One Hand Gaming

One Hand Gaming Gamer | Content Creator | Vlogger
(14)

“Ginagawang biro nang iba yung kapansanan mo”Yung pakonti konti na bumabalik ung confidence mo lalo sa pagcocontent and ...
03/08/2025

“Ginagawang biro nang iba yung kapansanan mo”

Yung pakonti konti na bumabalik ung confidence mo lalo sa pagcocontent and biglang may nagsend sa akin na ginagawang mockery ung kapansanan ko. Since birth ko pa binubuild ung confidence ko then may gantong tao na eedit ung kamay mo tapos isesend sa gc ng isang community sa CODM. Para sa inyo nakakatawa siya pero hindi niyo naiisip ung impact nito sa tao let alone may kapansanan pa.

And still, andito ako at iniintindi ko pa din yung ginagawang mockery sa akin. Hindi na to pagiging sensitive but this is an act of mockery towards PWDs na need na ma-callout.

Sana okay ka lang “Ian Vergara”. Hoping you have a healthy and safe life. And to all community sa CODM, Mag-iingat dito kasi baka nasa community niyo to since nagleave daw siya sa community na pinagsendan niya nito. Be aware.

Mandatory selfie para sa may kapansanan na first sumahod sa first job. ❤️Ikaw ba, sumahod ka ba?
31/07/2025

Mandatory selfie para sa may kapansanan na first sumahod sa first job. ❤️

Ikaw ba, sumahod ka ba?

“Lugi na nga kami tapos may PWD Discount pa”Lagi ako sumasakay sa may UN Ave. ng tricycle. Yung pupunuin. then isang bes...
28/07/2025

“Lugi na nga kami tapos may PWD Discount pa”

Lagi ako sumasakay sa may UN Ave. ng tricycle. Yung pupunuin. then isang beses may nasakyan akong tricycle then binayad ko ay bente na tig-lilima tapos binalik ni kuya yung lima at sabi,

Kuya Tricycle Driver 1: boss 15 lang ibabayad mo dahil may PWD Discount ka
Me: Totoo ba? Akala ko wala.
Kuya Tricycle Driver 1: Wag ka papaabuso sa iba dahil kinse lang talaga.
Me: Salamat kuya. Ngayon alam ko na.

Simula nun ay 15 na binabayad ko tapos kahapon, pagkatapos ko bayaran ng 15 pesos yung nasakyan ko, sabi sakin

Kuya Tricycle Driver 2: Kulang, 20 pesos dapat
Me: boss 15 lang dahil PWD
Kuya Tricycle Driver 2: Lugi na nga kami dahil 4 lang pwede namin isakay (PHP 20.00x4 = PHP 80.00)
Me: Nasa batas yun boss eh.
Kuya Tricycle Driver 2: *badtrip na yung mukha at bumubulong kaso hindi ko na maintindihan.

Alam kong tama yung ginawa ko kasi Privilege ko yun as a PWD at nasa batas yun tska kapwa tricycle driver na niya nagsabi sakin na pumipila doon na 15 pesos lang. Nadisappoint lang ako sa nangyari. Hinandle ko siya ng mahinahon at buti na lang hindi lumala. Sana hindi na maulit yun sa akin at sa iba pang mga may kapansanan.

Umattend ako ng costume birthday party tapos mga bisita ay iba’t-iba ung costume na related sa disney at marvel tapos ma...
27/07/2025

Umattend ako ng costume birthday party tapos mga bisita ay iba’t-iba ung costume na related sa disney at marvel tapos may lumapit sakin at nagtanong.

Bisita: Kebs, ano costume mo?
Me: Kupal na Gamer
Bisita: Sakto ah
Both: HAHAHAHAHAHA

“PILAY”Ang daming pwedeng paraan para magpapansin pero ito pinili mo. Hindi kita kilala at mahaba ang oras para i-delete...
26/07/2025

“PILAY”

Ang daming pwedeng paraan para magpapansin pero ito pinili mo. Hindi kita kilala at mahaba ang oras para i-delete to pero Godbless sayo! ❤️

Shoutout kay Artus! Grabe! Hirap nung nakadapa naglalaro tapos 2 thumbs lang. Solid yun! Enjoy lang sa CODM boss! Godble...
25/07/2025

Shoutout kay Artus! Grabe! Hirap nung nakadapa naglalaro tapos 2 thumbs lang. Solid yun! Enjoy lang sa CODM boss! Godbless lagi! 😊

Nagpapicture ako kasama si TPC nga pala kaso wala ibang tao magpipicture sa amin kaya sabi ko kay TPC na kung okay lang ...
21/07/2025

Nagpapicture ako kasama si TPC nga pala kaso wala ibang tao magpipicture sa amin kaya sabi ko kay TPC na kung okay lang siya humawak kasi hindi ko kaya at pumayag siya. Wholesome moment lang. 😊

Nice to meet you bossing!

Ganto ba ung S Line?
18/07/2025

Ganto ba ung S Line?

“WALANG TATANGGAP SAYO DAHIL ISA LANG KAMAY MO”Ito ang isa sa mga komento ng mga tao sa nabanggit ko dati tungkol sa pag...
17/07/2025

“WALANG TATANGGAP SAYO DAHIL ISA LANG KAMAY MO”

Ito ang isa sa mga komento ng mga tao sa nabanggit ko dati tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. Aminado ako, nawalan din ako ng gana noon—pero hindi ibig sabihin ay sumuko na ako. Pinili kong magpahinga saglit para mag-ipon ng lakas, tapos sabak ulit. Hanggang sa dumating ang araw na narinig ko ang mga salitang ‘Tanggap ka na…’ Hindi ko akalaing maririnig ko ang tatlong salitang iyon. After six years, nagkatrabaho ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.

Kaya sa mga kagaya kong matagal nang naghihintay at lumalaban—huwag kayong susuko. Pahinga kung kailangan, pero laban ulit. Darating din ang tamang pagkakataon para sa’yo.

S-Line: CODM Edition
15/07/2025

S-Line: CODM Edition

Tama ka Jon Rei!
13/07/2025

Tama ka Jon Rei!

07/07/2025

PUBGM na kaya?

Adres

Philippine

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer One Hand Gaming nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Contact

Stuur een bericht naar One Hand Gaming:

Delen