08/09/2026
Super thankful talaga kami sa mga taong hindi nagdalawang-isip na tumulong sa amin, kahit sila mismo may pinagdadaanan din.
Nandun sila para mag-share kung ano yung meron sila. And I think, sa ganitong klaseng kalamidad, hindi mo na talaga iisipin kung “May sobra ba ako?” or “May maibibigay ba ako?”
Ang maiisip mo na lang is…
“Ano yung pwede kong maitulong para makasurvive tayo?”
And that kind of selfless love… hindi namin yun makakalimutan.
Kasi dito namin natutunan na kahit wala ka, pwede ka pa ring magbigay.
Kahit kaunti lang yung meron ka, pwede mo pa ring pagaanin yung pinagdadaanan ng ibang tao.
And sometimes, nakakagulat din na kung sino pa yung hindi mo kamag-anak, sila pa yung handang sumuporta sa'yo nang buong-buo.
So thank you.
Thank you sa lahat ng nagpaabot ng suporta, sa lahat ng tumulong, nagbigay, nag-check sa amin, at nagparamdam na hindi kami nag-iisa.
Share ko lang yung bits and pieces ng experience namin sa sakunang nangyari dito sa Pampanga.
Ang daming nangyari.
Ang daming lessons.
At ang dami rin naming natutunan.
Hopefully, matapos na rin itong kalamidad, humupa na yung baha, at makauwi na kami.
And most importantly…
Thank you, Lord, dahil kahit sa pinakamahirap na panahon, hindi Mo kami pinabayaan.
Hindi pa man humuhupa ang baha gusto ko mag thank you sa lahat ng tao na tumulong sa amin maraming, maraming salamat.
Hindi namin 'to makakalimutan. ❤️