Shadow's World - Foodtravelandmore

Shadow's World - Foodtravelandmore Life | Travel | Food | Music ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ณ๐Ÿ‡ฑ
๐–๐จ๐ซ๐ค , ๐’๐š๐ฏ๐ž , ๐“๐ซ๐š๐ฏ๐ž๐ฅ , ๐‘๐ž๐ฉ๐ž๐š๐ญ ๐Ÿ˜Ž๐Ÿ“ธ ๐–๐จ๐ซ๐ค , ๐’๐š๐ฏ๐ž , ๐“๐ซ๐š๐ฏ๐ž๐ฅ , ๐‘๐ž๐ฉ๐ž๐š๐ญ ๐Ÿ˜Ž๐Ÿ“ธ
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ฐ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡ด๐Ÿ‡น๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ณ๐Ÿ‡ฑ๐Ÿ‡ฉ๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡จ๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ฑ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ฆ๐Ÿ‡น๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น๐Ÿ‡ธ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡จ๐Ÿ‡ซ๐Ÿ‡ท๐Ÿ‡ฑ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ง๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ท๐Ÿ‡ธ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ช๐Ÿ‡ธ๐Ÿ‡ฆ๐Ÿ‡ฉ๐Ÿ‡ฌ๐Ÿ‡ง๐Ÿ‡จ๐Ÿ‡ฟ
(7)

11/06/2026
11/06/2026
11/06/2026
11/06/2026
11/06/2026
11/06/2026

Vahkeeeeeet wala sa mga Senador/a ang nagsasampa ng kaso sa Korte Suprema, para tuldukan ang gulo nila?

1. HINDI magsasampa ng kaso ang Trese, dahil sila naman talaga ang totoo. Malinaw na may quorum sila noong araw na nag walk out ang mga sangganong Onse. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi kinukuwestyon ng mga ito ang SP, kahit nagjng Dose na ang Onse, kundi nag iimbento na lang na may Acting SP na sila, kahit buhay pa at may buong kakayahan pang mamuno si APC. Sa ilalim ng batas, ang dapat magsampa ng kaso ay yung may hinaing o kaya'y naagrabyado. Wala namang hinaing at hindi naagrabyado ang Trese, kung kaya't itinutuloy lang nila ang kanilang trabaho. Dito nagwawala ang Onse na naging Dose.

2. HINDI rin magsasampa ng kaso ang Onse na naging Dose, dahil takot sila na hindi sila kakatigan ng Korte Suprema. Alam nilang Peke sila, at ginagawa nila lahat ng paraan, para mapaniwala ang taumbayan na hindi sila Peke. Punung-puno ang socmed na kanilang kawalanghiyaan. Nandiyan ang pag-aangat ng bangko, dahil biglang nagkaroon ng bagong pinuno ang mga Komite. Sila sila lang ang nagtalaga sa kanilang mga sarili. Nandiyan ang pagpapataw ng korona sa sarili niya, bilang Hack Thing SP na raw, kahit wala namang quorum sila at kahit buhay na buhay pa ang SP talaga na hindi naman nila kinuwestyon. Nandiyan ang High Bee P*e na biglang naglabas ng pahayag, kahit bawal na bawal itong sumawsaw sa pulitika. Nandiyan din ang mga sikat na abogado at pati maiiingay na naka bestidang bayaran, kahit hindi mga abogado, para bigyan ng kunwaring katotohanan ang kanilang mga sariling paniniwala at mapaniwala ang taumbayan. At nandiyan din ang isang makupal na sugong HU U na pinasampa ng kaso sa Korte Suprema (pero kunwari wala silang kinalaman), kahit wala namang personalidad at kahit hindi nagbibigay ng payo ang Korte Suprema. Mabuti't hindi binigyan ng daan ang Petisyon niyang walang kakwenta-kwenta. Tapos, may lumabas pa na grupo eme eme ng mga abogadong pulpol naman sa Basic Math na ipinipilit ang majority daw ng 23 ay 12?! Anyare sa 0.5 na tao? Ginawa nyong manananggal na walang kalahating katawan o kaya'y dwende na hindi umabot sa ibabaw ng mesa? Rounding off yan. Kahit na sinong mag-aaral sa elementarya, alam yan, pero binabago ng mga abogago/a, dahil shokot lang sila sa numero? Mabola na kayo sa kaechosan nyo sa batas, pero ang Math ay Math. Kapag nag round off ka, ang 0.5 sa odd mumber ay ang susunod na numero, kaya 13 pa rin. Sumatotal, kapit sa patalim ang mga sanggano. Patuloy na manggugulo ang Onse na naging Dose, pero mga walang yabadoodles ang mga yan o kaya'y kiffiefayfay bayuda de falayfay na harapin ang katotohanan sa Korte Suprema. Jivahhh feel nila na sila ay maraming hinaing at naagrabyado, pwes vahkeeeeeet ni isa sa inyo ay ayaw magsampa ng Petisyo laban sa Trese?

3. Kung may magsasampa man sa kanilang Onse na naging Dose ng Petisyon sa Korte Suprema laban sa Trese, mauungkat ang mga kaso ng Avelino v Cuenco, People v Maceda, at Trillanes v Pimentel. Ni isa sa mga ito ay HINDI magagamit sa kanilang kemerut, kahit ano pang sabihin ng mga nagdudunung-dunungan.

Ang kasong Avelino ay isa lamang Resolusyon noong 1949 sa Mosyon na Irekonsidera ang naunang kaso nila. Walang hukom na pumirma. Malinaw na sinabi ng Korte Suprema na wala itong Hurisdiksyon sa ilalim ng 1935 Konstitusyon. Pwes, ang anumang sinabi doon ay hindi magagamit na precedent sa kaso ngayon, dahil wala yung rato decidendi at ang pawang obiter dictum lang.

Ang kasong Maceda naman ay isang Resolusyon din ng isa namang Dibisyon noong 2000, at si Pardo, J ang nagsulat. Bagama't sinabi roon ang linyang bawal mag "hold office" ang isang naka ditene, na napakalawak, nilinaw ito ng sumunod na kasong Trillanes.

Sinabi sa kasong Trillanes, na isang Desisyon en banc at isinulat ni Carpio Morales, J, na ang naunang kasong Maceda ay tungkol sa locomotion. Ito ay dahil ang kinasuhan doon sa Maceda ay isang abogadong ang pangalan ay Javellana, na imbes na pumirmi sa house arrest ay naglalagalag pa. Sinabi rin ng Korte Suprema na maaari pa ring gampanan ang mga gawaing magbubunga ng resultang lehislatibo. Dagdag pa nito na, kapag may emergency o kaya'y "compelling temporary leaves", maaari pa ring makapag bail ang isang senador/a na naka ditene, depende sa diskresyon ng korte.

Dapat tandaan natin na may dahilan ang paglalagay ng "majority of all Members" o kaya ng "two-thirds vote" (o supermajority) sa Konstitusyon. Ang Korte Suprema ay nagpapasya, para pairalin ang, bigyang buhay ang bawa't probisyon ng, at ituring na buo ang, Konstitusyon, hindi para piliin lang kung ano ang nararamdaman ng mga Hukom na angkop at hindi angkop. Nakita na natin yan noong pandemic. Pinoprotektahan nito ang Konstitusyon laban sa mga politikal na galawan. Kung, halimbawa, hahayaan nito na kung sino lang ang nakaupo o present ang maaaring bumoto, madaling mamamanipula yang mga probisyon ng "majority of all Members" at "two-thirds vote" ng mga tuso at magkakalaban sa politika.

Subali't bago magpapasya ang Korte Suprema, kailangan munang malagpasan ng maghahain ng Petisyon ang katanungan kung ang ito ba ay isang "political issue" o "legal issue". Sa botohan ng mga opisyal ng Senado, panloob na usapin yan. Bilang paggalang sa "co-equal branch", malabong manghihimasok ang Korte Suprema, dahil may sariling Rules ang Senado, at malinaw ang Rules. May quorum noon pa ang Trese. Noong sumuko naman si Sen Jinggoy, nabawasan man ng isa ang buong 24, ang quorum ay Trese pa rin, na hindi nakuha ng Onse na naging Dose lamang. Pwes, HINDI sila pwedeng magmando mando na para bang sila na ang masusunod, gayung wala silang sapat na bilang. Pero, muli, kailan muna ng Onse na naging Dose na ipakita sa legal na paraan kung bakit ang isang Senador/a na nakaditene ay tatanggalan na ng lahat ng karapatan nito, pagdating sa mga "compelling temporary leaves". Kung baga, titulo na lang ang matitira, subali't hindi na makagagalaw pa, para ma "accomplish legislative results".

Kaya ba yan ng nga IMPOSTOR/A?

Samantala, tahimik ang pasimuno ng iskandalo at gumagalaw sa dilim ang mga anino, para mabago ang bilangan.

Sinong dehado?

Ang taumbayan!

Nakulimbat na ang kaperahan, malulunod muli sa baha.

Subaybayan natin sa mga susunod na *K Live! Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito at iba pang paksa, mag Subscribe na, Watch Like Comment Share at iClick ang Bell para sa mga notifications at updates ng bagong channel sa YT!!!













*K YT
YT
YT
Nickstradamus
Nickstradamus Ikalawang Pahina
Nick Naรฑgit - NCN Law
Nick Naรฑgit

๐Ÿ˜ฑ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโš–๏ธ

11/06/2026

Adres

Assen

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Shadow's World - Foodtravelandmore nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen