamaling lumuhod at magmakaawa sa akin balang araw.”

Pagkatapos sabihin 'yon, tumalikod na si Shawn at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay saka malakas na sinara ang pinto ng kanyang pinasukan.

Para namang nawalan ng lakas si Maxine at dahan-dahang dumulas ang payat niyang katawan mula sa pagkakadikit sa malamig na sementong pader. Umupo siya sa carpet habang niyayakap ang katawan niya at pilit pinapakalma ang sarili.

‘Hindi na kita mamahalin pang muli, Shawn Velasco.’

****

Kinabukasan, binuksan ni Manang Claire ang pinto ng study at pumasok ito. Samantala, naka-upo naman sa kanyang upuan si Shawn, habang abala sa pagbabasa ng ilang dokumento at kilala itong workaholic.

“Sir,” ani Manang Claire sa maingat na tono.

Subalit, hindi man lang tumingin si Shawn at halata sa mabigat nitong aura na hindi maganda ang mood nito.

Maingat naman na inilapag ni Manang Claire ang tasa ng kape sa tabi ng kanyang kamay saka sinabi, “Sir, ito po ang kape na tinimpla ni ma'am.”

Napahinto ang kamay ni Shawn sa pagbuklat ng pahina ng kanyang binabasa at bahagyang lumambot ang madilim niyang ekspresyon kanina.

‘Bumabawi ba siya?’ tanong ni Shawn sa kanyang isip.

Sa pantay na pagkakasabi, si Maxine ay isang mabuting asawa—siya ang nagluluto, naglalaba, at nag-aalaga sa lahat ng mga kailangan niya.

Kaya naman, inabot niya ang tasa at uminom. Eksakto lang ang timpla na paborito niya pero... galit pa rin siya sa babae.

Sinampal siya nito kagabi. Hindi mabubura 'yon ng simpleng tasa ng kape.

“Umamin na ba si Maxine sa pagkakamali niya?” tanong niya sa kasambahay.

“Sir…” ani Manang Claire na halatang nag-aalangan pa. “Umalis na po si ma'am.”

Natigilan si Shawn sa kanyang narinig at mabilis na iniangat ang kanyang tingin. Agad naman na inabot ni Manang Claire ang isang papel sa kanya.

“Umalis po siya bitbit ang maleta niya. Pinapabigay niya po ito sa inyo,” paliwanag ng kasambahay.

Agad naman na kinuha ni Shawn ang papel at binuksan ito. Bumungad naman sa kanya ang mga salita tungkol sa kasunduan ng kanilang paghihiwalay kaya naman ay natahimik siya.

Ang buong akala ni Shawn ay bumabawi ito dahil sa ginawa niya kagabi pero hindi pala. May iba pala itong plano.

“Sir, sabi po ni ma'am na inumin niyo raw po ang kape at pirmahan na agad ang kasunduan na nariyan,” dagdag na sabi ni Manang Claire sa kanya.

Nandilim ang mukha ni Shawn at tiningnan niya ang tasa saka malamig na nagsalita.

“Itapon mo 'yan! Lahat nang nandiyan!”

Nanlaki naman ang mata ni Manang Claire dahil sa sinabi nito.

‘Kanina lang ay halos ngumiti ka habang iniinom yan, ah…’ ani Manang Claire sa isip niya pero hindi na siya nagtanong at agad na umalis dala ang kape.

Mas lalo pang nandilim ang gwapong mukha ni Shawn na parang nagbabanta ng isang bagyo. Napatitig siya sa kasulatan na iniwan ni Maxine.

Wala itong hinihingi—pati pera, wala. Napangisi siya bigla.

Humanga siya kay Maxine dahil ayaw nito nang kahit anong yaman niya.

‘Paano mabubuhay ang isang probinsyanang katulad niya nang walang pera? Hindi ba’t kaya siya nagplanong magpakasal sa 'kin noon ay para yumaman?’ tanong niya sa isip.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya nang mabasa ang dahilan na nakasulat sa papel.

“Dahil ang asawa ay may pisikal na kakulangan, mayroong sexual dysfunction, at hindi kayang gampanan ang tungkuling pang-asawa nito…”

Natameme si Shawn sa kanyang nabasa at halos balutin na ng kadiliman ang kanyang buong mukha.

‘That damn girl!’

Agad niyang hinugot ang telepono at tinawagan ang numero ni Maxine. Mabilis naman kumonekta ang tawag sa kabilang linya.

“Hello.”

Ang malamig, ngunit malinaw na boses ni Maxine ang dumagundong sa tainga ni Shawn.

Kabanata 3

“Maxine Velasco, bumalik ka rito ngayon din!”

Galit ang boses ni Shawn nang bitawan ang mga salitang ito sa kabilang linya. Samantala, tinawanan lamang siya ni Maxine.

“Akala mo ba dahil sinabi mong bumalik ako ay agad akong susunod sa 'yo? Nakipaghiwalay na ako sa 'yo kaya sino ka para utusan ako?”

Nagngalit ang mga ngipin ni Shawn nang sabihin, “Tungkol sa dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa 'kin, bibigyan kita ng isang pagkakataon na baguhin mo 'yon!”

Lalong lumakas ang tawa ni Maxine sa kanyang narinig.

“May mali ba sa isinulat ko? Anim na buwan ka nang gising, 'di ba? Pero sa anim na buwang 'yan, ni minsan hindi mo man lang hinawakan ang kamay ko. Tatlong taon kang na-coma. Ngayon na maayos na ang katawan mo, may dahilan ako para pagdudahan kung gumagana pa ba ang pagkalalaki mo. Siguro ay inutil ka na kaya mas mabuti pa magpatingin ka sa isang magaling na doktor. Ang tanging hiling ko lang sa paghihiwalay natin ay sana mabilis kang gumaling at mabawi mo ang iyong pride bilang lalaki,” ani Maxine.

Napakunot nang tuluyan si Shawn at halos halata na ang ugat sa noo nito dahil sa pagpipigil ng galit niya.

Sa isip niya, wala na sa kontrol ang babae.

“Sa mga susunod na araw ay ipapakita ko sa 'yo kung anong kaya kong gawin, Maxine. Makikita mo!” singhal niya rito.

“Pasensya ka na pero hindi mo na makukuha ang pagkakataong 'yan, Shawn.”

“Maxine!”

Napasigaw na lamang si Shawn sa pangalan niya at kasunod no'n ang biglang pagtunog ng telepono, hudyat na natapos na ang tawag.

“Maxine Garcia!”

Halos sumabog na siya sa galit nang malamang busy ang kabilang linya sa pagtawag niyang muli sa babae.

****

Samantala, nakarating naman si Maxine sa apartment ng matalik niyang kaibigan na si Althea. Pagkababa ng tawag, humagalpak ito ng tawa at binigyan siya ng thumbs-up.

“Max, grabe 'yon! Baka nalunok na ni Shawn Velasco ang sarili niyang dugo sa inis ngayon!” sambit ni Althea sa kanya habang tumatawa.

Naalala ni Maxine kung paano siya naging masyadong mapagpakumbaba noon dahil sa pagmamahal kaya lagi siyang minamaliit nito.

Ang pagmamahal ay dapat magsimula sa pagmamahal sa sarili lalo na para sa isang babae. Dapat mahalin muna ang sarili at iyan ang napagtanto ni Maxine.

Sabi ni Althea, “Tatlong taon na ang nakalipas nang mabalitaan ni Monica na na-aksidente si Shawn at halos maging inutil ito ay bigla siyang naglaho. Sino ba ang mag-aakalang magigising pa at hahanapin ulit 'yong babaeng 'yon? Mabuti na lang at wala na siya!”

Nagbukas si Maxine ng White Rabbit na kendi at isinubo ito sa bibig. Medyo naibsan ang pait sa puso niya ng tamis na dala ng kendi na 'yon.

“Ito ang kaibahan ng minamahal at hindi minamahal, Althea,” aniya sa mahinang tono.

Kapag ang isang taon ay minahal, pwedeng maging pabaya pero kapag hindi naman mahal, na sa alanganin, at ito ang nasa isip ni Maxine.

Napansin naman ni Althea na marami na pala nakain na kendi si Maxine kaya hinila niya ito patayo.

“Kaya mo 'yan, Max! Kung iniwan mo ang isang puno, may malaking gubat pa na naghihintay sa 'yo. Ngayong gabi, magbo-book ako ng walong magagandang lalaki para sa iyong single's night party!”

Napahawak na lamang sa noo si Maxine at natawa sa sinabi ng kaibigan niya.

Bigla namang inagaw ni Althea ang itim na salamin ni Maxine at itinapon ito sa basurahan.

“Ang salamin ko, Althea!” sigaw niya at nagpumilit itong kuhanin sa kanya.

Agad naman siyang pinigilan ni Althea at sinabi, “Max, masyado mo na ipinokus ang sarili mo sa akademya kaya kapit na kapit ka diyan sa salamin mo. Gayahin mo si Monica. Ayusin mo sarili mo. Magpaganda ka kung kailangan.”

Biglang naalala ni Maxine kung paano siya ikinumpara ng mga magulang sa kanyang kapatid. Hindi lang mga magulang niya pati na rin siguro sa mata ni Shawn na hindi siya kaakit-akit.

Sa isang banda naman, hinila siya ni Althea palabas ng pinto.

“Tara na! Mamimili tayo. Ipapaayos kita mula sa buhok, kuko, damit, make-up—lahat na. Isa itong malaking makeover! Gusto ko makita ni Shawn at ng iba kung gaano ka talaga kaganda!” saad ni Althea at nagpatuloy, “Oo nga pala, sigurado ka ba na wala kang kukunin ni isang kusing kay Shawn pagkatapos niyong maghiwalay?”

“Hindi na. May sarili akong pera,” sagot niya rito.

“Ano!? Pati pera niya ay hahayaan mo na lang kay Monica? Aba, dapat lang na magpasalamat sa 'yo si Monica kung gano'n!”

Hindi na lang kumibo si Maxine sa sinabi ni Althea at nagsalita pa itong muli.

“Nasaan 'yong card na binigay sa 'yo ni Shawn?”

Mabuti na lang at galante na tao si Shawn. Binigyan siya nito ng itim na gold VIP card, pero ni minsan hindi niya nagamit. Kinuha ni Maxine ang card mula sa bag niya at pilyang kumindat sa kaibigan saka sinabi, “Ngayong araw, gagastos ako nang marami at si Mr. Velasco ang sasagot sa lahat ng bills ko!”

****

Nang gabing 'yon, Evergreen Club...

Isa sa pinakasikat at pinakamagarbong lugar sa Metro Manila ang Evergreen Club. Lahat ng anak-mayaman at batang business tycoons ay doon nagwawaldas ng pera. Malakas ang beat ng musika na pinaandar ng DJ ng club na siyang halos ikabaliw ng mga tao sa loob.

