15/04/2025
News || PALAWAN, TOP 1 SA WORLD BEST ISLANDS TO VISIT FOR 2025 SA RANKING NG ISANG AMERICAN MEDIA COMPANY
Nanguna ang lalawigan ng Palawan sa World’s Top 24 Best Islands to Visit for 2025 sa inilabas na artikulo at listahan ng U.S. News and World Report, isang American media company na naitatag noong 1948 at naka-base sa Washington, D.C. at naglalabas ng ranking editions sa iba’t ibang larangan.
Ilan sa nabanggit sa artikulo ang malinis at malinaw na tubig ng Kayangan Lake sa Coron, Bacuit Bay sa El Nido, at ang Puerto Princesa Subterranean River o Underground River na ilan lamang sa maaaring pasyalan ng mga turista.
“Sprawling beaches, rich cultures and untouched pockets of wilderness are just a few alluring characteristics of the best islands in the world. According to experts and U.S. News readers, each of the beautiful islands listed here boasts a little something extra that keeps travelers enchanted – whether it's impressive coastlines, immersive experiences, or the ease of getting there.,” bahagi ng post ng U.S. News and World Report sa kanilang website.
Pumangalawa sa nasabing listahan ang Sardinia sa Italy habang pangatlo naman ang Mauritius na island country sa Indian Ocean.
Ang iba pang pumasok sa Top 24 Best Islands to Visit for 2025 ng U.S. News and World Report ay ang mga sumusunod:
1. Palawan
2. Sardinia
3. Mauritius
4. Santorini
5. Faroe Islands
6. Cyprus
7. Tahiti
8. Whitsunday Islands
9. South Island
10. Bora Bora
11. Galápagos Islands
12. Bermuda
13. The Azores
14. Capri
15. Madagascar
16. Zanzibar
17. Bahamas
18. Fiji
19. Bali
20. St. Lucia
21. Maui
22. Corfu
23. Maldives
24. Hvar
Ang pagkilala na ito sa lalawigan ng Palawan sa larangan ng turismo ay inaasahang makatutulong ng malaki para mas lalo pang dayuhin ng mga banyagang turista ang probinsya ng Palawan. – via CHRIS BARRIENTOS
📷 Photo courtesy U.S. News and World Report