30/10/2023
I shared about my story something happened i think not to big but meaningfully for me.
Nasa kalsada ako kanina galing work then binibilang ko yung pamasahe ko I think na 15 pesos coins sya which is pa divisoria ako dahil physical energy ang kailangan sa work ko parang sobrang nakaka pagod as in galing work kaya nag ji Jeep ako mula binondo gang divisoria kahit budget lang yung pera ko na hawak, habang nag bibilang ako ng barya ay huminto sakin yung isang e trike then sabi sakin boy halika na then nag alangan ako kasi nga pang jeep lang yung meron ako pero nagulat ako sa sinabi ni kuya ok na yan kahit magkano then sabi nya sakin di naman ganon ka layo kahit 10 pesos lang ok na yun "lagi daw sya nag sasakay dun sa simbahan" kung sino ma sakay nya sa erya na yun eh 10 pesos lang talaga daw talaga sininisingil niya,napaka solid ni kuya kasi kahit at ang hirap ng pera ngayon at simpleng mamayan lang sya ay pareho siyang lumalaban sa buhay at nakakatulong sya sa ibang tao kahit sa ganun paraan kung sa tingin nya eh maliit na bagay lang yun sa minimum wage worker na gaya ko eh napaka laking bagay na yun sana sa mga nakaupo at uupo maging salamin sana si kuya na ang mga maliit ay mag tulungan upang balang araw ay tayo naman ang tingalain wag mag hilaan at bandang huli tayo rin ang aani.
Shout out kay kuya driver well I hope makita ko sya tomorrow to say thank you and keep safe..
samarittan