Baao NHS - The Simurai Publication

Baao NHS - The Simurai Publication The SIMURAI Publication - The Official Student Publication of Baao National High School

BREAKING NEWSWANTED: Writers, Artists, and Journalists!HEAR YE, HEAR YE! The hunt is on—The Simurai, the official school...
06/07/2025

BREAKING NEWS

WANTED: Writers, Artists, and Journalists!

HEAR YE, HEAR YE! The hunt is on—The Simurai, the official school publication of Baao National High School, is searching for its next batch of journalists!

Got breaking news in your head? A poem hiding in your notes app? Opinions burning to be heard? Then step forward—you might just be the one we’re looking for. Seize the opportunity to contribute your voice to a dedicated team of writers passionate about telling the truth.

We’re accepting aspiring writers and journalists in the following positions:

• News

• Feature

• Opinion

• Sci-Tech

• Sports

• Editorial

• Cartooning

• Photojournalism

• Copy Reading

• Radio Broadcasting

For more information, please contact the following:

Ma'am Kriza Erin Oliveros (Publication Adviser)

Sir Danny Boy Nacario (Publication Adviser)

Frank Justin Brabante (Editor-in-Chief)

Nerissa Fajardo (Associate Editor)

Join The Simurai. "Not all heroes wear capes—some carry pens."

𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗿𝗮𝗶 𝗯𝗮𝗴𝘀 𝗮𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗮𝘁 𝗗𝗦𝗣𝗖 𝟐𝟎𝟐𝟓The Simurai Publication took part and received acclaim in the recently concluded 202...
09/01/2025

𝗧𝗵𝗲 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗿𝗮𝗶 𝗯𝗮𝗴𝘀 𝗮𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗮𝘁 𝗗𝗦𝗣𝗖 𝟐𝟎𝟐𝟓

The Simurai Publication took part and received acclaim in the recently concluded 2025 Division School’s Press Conference for Elementary and Secondary. The DSPC took place at Pili National High School, Pili, on January 6-8. The campus journalists bagged places in the competition, making their way into progress. Congratulations to these CJs:

4TH PLACE - Kendrick Matthew Velarde (Pagsulat ng Editoryal)
10TH PLACE - Lovely Mae Tumulak (Pagkuha ng Larawan)

Congratulations also to the Simurai members who participated in the event.

Jolo Silva (Pagwawasto at Pagsulat ng Balita)
Frank Justin Brabante (Pagguhit sa Kartong Editorial)
Kent Beldad (Pagsulat ng Balita)
Eljay Breboneria (Pagsulat sa Agham at Teknolohiya)
Kim Jaried Judavar (Feature Writing)

With the theme, “Resilience in the Face of Change: Amplifying Narratives in Region V,” it aims to foster camaraderie, enrich learning experiences, and provide learners opportunities to use the skills learned in campus journalism through healthy and friendly competitions.

With the guidance of school paper advisers, Kriza Erin Oliveros, Danny Boy Nacario, and Kim Silerio, they successfully managed to start and finish the contest.

Appreciation is also given to Assistant Principal Jovita Bolalin, Principal Erma Escuro, PhD, PTA officers through Mr. Roel Ertis and Mrs. Lydia Ballesteros. We appreciate your sincere support to the publication and the campus journalists.

See you again, Press Conferences!

✍: 𝘒𝘪𝘮 𝘑𝘢𝘳𝘪𝘦𝘥 𝘑𝘶𝘥𝘢𝘷𝘢𝘳

𝗪𝗘 𝗪𝗔𝗡𝗧 𝗬𝗢𝗨!To all BNHSians, We are thrilled to announce that The SIMURAI Publication is now on look out to  hire new me...
07/01/2025

𝗪𝗘 𝗪𝗔𝗡𝗧 𝗬𝗢𝗨!

To all BNHSians, We are thrilled to announce that The SIMURAI Publication is now on look out to hire new members and be part of family!

Just submit an original literary works; Be it Poetry, Flash Fiction, Short Stories, Tigsik, and more written in Rinconada-Baao, Filipino, or English for a chance to be published in the literary folio of the publication. With the theme: "Pagsilang (Beginning), Kalayaan (Freedom), Paglisan (Ending)".

You may choose to use a pen name to conceal your identity. Additionally, we welcome submissions of illustrations, and photographs to accompany your written works.

Who knows you might represent the school and publication at Press Conferences?

The deadline for submission is on February 22, 2025. Just send you works directly to:
Lian Denise C. Babol (Editorial-in-chief)

Sir Danny Boy Nacario (Publication Adviser)

Ma'am Kriza Erin Oliveros (Publication Adviser)

You can also submit your pieces via our Official page:
Baao NHS - The Simurai Publication

✏️: Kim Jaried B. Judavar

𝐈𝐒𝐘𝐔𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐇𝐀𝐃 | 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗽𝗲𝗹 𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗔𝗢 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 Ibinabahagi ng 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐑𝐀𝐈 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ngayong ika-3 ng J...
03/01/2025

𝐈𝐒𝐘𝐔𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐇𝐀𝐃 | 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗽𝗲𝗹 𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗔𝗢 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟

Ibinabahagi ng 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐑𝐀𝐈 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ngayong ika-3 ng January, 2025, sa pamumuno ni Madam Erma E. Escuro PhD ng Baao National High School ang naitalang mga balita at naisulat ng mga miyembrong manunulat na naging mga parteng bumubuo ng ating Paaralang Papel ngayong S/Y 2024-2025.

Nais ngayong ipakita sa ating mga madla ang kahanga-hangang naipamalas na maitapon ang mga saloobin at ang mga nangyaring kilos ng ating mga BNHSians. Makikita sa baba ang mga litrato galing sa Tabloid na nailathala at naisumite sa Congressional Press Conference 2025.

𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘓𝘪𝘢𝘯 𝘋𝘦𝘯𝘪𝘴𝘦 𝘊. 𝘉𝘢𝘣𝘰𝘭

𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀𝙎 | December 12, 2024The Baao National High School held 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐆𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 with ...
12/12/2024

𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀𝙎 | December 12, 2024

The Baao National High School held 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐆𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 with the theme: Unleash the Champion within "Embracing Excellence and Unity".

(c)

𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀𝙎 | December 11, 2024The Baao National High School held 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐋𝐈𝐓𝐌𝐔𝐒𝐃𝐀 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 wi...
12/12/2024

𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀𝙎 | December 11, 2024

The Baao National High School held 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐋𝐈𝐓𝐌𝐔𝐒𝐃𝐀 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 with the theme: Unleash the Champion within "Embracing Excellence and Unity".

(c)

𝘽𝙉𝙃𝙎 𝙂𝙎𝙋 𝙢𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙬𝙖𝙜𝙞 𝙨𝙖 𝙔𝙪𝙡𝙚𝙩𝙞𝙙𝙚 𝙍𝙖𝙡𝙡𝙮 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 2024Ang 𝐆𝐢𝐫𝐥 𝐒𝐜𝐨𝐮𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐚𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 ay...
09/12/2024

𝘽𝙉𝙃𝙎 𝙂𝙎𝙋 𝙢𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙬𝙖𝙜𝙞 𝙨𝙖 𝙔𝙪𝙡𝙚𝙩𝙞𝙙𝙚 𝙍𝙖𝙡𝙡𝙮 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 2024

Ang 𝐆𝐢𝐫𝐥 𝐒𝐜𝐨𝐮𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐚𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 ay naki-isa sa kakatapos pa lamang na yuletide rally noong ika-7 ng Disyembre, taong kasalukuyan, nangyari ang programa sa ALDP mall, lungsod ng Naga.
Naglalayon ang programa na ipakita ang diwa ng pasko pati na rin ang pagkakaibigan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at dedikasyon ng bawat isa, naipakita ng mga GSP ang kanilang talento, lakas, at pagkakaisa.

