21/07/2025
Sa ganito nalang ba iikot ang mundo ng pinoy? Kung ok na sa iyo ang ganyan, kasalanan mo kung bakit mahirap ka pa din.
BAHA. IYAK. DONASYON. KALIMOT. BOTO SA TRAPO. ULIT-ULIT. HANGGANG KAILAN?
Tao ang lumulubog, pero budget ang nilulunok ng sistema.
Sabi nila, walang pondo. Pero alam mo bang halos ₱350 BILYON ang inilaan sa flood control projects sa 2025? Isa sa bawat tatlong pisong ginastos sa infrastructure, para raw sa anti-baha.
Pero bakit habang lumalaki ang budget, mas lumulubog ang mga kababayan natin sa tubig, putik, at gutom?
2020: ₱93B
2025: ₱349B
Pero tanungin mo ang mga taga-Central Luzon, Cavite, Marikina, Cagayan de Oro — asan ang flood control?!
Sabihin nating may budget, nasaan ang proyekto? Nasaan ang matinong plano? Nasaan ang transparency? Nasaan ang pananagutan?
Kung hindi ito korapsyon, ano?
May mga proyektong paulit-ulit ina-award sa mga iisang contractor, kadalasang kaalyado o kamag-anak. May mga dredging project na walang permit, mga infrastructure na hindi nagtutugma sa real-time na hazard mapping. Yung iba, na-fund sa papel pero hindi naipundar sa lupa.
Kung hindi ito kapabayaan, anong tawag mo rito?
Lahat ng ito, hindi lang kasalanan ng national government.
May pananagutan din ang mga LGU — mga mayor, governor, at board member na mas abala sa ribbon-cutting, TikTok, at pangangampanya kaysa sa early warning systems at long-term urban planning.
Ang lalakas magpa-photo-op pag may relief, pero zero pag project monitoring na.
At eto pa ang malala, kapag binaha ang tao, biglang may ayuda, relief goods, tarp, name tag, at Facebook live.
Tapos magpapapicture sa evacuation center.
Tapos iboboto niyo ulit.
Kasi nga “mabait.” Kasi nga “nandyan pag may bagyo.”
Pero hindi ba mas mabuti kung wala nang binabaha sa una pa lang?
This is not just negligence, this is manufactured misery.
Para may “savior complex.” Para may ma-photo-op.
Para kahit palpak, loyal pa rin ang boto.
Lahat ng ito, parte ng mas malaking siklo ng kalokohan:
Baha → Iyak → Donation drive → Calls for change → Kalimot → Boto sa trapo → No projects → Baha ulit.
Tama na. Sobra na.
Wag na tayong magpa-gaslight sa bayanihan kung taon-taon ganito na lang.
Hindi kakulangan sa malasakit ang problema. Kakulangan sa accountability, direksyon, at political will.
Singilin natin ang mga opisyal na nilulunod tayo sa pangako.
Singilin natin ang mga proyekto na naging cash cow ng mga pamilya sa poder.
Singilin natin ang bawat pisong sinayang habang ang mga bata sa estero ay nagkakasakit at ang mga nanay ay naglalangoy para lang makatawid.
Hindi na sapat ang dasal. Hindi na sapat ang donasyon.
Ang kailangan, paniningil.
Tapos na ang panahon ng pasensya.
Panahon na ng pananagutan.
Panahon na para palitan ang mga nakaupo sa trono ng baha.