Ate Dok

Ate Dok Mariae Mistica E.

Internal Medicine Specialist
☠️ Fellow
🏋️
💌[email protected]

I want to share what I know and teach others so they can live better.❤️
health vlogs
health tips
healthy living
all about health 🥰💙 Edquid aka Ate Dok is a Board Certified Internal Medicine Specialist and Vlogger who's goal is to goal is to bridge the gap between medical knowledge and the general public by creating engaging and inform

ative content.As a vlogger and a doctor, my mission is to emphasize the importance of preventive care in maintaining overall well-being.

04/11/2025

Kainin mo to anti cancer daw

03/11/2025

Katotohanan sa mataas pa rin BP kahit umiinom ka ng gamot? Ibig sabihin may mali na sa loob ng katawan mo.

02/11/2025

Gawin mo kasi yung pang huli

Sabi ni Kuya Kim sa interview niya sa Kapuso Mo Jessica Soho...“Madali ang physical pain, titiisin mo yun. Pero yung mam...
01/11/2025

Sabi ni Kuya Kim sa interview niya sa Kapuso Mo Jessica Soho...

“Madali ang physical pain, titiisin mo yun. Pero yung mamatayan ka ng anak..sakit. Masakit sa lahat.”

At totoo yun.

May mga sakit na hindi ginagamot ng gamot. May mga luha na hindi kayang patuyuin ng paglipas ng panahon.
May mga pangungulilang hindi tinatalo ng kahit ilang dasal..kasi hindi mo naman gustong mawala yung taong yon.. Gusto mo lang siyang makasama ulit.

Kung binabasa mo to at
nawala ka rin.. anak,magulang, kapatid, kaibigan

Paalala ko lang.. hindi ka nag iisa.

Hindi ka mahina dahil umiiyak ka pa rin.
Hindi ka pa rin “moved on” kasi mahal mo pa rin sila..

Hindi ka dapat mahiya sa lungkot na dala mo araw araw dahil ang bigat na yan ay patunay kung gaano ka magmahal.

Pero sana, sa gitna ng sakit, huwag mong kalimutang may mga buhay pa ring naghihintay sayo!

May mga tao pa ring nangangailangan ng tapang mo.

At may Diyos na hindi ka iniwan kahit pakiramdam mo mag isa ka.

Ang sakit ng pagkawala, hindi mawawala.
Pero araw araw, puwede kang bumangon..hindi dahil nakalimot ka,

kundi dahil pinipili mong mabuhay sa alaala nila.

Dahil minsan, ang pinakamalalim na pagmamahal,
ay yung nagpapatuloy… kahit wala na sila.❤️

may mga araw na ang bigat ng isip mo. Parang ang gulo ng lahat, at bawat negative thought, pinapaniwalaan mo agad. Pero ...
01/11/2025

may mga araw na ang bigat ng isip mo. Parang ang gulo ng lahat, at bawat negative thought, pinapaniwalaan mo agad. Pero totoo, hindi lahat ng naiisip mo ay totoo. Minsan bisita lang sila, dumadaan lang. At trabaho mo lang ay hayaan silang pumasok, pero huwag mo silang patuluyin.

Alam kong mahirap, lalo na kapag ikaw mismo yung kalaban ng isip mo. Pero tandaan mo, hindi mo kailangang paniwalaan lahat ng bumubulong sa utak mo. Ang kailangan mo lang, maniwala sa sarili mong kakayahan bumangon kahit ilang beses ka nang nadapa.

may mga araw na parang wala ka nang kakapitan, parang wala nang makakaintindi. pero tandaan mo, kahit gaano kabigat, hindi mo kailangang buhatin mag isa. kung wala ka nang makapitan, lumapit ka sa Diyos. ipasa mo sa Kanya lahat ng bigat, lahat ng pagod, lahat ng hindi mo na kayang intindihin. kasi kahit kailan, Siya hindi napapagod makinig.🙏

01/11/2025
31/10/2025
Happy birthday sa kapatid kong bunso..Sana ngayong birthday mo, maramdaman mo na sapat ka. Hindi kailangan ng mamahaling...
30/10/2025

Happy birthday sa kapatid kong bunso..

Sana ngayong birthday mo, maramdaman mo na sapat ka. Hindi kailangan ng mamahaling regalo para maging masaya. Ang importante, buhay ka, lumalaban, at may pusong hindi napagod magmahal.

I love you ❤️❤️❤️🥳🥳🥳

29/10/2025

5 Pagkain nakakasira ng Kidneys

Anong gusto mo sa kape mo?☕️Black, strong, at medyo mapait?O sweet and creamy with sugar and milk?Pero eto ah, both are ...
29/10/2025

Anong gusto mo sa kape mo?☕️

Black, strong, at medyo mapait?
O sweet and creamy with sugar and milk?
Pero eto ah, both are right.

Yung iba, gusto ng pait kasi symbol daw ng strength.
Yung iba, gusto ng tamis kasi comfort daw nila yun.
Pero totoo, life isn’t about choosing one side.

It’s about knowing what fills your cup, and drinking it with peace.
Hindi mo kailangang maging strong palagi.
At hindi mo rin kailangang gawing sweet lahat ng bagay.

Ang mahalaga, marunong kang makontento sa sarili mong timpla.
Kasi life isn’t measured by how bitter or sweet it tastes.
It’s measured by how much you enjoy every sip.

Minsan kasi, masarap lang umupo, humigop ng kape, at huminga.
Hindi mo kailangang magmadali, hindi mo kailangang makipagkumpetensya.
You’re allowed to rest, to pause, and to be proud of how far you’ve come.

Kaya kung gusto mo ng strong, okay lang.
Kung gusto mo ng sweet, okay din.
Ang mahalaga, hindi sobra at masaya ka sa timpla mo. 😘

Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Ate Dok nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Contact

Stuur een bericht naar Ate Dok:

Delen