Sa madilim na na VIP table, nakaupo si Shawn sa gitna ng couch. Suot niya ang itim na polo at slacks. Nakarolyo ang kanyang manggas kaya kita ang matipunong bisig niya at mamahaling relo. Ang malamig at aristokratikong presensya niya ang siyang naging magnet niya sa mga babaeng naroon at pasulyap-sulyap sa kanya.

Katabi niya ang kaibigan niyang si Jared Montelban—tagapagmana ng pamilya Montelban, kasama ang iba pang mayayamang binata.

“Bro, ano'ng sabi mo? Nakikipaghiwalay daw si Maxine sa 'yo?” natatawang sabi ni Jared sa kanya.

Nang dahil diyan, nagtawanan ang grupo.

“Sino bang hindi nakakaalam na baliw na baliw si Maxine kay Shawn Velasco? Kahit noong na-coma siya, atubili pa itong pakasalan siya tapos ngayon gusto nitong makipaghiwalay?”

“Magpustahan tayo. Ilang araw lang tagal bago bumalik 'yan si Maxine at magsusumamong makipagbalikan kay Shawn?” ani ng isang lalaki.

“Pupusta ako na hindi pa matatapos ang araw na 'to, magte-text na 'yan sa kaibigan natin!” sagot ni Jared, sabay tawa.

Samantala, nanatili namang madilim at malamig ang mukha ni Shawn. Halata ang inis sa mukha nito.

Agad niyang binuksan ang cellphone niya at tinignan ang chat nilang dalawa ni Maxine.

Kagabi pa ang huling mensahe kung saan pinadalhan siya ng litrato ng isang pampalakas na pagkain.

Maxine:

Hubby, kahit okay na mga buto mo, kailangan mo pa rin uminom nito. Umuwi ka nang maaga, ha?

Pag-scroll niya, puro mensahe galing kay Maxine ang mga nakita niya. Ni isa, hindi niya ito sinagot. At ngayon, sobrang tahimik. Walang bagong mensahe na nagmula sa babae.

Nakaramdam si Shawn ng inis na hindi niya maipaliwanag. Ilang sandali lang, tumunog ang kanyang cellphone. Isang text message ang biglang pumasok.

“Sabi ko na nga ba! Nag-text na si Maxine kay Shawn!” sigaw na sabi ni Jared.

Pagkatapos ng ilang segundo, sunod-sunod na dumating ang mga mensahe at nagtawanan na naman ang buong grupo.

“Hindi nakatiis! Miss na miss na niya ang kaibigan natin!”

“Bro, buksan mo na! Tignan natin dahil siguradong nakikiusap ito na bumalik!”

Kumunot naman ang kilay ni Shawn.

‘Talaga bang nag-text siya? Kung nagsisisi siya, bakit pa siya nagyabang kanina?’ aniya sa isip at agad binuksan ang messages, ngunit natigilan siya.

“Dear VVIP user, your card ending 0475 was used at Glamour Nail Salon for a purchase of five thousand pesos…”

Malakas na binasa ni Jared ang text message na nakita nito sa cellphone ni Shawn kaya naman nagkatinginan ang lahat, halatang nagulat.

Mabilis naman na nag-scroll si Shawn at nakita ang ibang resibo na may halagang tatlong libong piso sa isang Hair Salon, halos eighty thousand pesos sa Chanel, at dalawang-daang libo sa LV.

Walang pinalampas na pagkakataon at tanging notifications lamang mula sa binayaran ang lumalabas habang ang grupo naman ay natameme.

Para silang sinampal ni Maxine mula sa malayo kaya nakakapanibago ang katahimikan sa kanila.

Namula sa inis ang mukha ni Shawn at binagsak ang cellphone. Hindi na niya alintana ang gastos—ang ikinagalit niya ay kahihiwalay pa lang nila, pero gumala na agad ito at nag-shopping pa.

‘Nakakabilib talaga ang babaeng 'yon. Talagang nakakabilib…’ aniya sa isip.

Ang babaeng tatlong taon na parang alipin niya bigla na lang nagkaroon ng pangil.

“Bro, ano'ng balak ni Maxine? Nagpaganda siya? Nagpalinis ng kuko, nagpaayos ng buhok, bumili ng damit—ginagaya ba niya si Monica ngayon?’ tanong ni Jared.

“Si Monica ang pinakamaganda at beauty queen dito habang si Maxine naman ay pang-bahay lamang ang itsura. Kahit anong gawin niya, magmumukha pa rin siyang gaya-gaya.”

“Wala na magbabago sa kanya!”

Nagtawanan ulit sila habang nilalait si Maxine. Ilang sandali lang, biglang umingay ang loob ng club.

“Tingnan niyo! May isang diyosa!”

Napalingon ang lahat sa entrance dahil sa mga salitang iyon.

Kabanata 4

Si Maxine ay biglang dumating.

Pagkatapos ng isang matinding pamimili sa mall, dinala agad ni Althea si Maxine sa Evergreen Club dahil determinado siyang bigyan ito ng isang malupit na single's party ngayong gabi na ito.

Hindi naman inaasahan ni Maxine na makakasalubong niya sina Shawn at ang iba pa roon. Natural lamang na narinig niya ang mga patutsada at panlalait nila sa kanya.

Kilala niya ang mga tao sa marangyang VIP table na naroon, kabilang na si Jared Montelban na kabilang sa parehong grupo nina Shawn. Si Jared ay matalik na kaibigan ni Shawn.

Noong panahon na mainit at lantaran ang relasyon nina Shawn at Monica, gusto siya ng lahat—maging si Jared na tinuturing na rin nitong matalik na kaibigan ang kapatid ni Maxine.

Sa mahigit tatlong taon, hindi kailanman nakapasok si Maxine sa kanilang grupo. Hindi siya kailanman tinanggap ng mga ito.

Tinawag siya ng mga ito na isang desperadang substitute bride at probinsyanang walang alam.

Sa isip ni Maxine, kapag hindi ka mahal ng isang lalaki, hindi ka rin igagalang ng kanyang mga kaibigan.

Samantala, nagpanting naman ang tenga ni Althea at agad na itinaas ang manggas ng kanyang damit.

“Susugatan ko 'yang mga bunganga nila!” galit niyang usal.

Hinawakan naman siya agad ni Maxine.

“Hayaan mo na, Althea. Nakipaghiwalay naman na ako at hindi na kailangang malungkot sa sinabi ng mga taong 'yan.”

Napansin ni Althea ang malamig at walang pakialam na ekspresyon ni Maxine, kaya’t napilitan siyang pigilan ang galit. Sa mga oras na iyon, parami nang parami ang mga matang nakatingin kay Maxine, at tinatawag na siyang diyosa ng mga ito.

“Diyosa? Saan?”

Sumunod ng tingin si Jared sa lahat at agad siyang natigilan.

“Grabe, sobrang diyosa nga!”

Lahat ng mga anak-mayaman sa paligid niya ay napanganga.

“Kailan nagkaroon ng mala-diyosang mukha dito sa Club? Ngayon ko lang siya nakita.”

“Bro, tingnan mo 'yang magandang babae!” ani Jared kay Shawn.

Sanay na si Shawn sa mga babae—mula sa mga maamo hanggang sa mga makurba kaya’t hindi na siya interesado pang tumingin. Pero katapat lang ng lamesa nila ang direksyon nina Maxine.

Iniangat niya ang ulo at nakita ang babae.

Tinanggal ni Maxine ang kanyang itim na salamin, nilisan ang dati niyang matamlay at walang buhay na anyo. Ang kanyang makinis at maputing mukha, na parang niyebe, kasama nang likas na magandang hubog ng kanyang buto. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay dumadaloy na parang alon sa kanyang balikat—isang tunay na diyosa.

Napako ang tingin ni Shawn sa kanya nang dalawang segundo.

“Ano'ng masasabi mo sa mala-diyosa na 'yan, Bro?” tanong ni Jared sa masiglang boses.

Nagsimula naman na magbulungan ang iba.

“Hindi siguro siya gusto ni Mr. Velasco. Gusto niya 'yong kagaya ni Monica—malambot at maamo, hindi 'yong malamig na diyosa na 'yan.”

“Tingnan niyo 'yang mga hita ng diyosa. Parehong maganda tulad ni Monica!”

Nakasuot ng maikling palda si Maxine, na lubos na kakaiba sa dati niyang konserbatibong pananamit. Sa unang pagkakataon, nasilayan ang kanyang mga hita na may perpektong hugis, makinis at may hubog. Ang mga hitang kayang painitin ang imahinasyon ng sinumang lalaki.

Hindi pahuhuli tulad ng kay Monica.

Pinagmasdan naman ni Shawn ang diyosa na tinatawag nila nang mas matagal at pakiramdam niya ay parang nakita na niya ito noon.

Bigla namang dumating ang grupo ng mga lalaking entertainer at lahat ay makikinis ang balat, magaganda ang mukha, at mahahaba ang mga binti. Pumila sila sa harap ni Maxine.

“Max, pumili na tayo ng walo,” sambit ni Althea na nakangiti.

Bilang selebrasyon sa kanyang kalayaan mula sa mapait na kasal, sumang-ayon si Maxine.

“Lahat sila ay gusto ko.”

Samantala, nagsimula namang magbilang si Jared sa mga lalaking na sa harapan ni Maxine.

“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. Grabe, kumuha ng walong male entertainer ang mala-diyosang babae!” saad ni Jared.

Nagkomento naman ang iba.

“Bakit pa gagastos? Basta sabihin lang ng diyosa, libre na kami.”

Nagtawanan ang lahat dahil doon at ilang saglit lang, biglang nag-ring ang telepono ni Shawn. May bago na namang notification mula sa gastos.

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ito.

‘Ano na naman ang binili ni Maxine?’ tanong niya sa isip.

‘Dear VVIP user, your card was used at Evergreen Club, purchasing an entertainment service for fifty thousand pesos.’

Nandilim ang ekspresyon niya. Muli niyang tiningnan ang message.

‘Evergreen Club? Entertainment services?’ aniya sa isip.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mala-diyosang babae sa hindi kalayuan at napasinghap siya.

‘Hindi kaya ang babaeng kumuha ng walong entertainer nang sabay ay si Maxine?’

Napanganga na lamang siya sa kanyang napagtanto.

Samantala, pinalibutan naman ng walong lalaking entertainers si Maxine habang pinupuno ang kanyang baso.

“Maglaro tayo ng shot game!” sambit ng isa sa mga entertainer.

Masiglang pumalakpak si Althea at sinabi, “Gusto ko 'yan! Sige, maglaro tayo!”

Sa unang round, natalo si Maxine. Isang lalaking entertainer ang nagpainom sa kanya ng alak.

“Madam, uminom ka,” saad ng lalaki.

Uminom naman si Maxine pero nagreklamo ang iba.

“Bakit siya uminom sa kanya at hindi sa atin? Gusto rin namin siyang painumin!”

Ang ganito kagandang gulo ay siyang nagpangiti kay Maxine. Sobrang na-overwhelm siya sa mga nangyayari.

Nandilim bigla ang mga mata ni Shawn, at nanigas ang kanyang gwapong mukha dahil sa inis. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad paalis.

Nagulat naman si Jared at agad na nagtanong. “Shawn? Saan ka pupunta?”

Patuloy pa rin ang pag-inom ni Maxine nang bigla na lang may malaking kamay na humawak sa kanyang pulso at marahas siyang hinila mula sa couch, parang wala siyang timbang.

Napatingala siya sa gumawa no'n sa kanya, at bumungad sa paningin niya ang seryoso at madilim na mukha ni Shawn.

Nanlaki ang mata ni Maxine, at agad na nagpumiglas.

“Bitawan mo nga ako, Shawn!” singhal niya sa lalaki, subalit malamig lamang ang mukha nito habang marahas siyang hinihila palayo.

Napatalon pa si Althea mula sa pagkakaupo nang magsalita siya.

“Shawn, ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo nga si Maxine!”

Napako naman sa kinatatayuan sina Jared at ang iba, hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

“Maxine?”

“Si diyosa pala ay si Maxine Garcia?”

“Ito ba 'yong dating pangit na si Maxine?”

“Grabe, ang ganda pala niya!”

Ito ang mga sinasabi sa kanilang paligid.

Habang pinapanood nilang hinila palayo ni Shawn ang malamig pero nakamamanghang babae, hindi mapigilang mapailing ni Jared.

“Grabe, 'yong Maxine na dating hindi pinapansin ng kaibigan natin, ngayon naging isang mala-diyosa na!”

Patuloy naman na hinila ni Shawn si Maxine. Malaki at matibay ang kanyang kamay na parang isang bakal ang pagkakahawak kaya hindi makawala si Maxine.

Mahahaba ang mga hakbang nito, kaya’t halos mapadausdos si Maxine.

“Ano ba, Shawn! Bitawan mo nga ako!” utos niya sa lalaki.

At biglang itinulak ni Shawn si Maxine, dahilan para tumama ang kanyang likod sa malamig at matigas na pader.

Nandilim ang paningin niya nang biglang tumapat ang matangkad at matikas na katawan ni Shawn na ngayon ay ikinulong na siya sa pader.

Halos magliyab na ang mga mata ni Shawn dahil sa inis niya sa babae.

“Akala mo ba ay pwede ka nang magkalat dahil akala mong wala na ako, Maxine Garcia-Velasco?”

