I-Scene Quick News

I-Scene Quick News News and Current Affairs

🀝BAYANIHAN TIME SA BAYAN NG INFANTA, AARANGKADA TUWING SABADO Pormal nang idineklara ni Infanta Mayor L.A. Ruanto ang β€œI...
08/07/2025

🀝BAYANIHAN TIME SA BAYAN NG INFANTA, AARANGKADA TUWING SABADO

Pormal nang idineklara ni Infanta Mayor L.A. Ruanto ang β€œInfantahin Bayanihan Day” tuwing Sabado o Volunteers Day!

Ayon kay Ruanto, panahon para maglinis, mag-ayos, at tumulong sa kapwa. Sama-samang kilos aniya para sa mas maayos na komunidad.

Sa katunayan, nitong nakaraang Sabado ay sinampulan na linisin ang fish port ng Dinahican at marami pang ibang lugar sa kanilang bayan.

Sinabi ng alkalde, na ang pag Gogobyerno at pagpapaunlad ay kaakibat nito ang pagpapaganda ng Bayan ay hindi lamang trabaho ng mga nasa Pamahalaan, kundi ang kapit-bisig na pagtutulungan ng bawat isang mamamayan.

"Kaya’t ang araw ng Sabado ay dinideklara ni Ruanto na Araw ng Pagbo-boluntaryo at pakikisangkot."

Inihayag din nito na tuwing Sabado ay pipili ang alkalde ng mga lugar na pagbabayanihan na isaayos at linisin. Hinikayat din ni Ruanto ang kanyang mga kababayan sa mga gustong Makipag Bayanihan ay bukas ito para sa lahat.

Dagdag pa ng alkalde, hindi lang ito araw ng gawain kundi araw ito ng pagkakaisa ng mga Infantahin.


MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA SA BAYAN NG INFANTA, UMANI NG SUPORTA AT POSITIBONG REAKSYON SA MAMAMAYAN Umani ng...
06/07/2025

MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA SA BAYAN NG INFANTA, UMANI NG SUPORTA AT POSITIBONG REAKSYON SA MAMAMAYAN

Umani ng suporta at positibong reaksyon sa mamamayan ng Infanta, Quezon matapos maging epektibo ang pagpapatupad ng curfew at pagbabawal sa paggamit ng maiingay na tambutso ng mga motorista.

Mula nang maupo si Mayor L.A Ruanto sa Bayan ng Infanta ay wala itong preno sa pagpapatupad ng mga ordinansa na matagal ng hindi naiapatupad sa kanilang bayan.

Agad ding pinulong ni Ruanto ang lahat ng Punong Barangay sa kanyang tanggapan upang talakayin ang mas mahigpit na pagpapatupad ng iba pang lokal na ordinansa na laying nitong bigyang-diin ang mahahalagang ordinansa tulad ng tamang pagtatapon ng basura at pagkontrol sa mga ligaw na a*o at pusa na kalat sa mga pangunahing lansangan.

Ayon kay Mayor Ruanto, hindi siya magdadalawang-isip sa mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin, na aniya’y mabisang paraan upang mahikayat ang mga mamamayan na maging masinop, responsable, at disiplinado.

Ikinatuwa rin ng alkalde ang mainit na tugon at suporta ng kanyang mga kababayan sa kampanyang isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa isang mas mapayapa at ligtas na Infanta.

Naging sentro naman sa mensahe ni Mayor Lord Arnel "L.A" Ruanto ang buong kahulugan ng LINGAP Agenda na pangunahing nangangailangan ng atensyon mula sa Lokal na Pamahalaan kabilang ang usapin ng pag-angat ng pamumuhay, pagpapalakas ng kooperatiba mula sa iba't-ibang sektor, pagtutok sa antas ng edukasyon, pagpapanatili ng peace and order, pagpapahalaga sa kalikasan, pagtutok sa kalusugan at iba pang mga programa at proyekto.

Dagdag pa ni Mayor Ruanto, tuloy-tuloy ang kanyang pagbisita sa mga purok at sitio upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng buong pamayanan.

Nalinis din nito ang Dinahican Port na tulong-tulong ang Lingap Agad Team at ng Bureau of Fire Protection ganun din ang mga Barangay Officials na nakiisa sa naturang paglilinis sa lugar.

Samantala, patuloy namang nagpaalala ang alkalde sa mga dumadayo sa kanilang bayan na Sundin ang mga ipinaiiral na mga polisiya sa kanilang Bayan upang maiwasang matiketan at para na rin sa kaligtasan at kaayusan ng bawat isa.

25/06/2025

5 BAHAY NASUNOG, ISA SUGATAN SA INFANTA, QUEZON

10/06/2025

'IBALIK SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO'

Nilinaw ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang mosyon na ibalik sa House panel ang articles of impeachment, na naglalayong matiyak na walang legal na paglabag na naganap noong unang inihain ang mga artikulo laban kay Vice President Sara Duterte.

Naniniwala siya na ang diskarte na ito ay mas mahusay kaysa sa tahasang pagpapatalsik dahil sa mga isyu sa konstitusyon o ang diumano'y paglabag ng Kamara sa isang taong pagbabawal. | via Jojo Sicat, Abante Radyo

19 PANG BAGYO AASAHANG PAPASOK O MABUBUO SA LOOB NG BANSA NGAYONG TAONSa nalalabing ilang buwan ngayong 2025 inaasahan n...
04/06/2025

19 PANG BAGYO AASAHANG PAPASOK O MABUBUO SA LOOB NG BANSA NGAYONG TAON

Sa nalalabing ilang buwan ngayong 2025 inaasahan na mayroong hanggang 19 na bagyo na papa*ok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, ito ay simula ngayong buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon 2025.

Sa infographic ng PAGASA ipinakita ang climatological tracks ng mga bagyong dumaan at puma*ok ng PAR mula taong 1948 hanggang 2015 at ang bilang ng mga bagyo na maaring mabuo kada buwan.

Ang pagtaya na ito ay base sa isinagawang 184th Climate Outlook Forum ng ahensya.

TATLONG AUTO SURPLUS SHOPS SA DAVAO CITY NA ILEGAL NA NAG-AANGKAT NG RIGHT-HAND DRIVE NA SASAKYAN SINALAKAY NG LTOSinala...
04/06/2025

TATLONG AUTO SURPLUS SHOPS SA DAVAO CITY NA ILEGAL NA NAG-AANGKAT NG RIGHT-HAND DRIVE NA SASAKYAN SINALAKAY NG LTO

Sinalakay ng Land Transportation Office (LTO) katuwang ang local na pulisya sa Davao City ang tatlong auto surplus shops na nag-aangkat at nagre-rebuild ng right-hand driver motor vehicles.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ikinasa ang operasyon laban sa JP Malik Trucks and Equipment Corp., Mahar Motor Surplus Corp., at Umar Japan OPC matapos ang natanggap na intelligence reports sa ilegal na pag-aangkat ng sasakkyan ng mga ito na kanilang ina-assemble.

Sa imbestigasyon, ang tatlong motor vehicle surplus shops na naka-base sa Davao City ay walang LTO accreditation bilang importer, rebuilder at dealer ng right-hand drive motor vehicles.

CRITICALLY ENDANGERED PHILIPPINE CROCODILE NAILIGTAS SA KIDAPAWAN CITYNailigtas ang isang babaeng Philippine freshwater ...
04/06/2025

CRITICALLY ENDANGERED PHILIPPINE CROCODILE NAILIGTAS SA KIDAPAWAN CITY

Nailigtas ang isang babaeng Philippine freshwater crocodile sa Barangay Sarayan sa Kiadapawan City, Catabato.

Agad itong dinala sa DENR 12 – Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Cotabato para masuri.

Ayon sa DENR, ang crocodile ay mayroong haba na 6.6 feet at tumitimbang ng 60 kilograms.

β‚±200 NA DAGDAG SA SAHOD, APRUBADO NA SA KONGRESO!Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang β‚±20...
04/06/2025

β‚±200 NA DAGDAG SA SAHOD, APRUBADO NA SA KONGRESO!

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang β‚±200 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ang panukalang batas ay naipasa sa boto na 171-yes, 1-no, at 0-abstain.

Kung maisasabatas, ito ang magiging kauna-unahang legislated wage hike sa bansa sa loob ng 36 na taon.

COWBOY COP NAGPAPATRULYA SA MGA PASYALAN SA BUNDOK NG TANAY.NAGKAROON ng panibagong atraksyon ang mga turista sa Daraita...
04/06/2025

COWBOY COP NAGPAPATRULYA SA MGA PASYALAN SA BUNDOK NG TANAY.

NAGKAROON ng panibagong atraksyon ang mga turista sa Daraitan Tanay Rizal dahil sa pagtatalaga ng tinaguriang Cowboy Cops.

Ang pagtatalaga ng Cowboy Cop na nagsasagawa ng Cowboy patrolling ay ideya ni Tanay Municipal Police Station chief, Lt. Col. Gaylor Pagala,

Layon nito na makapagsagawa ng pagpapatrolya da lugar na hindi kayang puntahan ng mobile car o moyorsiklo at tiyakin ang katahimikan at kaligtasan ng mga dumarayong turista sa kabundukan ng Tanay

Ito tin ang unang pagkakataon na nakikita sa Barangay Daraitan ang mga unipormadong pulis na nagpapatrolya sakay ng kabayo.

Ayon Kay Rizal Police Provincial Office Provincial Director Col. Felipe Maraggun ang presensya ng Cowboy Patrol sa mga Barangay at tourist destinations lalo na sa mga tabing ilog ay naglalayong mapangalagaan ang mga residente at mga turista sa kabundukan bahagi ng Tanay.

Poditibo naman ang naging pagtanggap ng mga residente sa lugar sa pagkakatalaga ng mga cowboy patrol.

Ang mga upland Barangay ng Tanay ay dinarayo tuwing tag-araw dahil sa malinis na kailugan at mga rovk formation na nakakaakit lalo na sa mga turista.

KASO NG DENGUE SA QUEZON CITY BUMABA SA NAKALIPAS NA MGA LINGGOMay pagbaba na sa mga naitatalang ka*o ng dengue sa Quezo...
04/06/2025

KASO NG DENGUE SA QUEZON CITY BUMABA SA NAKALIPAS NA MGA LINGGO

May pagbaba na sa mga naitatalang ka*o ng dengue sa Quezon City sa nakalipas na mga linggo.

Ayon sa Quezon City Dengue Surveillance Update, nakapagtala ng 5,138 total dengue cases sa lungsod mula January 1, 2025 hanggang June 2, 2025.

Hanggang noong June 2, nakapagtala na ng 13 nasawi dahil sa sakit.

Karamihan sa tinamaan ng sakit na dengue sa lungsod ay mga edad 10 pababa.

SCHOOL SUPPLIES NA NABILI SA MGA TINDAHAN SA METRO MANILA NAGTATAGLAY NG NAKALALASONG KEMIKAL Ikinabahala ng toxic watch...
04/06/2025

SCHOOL SUPPLIES NA NABILI SA MGA TINDAHAN SA METRO MANILA NAGTATAGLAY NG NAKALALASONG KEMIKAL

Ikinabahala ng toxic watchdog na BAN Toxics ang presensya ng nakalala*ong kemikal sa mga school supplies na nabibili sa mga tindahan sa Metro Manila.

Sa isinagawang market sampling, bumili at sinuri ng grupo ang 17 uri ng school items na binili mula sa bargain shops at ambulant vendors sa Caloocan, Manila, Pasay, Quezon City, at Taguig.

Sa 150 samples na isinailalim sa screening gamit ang Handheld XRF Analyzer, dalawang school items ang nakitaan na nagtataglay ng "dangerously high levels" ng nakalala*ong lead.

Ito ay kinabibilangan ng kiddie backpack na may cartoon character design at red-painted water container.

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐠𝐚𝐦𝐒𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐝𝐒𝐀𝐚π₯, 𝐒𝐩𝐒𝐧𝐚𝐠𝐀𝐚π₯𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 π“πžπšπŒ π„π§πžπ«π π² 𝐬𝐚 πƒπžπ©πšπ«π­π¦πžπ§π­ 𝐨𝐟 𝐏𝐞𝐝𝐒𝐚𝐭𝐫𝐒𝐜𝐬 𝐧𝐠 ππŒπ‚Pormal nang natanggap ngayong a...
04/06/2025

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐠𝐚𝐦𝐒𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐝𝐒𝐀𝐚π₯, 𝐒𝐩𝐒𝐧𝐚𝐠𝐀𝐚π₯𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 π“πžπšπŒ π„π§πžπ«π π² 𝐬𝐚 πƒπžπ©πšπ«π­π¦πžπ§π­ 𝐨𝐟 𝐏𝐞𝐝𝐒𝐚𝐭𝐫𝐒𝐜𝐬 𝐧𝐠 ππŒπ‚

Pormal nang natanggap ngayong araw, Hunyo 3 ng Department of Pediatrics ng Quezon Provincial Health Network - Quezon Medical Center (QPHN-QMC) ang mga bagong kagamitang medikal na layuning mapabuti ang pangangalaga sa mga bagong silang na sanggol.

Kabilang sa mga kagamitang ito ang dalawang (2) Clinical Incubators, apat (4) na Phototherapy Lights, dalawang (2) Infant Warmers and Resuscitation Table, at dalawang (2) Fetal Doppler, na inaasahang makatutulong sa pagbibigay ng mas episyente at makabagong serbisyong medikal sa neonatal care ng lalawigan.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa TeaM Energy at kay Assistant Vice President for External Affairs Froilan Gregory Romualdez III para sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan ng lalawigan.

Ayon kay Governor Tan, malaki ang maitutulong ng mga naturang kagamitan sa mga bagong silang na sanggol na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Dagdag pa ng opisyal na ang suporta mula sa mga katuwang na institusyon ay mahalaga upang patuloy na maisulong ang dekalidad na serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Quezon.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong medikal sa lalawigan, alinsunod sa layunin ng QPHN na mailapit ang maayos at makabagong pangangalagang pangkalusugan sa bawat mamamayan.

Source: Balitang Stan
πŸ“Έ Doktora Helen Tan

Adres

Philippine

Telefoon

+639564120606

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer I-Scene Quick News nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen