16/07/2025
Ayon sa Revised Police Operational Procedures Manual (Setyembre 2021), kapag may barilan o armed confrontation, may malinaw na hakbang na dapat sundin ang sinumang pulis na in-charge ng operasyon:
1. Seguraduhin ang lugar ng pinangyarihan.
2. Suriin kung may banta pa sa paligid.
3. Kunan ng litrato ang lugar at ebidensya.
4. Dalhin agad sa ospital ang lahat ng sugatan kahit gaano kaliit ang tama.
5. Ihiwalay ang mga inarestong suspek.
6. Mag-debriefing sa lahat ng operatiba para mailabas ang stress.
7. Gumawa ng After Operations Report.
8. Magbigay ng psychological counselling sa mga pulis na sangkot.
🔎 Reference: Section 2.14, Procedures After an Armed Confrontation, RPOP Manual 2021
●PAGSUSUMITE NG INCIDENT REPORT PAGKATAPOS GAMITIN ANG BARIL
•Kung bumaril ang pulis, obligado siyang gumawa ng Incident Report na nagpapaliwanag kung bakit niya kinailangang putukan ang suspek.
Reference: Section 2.13, Filing of an Incident Report After the Use of Firearm
●USE OF FIREARM DURING POLICE OPERATIONS
■Ginagamit lang ang baril kung:
▪︎May imminent danger o tiyak na banta ng kamatayan o matinding pinsala,
▪︎Self-defense, defense ng pamilya, o defense ng ibang tao,
▪︎Pero dapat ay totoo, talamak, at totoo ang banta hindi gawa-gawa lang.
Reference: Section 2.11, Use of Firearm When Justified
●BAWAL ANG BASTA PAGPUTOK SA UMAANDAR NA SASAKYAN
•Hindi basta pinapaputukan ang sasakyan maliban na lang kung:
•May banta sa buhay ng pulis o sibilyan,
•Tiyak ang kakayahan ng suspek na manakit,
•At malinaw ang access o distansya para magdulot ng panganib.
Reference: Section 2.12, Firing at Moving Vehicles is Prohibited
📌 SAMPLE SENARYO #1
“Buy-bust operation.”
May armadong suspek na nanlaban at nagpaputok. Nabaril ng pulis ang suspek. Obligado ang pulis na:
▪︎Selyuhan ang lugar,
▪︎Kunan lahat ng anggulo,
▪︎Dalhin sa ospital ang sugatan,
▪︎Ihiwalay ang suspek kung buhay,
▪︎Gumawa agad ng incident report,
▪︎I-debrief ang team at magpasa ng After Operations Report.
📌 SAMPLE SENARYO #2
“Checkpoint na nauwi sa habulan.”
Tumakas ang motorista at nagpaputok. Sa pagputok pabalik ng pulis, tinamaan ang driver.
▪︎Dapat hindi basta binaril kung walang klaro at aktual na banta.
▪︎Kapag may tama, sagot ng pulis ang pagdala sa ospital.
▪︎Kailangan kumpleto ang picture, report, at hiwalay ang suspek kung aarestuhin.
---
📚 REFERENCE:
Revised Police Operational Procedures Manual (RPOP), September 2021
Section 2.11, 2.12, 2.13, 2.14
---
⚖️ DISCLAIMER:
Hindi ito legal advice, pang-kaalaman lang para sa mga kapulisan at publiko. Mas mainam pa rin ang kumonsulta sa legal officer o abugado kung may katanungan.
Photo: RIAS NCR Inspection