Kabanata 5

Nakakunot ang noo ni Maxine. “Teka lang kasi, hindi kita maintindihan. Bakit galit na galit ka, Shawn?”
Nagkiskisan ang mga ngipin ng lalaki. “Max, sinong nagsabi sa ‘yo na ganiyan ang suotin mo? Ang sexy! Halos kita na ang kaluluwa mo!”
‘Sexy?’ bulong ni Maxine sa sarili, kasabay ng paniningkit ng mga mata.
“Ano ba kasi ang pinagpuputok ng butsi mo?”
Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Shawn si Maxine at ang napakaikling palda nito.
“Tingnan mo nga ang sarili mo! Halos makita na ang mga hita mo. Gusto mo bang ipakita na lang sa lahat ang mga binti mo, Max?”
Medyo maikli nga ang palda, pero si Althea ang pumili ng sinuot niya. Hindi naman ganoon ang pananaw ng matalik na kaibigan kanina nang mag-alinlangan siya.
“Max, hindi ka naman nagpapakita ng legs kahit noon pa. Kaya, ngayong gabi, ipakita natin kung sino talaga ang may pinakamagandang binti sa buong lugar!”
Dahil doon, nakumbinsi siya ng kaibigan na suutin iyon.
Bahagyang itinaas ni Max ang kilay niyang elegante. “Mukhang tititgan mo ang mga legs ko hanggang mamaya, Shawn.”
Dahan-dahang sumandal si Maxine sa pader, tila tamad pero elegante pa rin. Itinaas din niya ang kanang binti, ang takong ng kanyang high heels na sandal ay dumampi sa hita ni Shawn.
Itim ang pantalon ng lalaki at hapit sa mahaba at matipuno nitong binti—may lamig at kontrol ang tindig.
Marahang gumalaw ang mga makinis at maputing daliri ng paa ni Max habang patuloy sa pag-akyat at baba sa hita ng lalaki sa isang mapang-akit na paraan.
Ito ay isang tukso at isa ring hamon.
Tinitigan ni Shawn ang babae ng malamig, “Max, anong ginagawa mo?”
Ngumiti lang si Max, ang map**ang labi ay umarko. “Mr. Velasco, may itatanong ako… alin ba ang mas gusto mo—ang legs ko, o ang kay Monica?”
Hindi maalis ni Shawn ang tingin kay Maxine. Ang maputing mukha nito ay maihahambing niya sa isang diwatang nakakaakit, mabilog at maliwanag ang mga mata at talaga namang nakakabighani—walang bahid ng kamunduhan.
Kagabi, napansin na ni Shawn ang ganda sa likod ng itim na eyewear ng babae pero hindi niya inaasahan na maari pala itong maging maganda. Hindi lang basta maganda kung hindi kabigha-bighani talaga.
At ang mukha nito ay parang pamilyar sa kanya, parang nakita na niya ito noon pa at hindi lang niya maalala kung saan.
Ang malinaw at maningning na mga mata ni Maxine ay kumikislap sa lamig. “Mr. Velasco, oo nga pala, may isa pa akong tanong. Kailan ba niyakap ng mga binti ni Monica ang baywang mo?”
Dito na napika si Shawn. Huminto ang paghinga niya at saka inilapit ang gwapong mukha sa babae.
“Maxine, nababaliw ka na ba? Wala ka na bang ibang maisip kung hindi ang mga lalaki? Tumingin ka nga sa paligid, lahat ng lalaki dito…pati mga male entertainers ay nakatingin sa ‘yo. Hindi ka pa nakuntento, tinatawag mo pa sila para lang masiyahan ka. Natutuwa ka ba niyan?”
Hindi sinagot ni Shawn ang tanong ni Maxine tungkol kay Monica. Literal na iniwasan nito ang tanong na ibinato sa kanya. Para kay Maxine, marahil ay ito na ang paraan nito para protektahan ang babaeng minamahal niya.
Ang relasyon nina Shawn at Monica ay puno ng silakbo, kapusukan at dala na rin ng kabataan at kagandahan nila. Natitiyak ni Maxine na niyakap nang mahigpit ng mga binti ni Monica ang bewang ni Shawn dahil kung hindi, bakit ganoon na lang ito ka-obsessed?
Masasabing napakaswerte ni Monica para manatiling tapat ang isang lalaking kagaya ni Shawn.
Hindi nito kailanman tinawag na ‘wild’ si Maxine.
Ngunit nanatiling nakangiti pa rin si Maxine kahit na matalim ang tingin. “Oo nga, Mr. Velasco. Hindi sapat ang katawan mo at hindi mo kayang ibigay ang ligayang hinahanap ko. Siyempre, kailangan kong humanap ng ibang lalaki! Mag-divorce na tayo agad. Na-realize ko kasi na kung hindi sapat ang isa, may iba pa riyan na mas mahusay!”
‘Talagang sinabi niya iyon? Na hindi ako sapat at may mas gagaling pa sa akin? Gulo ang hinahanap ng babaeng ito!’ ngitngit ni Shawn.
Sa isang mabilis na galaw, nahawakan ng lalaki ang makinis na baba ni Maxine. “Gusto mo talaga akong inisin? Gusto mo talagang patunayan kung sapat ako?”
Nanlaki sandali ang mga mata ni Maxine. “H-Ha?”
Lalong lumapit si Shawn, mainit ang hininga pero malamig ang mga salita at may pag-uyam. “Tigilan mo ang pantasya mo. Hindi kita gagalawin kung ‘yan ang gusto mong mangyari dahil ang mahal ko ay si Monica.”
Nasabi rin ni Shawn ng harap-harapan… na ang mahal nito ay si Monica.
Sa totoo lang, hindi na kailangang ipangalandakan pa ni Shawn iyon. Alam na ni Maxine ang bagay na iyon pero hindi pa rin niya maiwasan na may kirot na sumagi sa puso niya. Matalim ngunit banayad, parang kagat lang ng isang bubuyog—hindi malakas pero paulit-ulit at nakakainis.
Bigla, isang malambing na tinig ang narinig nila. “Shawn.”
Napatingala si Maxine. Dumating na si Monica.
Si Monica ay maituturing na isa sa mga pinakapop**ar na babae sa Cavite—may labing p**ang-p**a na parang rosas at mapuputing ngipin. Isang kagandahang hinubog ng mahabang taon ng pagsasayaw mula pagkabata.
Nang makita si Monica, agad na binitawan ni Shawn si Maxine at lumapit sa bagong dating na babae. Yumuko pa ito at tiningnan si Monica nang may lambing na kailanman ay hindi nito ginawa kay Maxine.
“Nandito ka na pala.”
Tumango si Monica, pagkatapos ay lumingon kay Maxine. “Sino siya, Shawn?”
Hindi nito agad nakilala si Maxine. Pero si Maxine kailanman ay hindi makakalimutan si Monica.
Magkaiba sila ng ina at ama. Hindi tunay na ama ni Maxine si Wilbert, kung hindi ang kanyang tito.
Noon, masaya ang buhay ni Maxine. Mahal na mahal siya ng kanyang ama, si Loui Garcia, at ng kanyang ina, si Nora.
Araw-araw siya’y iniangat ng kanyang ama.
“Ang Max ko ay laging masaya,” anito.
Hanggang isang araw, bigla na lang namatay ang kanyang ama.
Lumipat sa bahay nila ang kanyang tiyuhin, si Wilbert, kasama ang anak nitong si Monica. At naging ina rin ni Monica ang kanyang ina.
Pinakasalan ng kanyang ina ang sariling bayaw nito.
Mula noon, si Monica na ang minahal ng kanyang ina at hindi siya.
Noong nakakuha si Monica ng 99 sa exam at siya’y may 100, pinalo siya ng kanyang ina.
“Hindi mo ba pwedeng hayaang manalo ang kapatid mo minsan? Bakit kailangang daigin mo siya palagi?”
Noong umiiyak si Monica dahil sa pagkakalbo dulot ng chemotherapy, inahit ng kanyang ina ang sariling buhok niya.
“Dapat maging pangit ka rin para hindi siya mahiya.”
Gabi-gabi, magkasama sa isang silid ang kanyang ina, si Monica, at si Wilbert. Siya’y nakatayo sa labas, mag-isang yakap ang manikang bigay ng ama niya.
“Mommy, natatakot ako…” ani Maxine.
Hanggang isang araw, tinawag ni Monica ang kanyang ina ng 'Mama' at tuwang-tuwa ito, pero may dagdag pa si Monica, “Isa lang ang anak ng isang ina.”
Umuulan nang malakas nang ihatid si Maxine ng kanyang ina sa probinsya, at iniwan siya roon.
Takbong humabol si Maxine, basang-basa, dala ang kanyang manika.
“Mommy, ‘wag mo akong iwan. Magiging mabait na ako. Ibibigay ko na lahat kay ate. Mommy, yakapin mo ako, natatakot ako…”
Nadapa siya sa putikan, yakap pa rin ang manika, habang pinapanood ang paalis na sasakyan.
Hindi niya kailanman malilimutan si Monica.
Sa oras na iyon, biglang dumating si Jared at nagsalita.
“Monica, siya ang kapatid mo—si Maxine Garcia!”
Nagulat si Monica sa kanyang narinig. "Ikaw si Maxine?”
Alam ni Maxine na kailanman ay hindi niya pinantayan si Monica.
Noong bata pa sila, siya ang mas magaling. Pero ngayon, si Monica na ang matagumpay—kasintahan ng tagapagmana ng pamilyang Velasco, hinahangaan, puno ng tiwala sa sarili.
Muli na namang namangha si Jared sa angking ganda ni Maxine. Mahina nitong bulong, “Hindi ko inakalang ganito kaganda si Maxine.”
Malabo na ang alaala ni Monica sa kanilang pagkabata. Ni hindi niya talaga tiningnan si Maxine noon. Hindi ba’t pangit ito, galing sa probinsya?
Lumapit si Monica puno ng pangmamaliit. “Maxine, ginaya mo pa talaga ang istilo ko sa pananamit.”
Hindi sumagot si Maxine.
‘Kung anong makapagpapasaya sa iyo,’ aniya sa isip niya.
Tumayo siya nang tuwid, ang payat niyang katawan ay marangal. Ngumiti siya nang tahimik. Tinamaan ng liwanag ang kanyang mukha at nagmukha siy1ang parang perlas sa dilim.
Hindi na siya ang dating Maxine na kilala nila.
“Balita ko magpapadiborsyo na kayo ni Shawn. Hindi mo talaga kayang mabuhay nang walang lalaki, 'no? Umaabot ka pa sa pag-renta ng mga modelong lalaki? Kung ako sa 'yo, maghanap ka na lang ng trabaho, Maxine,” saad ni Monica nang may pangungutya sa boses nito.
Pagkatapos, tumingin siya kay Shawn at sinabi, “Shawn, dahil inalagaan ka naman ni Maxine, at kahit yaya lang siya, tulungan mo na rin siyang makahanap ng trabaho.”
Napatingin si Shwn sa mukha ni Maxine nang sabihin iyon ni Monica.
Dagdag pa ni Jared, “Monica, kailangan na rin ngayon ng diploma para makahanap ng trabaho. Ano’ng natapos ni Maxine?”
Tumawa si Monica at taas-noong sinabi, “Tumigil siya sa pag-aaral sa edad na labing-anim.”

