10/07/2025
True! Kaya malaking bagay kahit nasa bahay tayo meron pa rin tayong mga side hustle 🥰 samahan ng sipag at tiyaga and prayers also! 🙏 Kaya sa mga mommies jan na gustong maging Affiliate, comment or pm po kayo. Willing to share tips and ideas po. Let's help each other mga mommies 💪
Toni: Bakit pumapayag ang babae na maging second option?
Papa Jack: Di ba kasi sa Pilipinas, parang lalaki lang ang nagwo-work, babae nasa bahay?
Pag yung babae walang income, pag nagloko yung lalaki, yung babae, there’s no way for her to get out of the relationship, kasi wala siyang sariling pera eh.
Magugutom siya pag umalis siya. So tatanggapin na lang niya yung ginagawa ng lalaki.
At meron tayong turo sa mga nanay natin na, “Hayaan mo na, sayo naman umuuwi.”
Toni: Yung mga lumang turo.
Pero sa generation ngayon, unacceptable na yan.
——————-
Yes! Mostly mommies ngayon naggagrind na din..
May anak pa yan na inaasikaso ha 💪
Pag nag open ka ng iba’t-ibang aps, makikita mo mga nanay kahit hating gabi naglalive selling..
Nag-aahente, nagluluto ng maibebenta..
Tama yan mommies!
Kaya naman talaga natin, kung tutuusin.
Kaya nating magpasok ng pera, hindi lang natin magawa sa ngayon dahil pinili nating unahin ang pagiging ina.
Kaya sana, huwag ipamukha sa atin na hanggang bahay lang tayo, na tagatanggap lang ng sweldo..
Hindi madali ang desisyong isantabi ang career at mga pangarap para maalagaan ng buong puso ang ating mga anak.
Pero ginawa natin iyon..at ginagawa pa rin, araw-araw dahil mahal natin sila.