Makikita sa bawat awit, sigla ng bawat sayaw, at lakas ng pagtutulungan, madarama ang dedikasyon ng mga kalahok pati na rin ng kanilang mga magulang at tagapagsanay.

Narito ang mga nagwagi:

𝘊𝘢𝘵𝘦𝘨𝘰𝘳𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘚𝘦𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘎𝘪𝘳𝘭 𝘚𝘤𝘰𝘶𝘵
• 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐓𝐈𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀 - CHORAL SINGING
Mga tagapagsanay:
Billy Jane Agbay Manlangit
Angelo Inting
Mench Buffe
Norvi Antones
• 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐓𝐈𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀 – HIPHOP
Mga tagapagsanay:
Jean Babor Bulalacao
Ma. Charina Blanquera
Leah Claire Martinez Beltran-Yu
Bianca Fay Buñog-Burgos

• 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐓𝐈𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀 - MODERN PASTORA
Mga tagapagsanay:

Angelina Bolo
Gladys Llanes
Bryant Andrei Briñas

• 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐓𝐈𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀 - VOCAL SOLO
Mga tagapagsanay:
Ailz Bigz
Rhoderick Bigueja

𝘊𝘢𝘵𝘦𝘨𝘰𝘳𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘊𝘢𝘥𝘦𝘵 𝘎𝘪𝘳𝘭 𝘚𝘤𝘰𝘶𝘵
• 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐓𝐈𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀 - HIPHOP CADETS
Mga tagapagsanay:
Arlene Villegas
Thiene B'lain

Patuloy na umaapaw ang suporta ng Punong G**o ng paaralan, Gng. Erma Dichoso Escuro PhD, at ang Pangalawang Punong G**o, Ma'am Juby Bulalacao Bolalin.

Ayon kay Hershe Judavar, nanalo sa Hip Hop, sa kategoryang Senior Girl Scout, isang magandang paraan ito upang maipamalas namin ang aming talento at maikaita ang diwa ng kapaskuhan.

"I felt somewhat happy seeing other girl scouts perform and showcase their talents. I did not see the rivalry but camaraderie. We cheered for each other despite representing different schools." banggit ni Jaden Ysabel Bolalin, isa sa nakilahok sa aktibidad.

Matatandaan na nanalo rin nung nakaraang taon ang mga mananayaw ng GSP sa World Thinking day na naguwi ng unang gantimpala.

𝘐𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘵 𝘉𝘦𝘭𝘥𝘢𝘥
🖼 𝘯𝘪 𝘑𝘩𝘶𝘯𝘥𝘢𝘯 𝘚𝘢𝘯 𝘉𝘶𝘦𝘯𝘢𝘷𝘦𝘯𝘵𝘶𝘳𝘢

FACEOUT | 𝐔𝐧𝐭𝐢-𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐚𝐥“'Di na alam, ano pa ba ang halaga.” Palagi kong naaalala ang lirikong ito mula sa kanta n...
07/12/2024

FACEOUT | 𝐔𝐧𝐭𝐢-𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐚𝐥

“'Di na alam, ano pa ba ang halaga.” Palagi kong naaalala ang lirikong ito mula sa kanta ni Zild. Ewan, pero minsan, parang ganito rin ako—iniisip ang halaga ko, lalo na ngayon. Noong nakaraang taon, kayang-kaya ko ang lahat. Multitasking? Walang problema. Kaya kong pagsabay-sabayin ang mga gawain, tapusin ang mga deadlines, at harapin ang bawat alon ng trabaho. Pero ngayon, parang iba na. Parang naglalaho na ang dating sigla. Unti-unti na akong napapagod, nahihirapan, at hindi ko na alam kung paano pa tatapusin ang lahat.

Noon, parang laro lang ang lahat—isang masikip na iskedyul na kayang lusutan ng isang mabilis na plano. Pero ngayon, kahit simpleng listahan ng gagawin, hindi ko na maumpisahan. Takot akong isipin na baka nauubos na ako. Takot akong harapin ang posibilidad na hindi ako nagbabago, kundi unti-unti akong bumabagal, parang makina na nauubusan ng langis.

