17/07/2025
MULTA AT KULONG SA PABAYANG ANAK SA MAGULANG...
Parents Welfare Act of 2025 muling binuhay ni Senator Panfilo "Ping" Lacson ang panukalang batas kaugnay sa pagpapaalala sa mga anak na huwag abandonahin o pabayaan ang kanilang mga magulang na mahina na at higit sa lahat ay kung ito ay may karamdaman.
Layunin ng isinusulong na Batas na, na mabigyan ng karampatang parusa ang mga anak na tahasan o sadyang hindi tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang magulang na tumatanda at wala ng kakayahan pang makapaghanap buhay o itaguyod ang sarili.
Multa at pagkakakulong sa mga anak na diakakatupad sa nasabing panukala lalo na at may sapat naman na kakayahang tugunan ang pangangailangan nito.
Gayunpaman ay nilinaw ng senador na ang Batas ay hindi sasaklaw sa mga anak na wala ring kakayahan at may maliit na kita.
Ang panukala ay umani ng samut saring reaksyon at komento.