Kabanata 6

Sa kanilang social circle, kilala si Monica hindi lang sa taglay nitong kagandahan kung hindi pati na rin sa talino. Nagtapos siya sa kolehiyo sa isang prestihiyosong unibersidad at walang ibang kayang tumapat sa kanyang mga kwalipikasyon sa mga elite ng Metro Manila.
Itinuturing siyang perpektong kapareha ni Shawn Velasco.
Sa mundo nila, hindi sapat ang ganda lang. Ang tunay na lakas ay kumbinasyon ng pinagsamang talino at ganda. Habang umaakyat ang antas ng lipunan, lalong pinapahalagahan ang edukasyon ng isang babae.
Ang pagkagiliw ni Jared kay Maxine kanina ay agad na naglaho. Napalitan ito ng pangungutya. “Maxine, totoo bang tumigil ka sa pag-aaral noong sixteen years old ka pa lang?”
Tumingin si Maxine kay Monica na punong-puno ng yabang at saka ngumiti nang walang pakialam. “Oo, totoo ‘yan.”
Umirap si Jared. “Si Shawn ay tumigil rin sa pag-aaral noong sixteen rin siya. Pero genius ang kaibigan ko—may dalawang master’s degree siya mula Harvard na nakuha niya noong sixteen siya. Samantalang ikaw, baka hindi mo pa yata tapos ang high school.”
Tumawa pa ito nang malakas at mapanuya.
Si Monica naman ay nakatayo sa itaas habang tinitingnan si Maxine na para lang itong isang butil ng alikabok.
Si Shawn naman na matangkad at matikas ay nanatiling tahimik. Tumatama sa kanyang malamig at gwapong mukha ang ilaw mula sa hallway habang hindi inaalis ang tingin kay Maxine.
Tatlong taong ginampanan ni Maxine ang pagiging isang masunuring maybahay ni Shawn. Tatlong taon rin na umikot ang buhay nito sa kanya kaya hindi na niya ikinagulat ang kakulangan nito sa edukasyon.
Pero sa kabila ng panlalait, hindi nakitaan si Maxine ng hiya o takot. Kahit na katakot-takot na paninira ang inabot niya, napanatili niya ang diretsong tingin kay Shawn.
Ngumiti pa nga si Maxine nang mahinahon at muling nagsalita, “Oo nga, ang galing ng pagkakataon, ano?”
“Ang galing nga,” irap ni Jared.
Sa hindi malamang dahilan, may kumislot sa dibdib ni Shawn.
Ngayon lang niya napansin kung gaano kaganda ang mga mata ni Maxine—buhay na buhay at kumikislap.
“Max!” sigaw ni Althea habang tumatakbong papalapit. Galit ito habang nakatingin kay Monica. “Hoy, ano? Inaapi mo na naman si Maxine? Wala na talaga kayong magawang matino?”
Tila proud na proud pa si Monica, itinaas pa nito ang baba. “Excuse me? Hindi namin siya inaapi. Kabaligtaran nga dahil ang totoo, tinutulungan pa namin siyang maghanap ng trabaho.”
Huminto si Althea. “Ano raw?”
Nagpatuloy si Monica, kunwari ay mabait pero halatang nangmamaliit ng kapwa. “Oo. Kahit wala siyang diploma o pormal na edukasyon, susubukan pa rin namin na hanapan siya ng disenteng trabaho.”
Hindi kaagad nakasagot si Althea. Saglit niyang inunawa ang mga sinabi nito sa kanya.
Pagkatapos ay bigla itong tumawa, matalim ang tono. “Alam niyo ba kung sino si Maxine? Si Maxine lang naman ang—”
Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis siyang hinila ni Maxine. “Althea, tara na. Umalis na lang tayo.”
Nagpigili si Althea. Hindi na talaga niya tinuloy ang sasabihin pa pero nanatiling matalim pa rin ang tingin kay Monica. “Darating din ang araw na ikaw naman ang mapapahiya.”
“Althea, halika na…” Hinila ulit ni Maxine ang kaibigan.
Sabay na umalis sina Althea at Maxine.
Napailing na lang si Jared nang tuluyang makaalis ang dalawa. “Ano bang iniisip ng Maxine na ‘yan? Tumigil siya sa pag-aaral at the age of sixteen pero akala mo kung sino. Kung ako ‘yan, hindi na ako lalabas ng bahay sa kahihiyan.”
Kalmado lang si Monica. Hindi niya kailanman tinuring na banta si Maxine. Para sa kanya, hindi naman kasi ito karapat-dapat na maging karibal niya. Kapag nagalit siya sa katulad ni Maxine—sa tingin niya ay para na rin niyang ibinaba ang sarili niyang antas.
Ngumiti lang si Monica nang bahagya. “Hayaan mo na, Jared. Ang mga mangmang ay ganoon naman talaga. Sila pa ang matapang.”
Bumaling si Jared kay Shawn. “Kung ako sa ‘yo, aasikasuhin ko na ang pagdi-divorce ninyo ni Maxine. Hindi siya karapat-dapat para sa ‘yo.”
Walang pagbabago sa ekspresyon ni Shawn. Sa halip, tumingin siya kay Monica at malamig na nagsalita, “Tara na.”
Tumango si Monica bilang tugon. “Sige.”
Sabay-sabay na silang lumabas sa gusaling iyon kasama si Jared.
Paglabas nila ng bar, may biglang tumawag. “Mr. Velasco?!”
Hinanap ni Shawn ang may-ari ng boses at nang mahanap niya, lalo siyang nagulat dahil sa pamilyar na mukhang ‘yon. Ang tumawag sa kanya ay walang iba kung hindi ang Dean ng Harvard University, si Mr. Arnold Contis. Isa rin itong Pilipino na namamayagpag sa ibang bansa.
Agad na lumapit si Shawn. “Dean, anong ginagawa niyo rito?”
Tumindig nang matuwid si Monica pagkarinig sa pangalang iyon. Kahit na isa siyang mahusay na mag-aaral, hindi niya naabot ang Harvard—ang pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo.
Ngumiti nang magiliw si Dean Contis. “Mr. Velasco, nice to see you again. Narito ako para sa isang seminar. Sakto naman naritor rin ang junior mo.”
Tumaas ang kilay ni Shawn. “Junior?”
Magiliw na tumango si Dean Contis. “Oo. Sa Harvard, dalawa lang ang kinikilalang alamat. At nakakatuwa dahil pareho kayong Pinoy. Ikaw at ang junior mo. Pareho kayong nakakuha ng double degree sa edad na labing-anim. Isang tunay na henyo na may pambihirang IQ. Sayang lang at hindi kayo nag-abot sa campus dahil sa agwat ng edad ninyo.”
Natuwa si Jared at hindi na napigilang sumali sa usapan. “Totoo?! Isa pang henyo? At kasing-galing ni Shawn? Sinong mas magaling? Si Shawn, o ‘yong isa?”
Ngumiti si Dean Contis at tsaka tumingin kay Shawn. “Pantay lang sila. ‘Yan ang totoo.”
Medyo nagulat si Shawn sa narinig. Wala pa siyang nakilalang pwedeng tumapat sa talino at galing niya, kahit minsan.
Maging si Monica ay nagulat. Gaya ni Shawn, wala pa siyang nababalitaan na junior na kasing-galing ng lalaki. Kahit wala pang ibinigay na pangalan at kahit na hindi niya tinuring na banta si Maxine, nang marinig niya ang h

Address

Thongwa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Showbiz News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Showbiz News:

Share