Ang hirap pala kapag napansin mong ang dati mong lakas ay parang usok—𝐮𝐧𝐭𝐢-𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐰𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚, 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐫𝐚. Yung dating kaya kong mag-aral sa gabi, mag-research sa madaling araw, at magsulat ng mga papel habang iniisip pa ang susunod na proyekto, ngayon parang imposibleng gawin lahat nang sabay-sabay. Parang ang bawat gawain ay may bigat na hindi ko na kayang buhatin.

Bakit ganito?

Noon, nagagawa ko naman lahat. Bakit ngayon, parang sinusubok ako ng bawat araw? Ang bawat pagbabasa, bawat pagsusulat, bawat pagpasa ng papel ay parang hamon na hindi ko na kayang harapin. Parang mas tumitindi ang bigat ng responsibilidad habang mas nawawalan ako ng lakas.

Totoo bang may hangganan ang sigla at sipag na dati’y akala ko’y walang katapusan? Parang dati, walang limitasyon ang enerhiya ko; ngayon, tila mabilis na nauubos ang bawat patak nito. Napapaisip ako kung nasaan na ang sigasig at determinasyon na minsang naging sandigan ko. Bakit parang ngayon, mas madali na akong mapagod at mas mabilis akong mapanghinaan ng loob?

Siguro... siguro panahon na para tanggapin na hindi ko kailangang kayanin ang lahat nang sabay-sabay. 𝘔𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯, 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰. Siguro, hindi naroon ang hirap sa bigat ng aking dinadala, kundi sa pagdala ko ng mga bagay na maaaring hindi ko naman kayang dalhin. Siguro panahon na para maging mabait ako sa sarili ko—na magpahinga, huminto, at tanggapin na kahit mabagal, may progreso pa rin.

Ganoon nga ba talaga? Ewan, parang ang hirap aminin—𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐬𝐚𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐤𝐨𝐧𝐠 "𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚," 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐮𝐧𝐭𝐢-𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐤𝐨.

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko ngayon. Ang dating sigla at bilis ay napalitan ng pag-aalinlangan at pagod. Paano ba ako babalik sa kung sino ako noon? Paano ko pa maibabalik ang lakas na akala ko ay walang katapusan? Hanggang ngayon, inaaral ko pa rin kung paano bumangon—𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙖𝙧𝙖𝙬, 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙜𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩.

---
(c)

Aristotle

𝘽𝙍𝙀𝘼𝙆𝙄𝙉 | Class Resumption of BNHS in all levels withdraws announcement for A WHILE  Base from the Memorandum released i...
11/11/2024

𝘽𝙍𝙀𝘼𝙆𝙄𝙉 | Class Resumption of BNHS in all levels withdraws announcement for A WHILE



Base from the Memorandum released issued during November 10, 2024, both public and private in all levels still hold suspension of classes as stated 𝐔𝐍𝐓𝐈𝐋 𝐋𝐈𝐅𝐓𝐄𝐃 notified on the memorandum.

Due to the reviewed announcement beyond tomorrow school's activities, and current climate situation decided within the current announcement of resumption of classes.

source: https://www.facebook.com/share/p/19UxcHSoMo/

Keep updated within us, as we reviewed final classes resumption of Baao National High School.

Let's stay safe and dry, BNHSians !

FACEOUT | 𝐊𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚 𝐤𝐚?Sa mga panahong hindi tayo nagkikita, Sa bawat patak ng ulan at pagdapa, Sa lamig ng gabing tahimik...
11/11/2024

FACEOUT | 𝐊𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚 𝐤𝐚?

Sa mga panahong hindi tayo nagkikita, Sa bawat patak ng ulan at pagdapa, Sa lamig ng gabing tahimik ngunit mabigat, Kamusta ang puso, kayang pa bang magpakatatag? May sagot ba ang hanging dala’y pasakit, O sapat na ang mga kamay na ngayo’y nakasabit? Kamusta, sa araw na ito ng muling pagbangon, Sa gitna ng hampas ng ulan at unos na dumadaloy. May pag-asa pa rin ba sa’yo’y naninirahan? O may ngiti na'ng pilit bumabalik sa kawalan?

Natanong mo na ba sa sarili mo, kung hanggang saan Ang tibay na kayang itayo pagkatapos?

𝘉𝘢𝘯𝘨𝘰𝘯, 𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢. 𝘈𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢.

Sa nakaraang piyesa, kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang walang tigil na pakikipagsabayan ng pangangamba ko. Sa buhos ng hangin ay may kasamang agos ng mga balitang takot ang mararamdaman ng bawat isa. Isa na ako doon, isa sa takot na mawalan ng signal… sapat na paraan para makumusta siya. Sa bagay, hindi ko naman kayang matigil ang epekto ng bagyong iyon. Wala akong pangrebat sa kalakasang ibinubuhos nito. Huli na, kung mayroon man. Ngunit habang tumatamaas ang baha sa lugar namin, tumataas din ang pag-apaw ng hindi mapakaling pangangambang ramdam. At sigurado ako, isa ka sa naiisip ko.

Sa patlang na ayos lang ba sila? Ano kaya kalagayan ng mga bagay bagay na iyong naalala ay naipapakahulugan ang tanong na ito, sayo. Sa pag-aalala sa kahit sino, ano, o kung saan man mapadpad ang isip na binabalot ng pagkakunot ng noo ay maiibsan sa paraan ng pagpapakawala nito; itanong mo man o ikilos.

Ngunit minsan, oo tao rin tayo.
—𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙪𝙣𝙜𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤. 𝙎𝙖 𝙧𝙚𝙖𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙, 𝙢𝙖𝙮 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣.

Sa likod ng bawat “Kumusta?” ay naroon ang pagnanais na mapawi ang kanilang sariling pangungulila. Sapagkat ang bawat tanong ay hindi lamang para sa iba, kundi para sa kanilang sariling pag-asa at kalakasang tumayo. Ang "Kumusta?" ay hindi lang pangungumusta; ito ay pagkalinga, pagdamay, at isang paanyaya sa pag-unawa, na sana’y magbabalik rin sa kanila sa oras ng pangangailangan.

Hindi lahat ng "Kumusta?" ay may sagot. Ngunit minsan, ang tanong na ito mismo ang nagsisilbing lakas ng mga tinatanong. 𝐌𝐢𝐧𝐬𝐚𝐧, 𝐬𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚, 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐭𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐦𝐨𝐧. Kung tutuusin, hindi rin lahat ng nagtanong ay inaasahang makakuha ng sagot. May mga pagkakataon na ang simpleng tanong na ito ay isang anyo ng pagkilala sa hirap na pinagdadaanan ng bawat isa. Sapat na ang “Kumusta?” upang maipadama ang malasakit na hindi kayang tumbasan ng kahit ano.

Sa huli, ang "Kumusta?" ay parang umagang kayganda matapos ang delubyong gabi. Ito ay tanong na puno ng pangarap, ng pag-asang darating ang oras na magiging maayos din ang lahat. Sa simpleng tanong na ito, humuhugot tayo ng lakas mula sa isa't isa. Hele ng tanong na nagtutulak sa ating bumangon. Ang tanong na kumakatok sa bawat tahanan, tumatagos sa bawat pinto at bintana.
Ang "Kumusta?" ay nagsisilbing tulay upang mapanatili ang ating koneksyon, kahit sa gitna ng unos. Sa bawat sagot na ibinabahagi, nagiging inspirasyon tayo sa isa’t isa. Sa pag-unawa at malasakit, nagiging mas matibay ang ating samahan.

Kaya habang kaya mo pa, kumusta ka? Kung hindi man, ...
𝙆𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖 𝙠𝙖?

----
(c)
𝘐𝘯𝘵𝘦𝘳𝘱𝘳𝘦𝘵𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘛𝘳𝘪𝘹𝘪𝘦 𝘔𝘢𝘦 𝘉𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨
𝘒𝘢𝘭𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘭𝘪𝘵𝘳𝘢𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘑𝘢𝘴𝘱𝘦𝘳 𝘋𝘦 𝘓𝘪𝘮𝘢

10/11/2024

𝑵𝒆𝒘 𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓𝒔 𝑼𝒏𝒇𝒐𝒍𝒅

The Baao National High School - Simurai Publication begins its new chapter as it unveils truth, misinformation, and fallacy. With the new provision of regulations, members, and coordinators, the publication will provide sufficient information prior to what is authentic and neglect what is deceptive.

There will be a long road ahead but the glass is half full. Despite of uncertainties, taking the steps and moving forward to seek and strive for truth will be the quest publicized to the mass. It's time to commence for search of knowledge and spread of authenticity. We begin to face the truth.

𝗪𝘂𝘀𝗵𝘂 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗦𝘂𝗿, 𝗞𝗮𝗺𝗽𝗲𝗼𝗻 𝘀𝗮  𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗸𝗼𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟰Nakamit ng lalawigan ng Camarines Sur ang Overall Champio...
03/05/2024

𝗪𝘂𝘀𝗵𝘂 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗦𝘂𝗿, 𝗞𝗮𝗺𝗽𝗲𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗸𝗼𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟰

Nakamit ng lalawigan ng Camarines Sur ang Overall Champion sa larong Wushu Sanda na umani ng kabuuang 5 Gold, 1 Silver at 2 Bronze na medalya sa Palarong Bikol 2024 na ginanap sa Tabaco Northwest Central School, Tabaco City mula Abril 28 Hanggang Mayo 4.

Si Charles Dastin B. Albao kasama ang dalawang mag-aaral ng Baao NHS na sina Rafael Bolo (Grade 11) at Carl William Colarina ng Grade 7 Bartolome (Jennifer Sabularse - Tagapayo) ay nakasungkit ng medalyang ginto sa kategoryang Boys. Samantalang kinuha naman ni Leo C. Molina ang pilak, at si Gabriel A. Abanto ang tanso.

Sa kategoryang Girls, dalawang gintong medalya at isang tanso ang naiuwi ng koponan mula sa Camarines Sur. Nagwagi sa gintong medalya sina Josa P. Saba at Francisca P. Baesa, habang si Ahngie N. Enojosa, mag-aaral ng Baao NHS mula sa ika-9 na baitang (Helen Grace Bricenio - Tagapayo) ang nag-uwi ng medalyang tanso.

Sa kabuuang bilang, nakuha ng koponan ng Camarines Sur ang limang gintong medalya, isang pilak, at dalawang tanso.

Ang tagumpay na ito ay dahil sa gabay ng mga tagapagsanay mula sa Camarines Sur na sina Maria Arminda V. Conrado para sa Wushu Boys at Darrell P. Lomeda para sa Wushu Girls na matatandaang sa ilalim ng kaniyang pagsasasanay ay patuloy na namamayagpag hanggang nasyonal sa loob ng 4 na taon ang mga kabataang atleta mula sa CamSur.

Bukod dito, kinilala rin ang mga nagtaguyod sa tagumpay ng koponan na sina Michelangelo A. Aguila, Jeffrey B. Mendez, at Geremi Kyle P. Regala. Si Marinel S. Deris naman ang nagsilbing chaperon.

Sa pagtatapos ng Palaro, ang tagumpay at husay ng mga atleta mula sa Camarines Sur sa larangan ng Wushu Sanda ay patuloy na magpapakita ng kanilang natatanging gilas, lakas, at determinasyon sa bawat laban patungo sa susunod na laban.

✍️: Apple Mae Inocencio
📸: Marinel S. Deris (Chaperon - WUSHU Girls)

Adres

Philippine

Telefoon

+9512934343

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Baao NHS - The Simurai Publication nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Contact

Stuur een bericht naar Baao NHS - The Simurai Publication:

Delen